r/Philippines • • May 21 '23

Trigger Warning Wish 107.5 is a scam

Context: Wish 107.5 is owned by Daniel Razon, the presiding minister of MCGI. He's the successor of Bro. Eli Soriano of Ang Dating Daan.

Bakit scam? As you can see sobrang mahal ng tickets, but it is always sold out kasi ang tickets binebenta sa loob ng church sa ayaw nila at sa gusto... They call this as "target". I.e each local will have an announcement similar to this:

"Mga kapatid, 10 tickets po ang target natin para sa upcoming concert." But these so called "targets" are already considered sold may bumili man or wala. So yung mga members, mahirap man or may kaya, mapipilitan mag contribute. Pag hindi talaga nabenta madadagdag to sa "backlogs" or utang ng lokal na kelangan pa din mabayaran ng members.

Why am I exposing this? I was a former member, and now pinili ko na wag nalang mag join sa kahit anong religion. Naaawa ako sa mga kapatid/members na patuloy na pinapayaman ang pamilya ng namumuno habang sila nag hihirap.πŸ˜”

Please note as well na halos lahat ng staff/employees ng businesses ni Daniel Razon, including Wish 107.5, UNTV at iba pa ay mga members din ng church. Members who are providing their services for free or with very little compensation.

Pati sa construction ng businesses. How do I know? Inaannounce yan sa mga GC namin. They are looking for volunteers na pwedeng sumama sa construction para sa pagpapatayo ng businesses ni Razon.

Anglungkot lungkot na angdami pa din patuloy nabibiktima sa mga cults. πŸ˜”

Napakadaming baho sa loob ng kulto, but I am exposing this one kasi madami ang tumatangkilik sa Wish.

1.5k Upvotes

294 comments sorted by

167

u/[deleted] May 21 '23

True, kaw ba naman pagmamayari ng kulto... ung mga miyembro jaan (MCGI or Dating Daan) pinagtotoka ng bayaran, sa pilitan na toka kada lokal (Church Area/Location)

Imagine yung presyo ng tickets jan, tapos karamihan pa ng members jaan mahihirap pero kada pagkakatipon bagi umuwi papaalalahan ang mga member about their "projects"

Paano ko to alam? Dati po akong nauto ng samahan na yan.

If sasabihin din ng mga panatiko nyan na naninira ako, then be it, tutal niloloko nyo lang naman mga sarili nyo!

Sorry napa Mema pa...

77

u/Anxious-Maybe6396 May 21 '23

Ganun na nga po talaga ang sasabihin nila...

Nung nagpa doktrina po ako angsabi walang sapilitan sa pag-aabuloy. Unlike other churches na naka fix ang 10% or ikapu.

Kaya nagulat po ako nung naging member na angdami po palang projects/targets na hhingin bukod sa abuloy. πŸ˜… Wala daw pilitan pero igguilt trip ka or iccorner, mahihiya ka nalang kaya mapapa bigay ka... πŸ˜…

Lalo na po pag nalaman nila na may work or may kaya ka at madali ka mauto. Asahan mo na lagi kang lalapitan para mag contribute. Term pa nila "naglalambing". Hehe. Malambing po pag hihingi ng contribution πŸ˜…

46

u/moningcat May 21 '23

tama. pang front lang pla un hindi kami tumatanggap ng abuloy sa di kapananampalataya. un pla pag naanib ka na, nadaig pa ang 10% ng born again.nun babagong nagkatrabaho ako at nakabili ng maayos ayos na cp. nalaman ng isang servant sa lokal nila. aba biglang after ng pagkakatipon dun sa announcement nya nagpaparinig na dapat tintulong na lang sa gawain yun ipambibili ng cellphone. bahagya na ko makabili inipon ko naman un, para bang wala akong rights magdecision sa sarili kong pera

17

u/rman0159 Beware of imposters and Benjos! May 22 '23 edited May 22 '23

Kaya nagulat po ako nung naging member na angdami po palang projects/targets na hhingin bukod sa abuloy. πŸ˜… Wala daw pilitan pero igguilt trip ka or iccorner, mahihiya ka nalang kaya mapapa bigay ka... πŸ˜…

They're no different from other churches especially those who believe in the prosperity gospel forcing members to tithe large sums of money. Inaabuso pa ang mga verses from 2 Corinthians out of context to justify their beliefs. Siguro ginagamit na rin ang Malachi 3:10 in which it refers to a part of a Jewish temple to store tithes and grains. Old Testament pa to.

