r/AskPinay • u/_sinderela • 21m ago
WOMEN ONLY: Relationship & Dating Mali ba ako sa part na 'to?
May nakausap akong guy nung October tas sa every night tumatawag sya para makipag kwentuhan ganyan, sinasabayan ko kasi late naman talaga ako natutulog. Tas sa umaga hindi ako nag sstart ng conversation kasi sabi ko baka late night calls lang talaga ang connection namin. Kung mag usap man kami updates lang dahil iniiwasan ko rin kasi ma-attach.
After 2 weeks ng pag uusap, biglang sabi nya "pano kung seryosohin kita" Likee teh napa ganon ako oh š® in a span of 2 weeks parang ambilis naman kako ma-attach. Ewan ko ha, para sakin mabilis yun pero sakanya normal lang daw. Hahaha edi eto na, naka off kasi notif ko sa tg nag ask sya ng time interval na baka owede mabilis akong mag reply edi i-on ko notif sa chat nya at kung pwede hingin ang 30mins lunch break ko, sabi ko try ko kasi minsan mas gusto ko makipag usap sa mga kasabay ko kumain ganyan.
Days passed, okay naman ng flow ng usapan. Walang deep conversations sa chat dahil both busy sa work pero sa call soper kwento si accla. Nag ask sya bigla ng kung meaning daw ba pag uusap namin. Parang may pressure sumagot ng "oo may meaning." Pero tehh, wala pa talaga for me kasi sinasabayan ko lang e, late naman ako natutulog sadya edi kausapin kita. Edi we're taking the risk daw kuno, see where it goes.
Tas taka ako biglang nag die down yung energy sa chat and di na rin tumatawag. Para sakanya, pag sya last chat di na sya mag follow up e ako pag ramdam ko walang ganang makipag usap yung kausap ko, e wag na lang. Tas ang dating pa ay ako yung mali. Ayoko kasi ng ako pa bubuhat ng usapan tas titipirin ako ng sagot. Ma-pride daw ako which is true naman nga. Tsaka pag ramdam kong mawawala na yung tao ay uunahan na kita.
3 days na kaming hindi nag uusap at ako yung last chat, hindi na ako nag reach out dahil for me getting no message is also a message. Gets yung busy sa work pero kapag gusto may paraan, pag ayaw may dahilan. Tsaka, ano ba meron sa mga lalaki ngayon? Sila na ba ang bagong disney princess? Parang gusto hinahabol sila.