I'm not a theologian, pero talamak sa mga prosperity sects pati INC as well doing forced tithing na labag sa kalooban ng mga members.

Lalo na po pag nalaman nila na may work or may kaya ka at madali ka mauto. Asahan mo na lagi kang lalapitan para mag contribute. Term pa nila "naglalambing". Hehe. Malambing po pag hihingi ng contribution πŸ˜…

Love bombing ang tawag. Typical manipulation ang ginagawa ng mga kulto para sumunod sa kanila. One notorious example is the Unification Church of the late Sun Myung Moon.

15

u/Clasher20121 May 22 '23

10 years ako sa INC (tiwalag na now) pero never naman nila ako pinilit mag abuloy. Pag nasamba ako, piso lang or limang piso lang hinuhulog ko. Pero natry ko 4 na beses na magsamba ng walang abuloy. Hindi naman ako hinihintuan o tinititigan nung may hawak ng supot. Pansin ko din wapakels mga katabi ko. Meron silang tinatawag na tanging handugan at paglalagak which I never participated. Dinaman ako sinisingil at dinaman ako kinoconfront to contribute. Malala yang Dating Daan when it comes to money imo. Nakikita ko dati sa YouTube yung pang guguilt trip ni eli soriano dyan Here eto yon eh. Wild haha tig iisang libo 'lang' daw ang partihan haha. Parang inuman lang ang peg

3

u/[deleted] May 21 '23

Agree +1

0

u/[deleted] May 21 '23

[deleted] β€” view deleted comment

2

u/Sudden-Impression787 May 21 '23

Wala ata sa hulog na sila sisihin mo dito. Sinagot na pala pagpapaospital tapos parang pati pagbabantay eh sa kanila mo pa iaasa.

5

u/HiEiH_HiEiH May 22 '23

suportado ka namin.. alam natin na nagsasabi ka ng totoo

2

u/[deleted] May 22 '23

Thank you :)

7

u/vulcanfury12 May 22 '23

Meron ako mga nakita na signs malapit samin tungkols sa "Mass Indoctrination". Napaka OMINOUS.

4

u/IamNotPetrushka May 22 '23

Mass brainwashing yan.

69

u/HiEiH_HiEiH May 21 '23

ang totoong story nyan..

yang mga tickets ay bayad na, ang nagbayad nyan ay mga member ng ANG DATING DAAN

para ipamigay sa mga taga labas ng Iglesia o kaya ay manunuod yung mga kaanib

kaya mapapansin nyo ang daming babae na naka palda sa venue

kami nagbabayad nyan na mga miembro

22

u/Jugorio May 22 '23

Honest question. Bakit nila pinamimigay sa non members?

16

u/Anxious-Maybe6396 May 22 '23

Pang hakot po. Para mapuno ang venue.

9

u/Jugorio May 22 '23

Which does what exactly? All tix were already paid from what I have read. Co scammer yung artist?

17

u/Anxious-Maybe6396 May 22 '23

I don't think co scammer ang artist. Since wala silang alam sa kung ano nangyyari sa loob, magugulat nalang po sila na parang pupunta sa samba majority ng audience nila.

What's the purpose? Ang panget at suspish naman po masyado kung angdaming nabenta na tickets, tapos pag dating sa venue, kakapirangot ang audience.

5

u/Anxious-Maybe6396 May 22 '23

Gets ko na po why you got confused. Minsan po kasi ang isang ticket, hindi isang member lang ang magbabayad. Magiging tulungan siya.

For ex, 10 tickets ang target/quota ng lokal na to. So ang 10 tickets na yun ibbenta muna sa mga may gustong bumili na babayaran nila ng buo per ticket. Kunwari 3 tickets, may bumili talaga baka may kaya yung members na yun or fan talaga sila ng artist.

Kaso pag may natira pa at wala ng gusto bumili, paghahati hatian ito ng mga members sa lokal na yun. Kunwari 7 ang natira, pwedeng may magbibigay lang ng 200 pesos or kung magkano ang mahingi nila hanggang sa mabuo ang presyo ng 7 na tickets.

Bakit maghahakot pa ng audience? Kasi karamihan naman po sa kapatid walang pake sa concert at di naman fan ng artist. Nagbigay lang talaga sila para mabuo yung target/quota na binaba sa lokal nila.

8

u/HiEiH_HiEiH May 22 '23

hindi.. walang idea talaga ang mga artist/performer na engage sa wish 1075.. sa loob kaso ginagawa yung manipulation na kunyari sold out

1

u/Jugorio May 22 '23

Which does what exactly? All tix were already paid from what I have read. Co scammer yung artist?

12

u/Paldubex May 22 '23

Para siguro pang recruit na din sa mga gustong sumali. Baka sinasabi nila na Masaya sumali sa kanila kasi may pa free concert.

7

u/Jugorio May 22 '23

Haha lintik n yan ginawa recruiting hub!

9

u/HiEiH_HiEiH May 22 '23

para makakuha ng maraming project.. na makita ng madla na kapag wish ang hahawak ng kontrata ng isang artist.. sold out kuno

pero ang totoo.. nagiging sold out kasi kinokonsider na ng nasa pamunuan na bayad na lahat ng ticket kasi pag tulung tulungan yan ng members

ok sana kung yung pagtutulungan ay nagbubunga ng maganda kaso yung royal family ni daniel razon ay nagbubuhay masagana habang yung mga miembro nya lugmok sa hirap

strategy yan para kunyari magaling si daniel razon sa paghawak ng talent

8

u/pannacotta24 May 22 '23

Pakitang-gilas lang para makapag-imbita

17

u/Anxious-Maybe6396 May 21 '23

Minsan pa po, bumili ka na nga ng ticket mo pero binigay na po pala sa iba. Haha!

38

u/AmaNaminRemix_69 May 22 '23 edited May 22 '23

Ano trip niyo bat may paganyan kayo? Akala ko ba ayaw niyo sa mga makamundo

247

u/Karenz09 May 21 '23

Should we feel bad for Morisette? Innocent question, she doesn't seem to be aware of things

175

u/Anxious-Maybe6396 May 21 '23 edited May 21 '23

I feel bad for her. I'm a fan of both Mori and Sarah G at sa galing nila pareho, walang hakutan na kelangan.

Though mas sikat naman talaga si Sarah G and for sure mas malaki ang fan base. There's really no need para ipag clash silang dalawa.

19

u/justanotherbizkid May 22 '23

Same thoughts. Sarah G is surely a bigger star pero di ko gets why the Twitterzens and TiKToK commenters put too much hate on Mori. Both Sarah and Mori worked hard on building their respective singing careers (but of course, with the help of the people around them). I think Mori's current management should focus on her being the mala-Disney biritera (listen to "Imagine More" and her version of "Colour Everywhere"), instead of growl-heavy songs.

→ More replies (1)

22

u/Adventurous-Mud1808 May 22 '23

I can attest to this. I was in a relationship with my exBF na ADD for nearly 5 yrs. I broke up with him kasi wala naman siyang plano na pakasalan ako at ayaw niya magconvert din ng religion. Christian ako. Before we broke up, sabi nya sa akin, hinding hindi raw siya lilipat sa religion ko kasi religion lang daw nila ang tama. Anyway, totoong kulto yan. For 5 yrs andaming bawal na di ko na rin matiis:

  1. Bawal kumain ng manok sa Jollibee, Mcdo, Bonchon at kung san san pa. Bakit? Halal daw ung manok. Bawal daw sila kumain ng mga pagkaing dinasalan ng ibang religion.
  2. Bawal manood ng sine. Kasi kung ano ano lang daw ginagawa sa sinehan. Puro raw kalaswaan at kamunduhan. So kapag may lalabas na new film, mga kapatid ko lagi ko inaaya.
  3. Bawal may mamiss sa mga samba nila na minsan umaabot ng 7 hours. 3x a week pa ata to. Hindi rin kami makapag plano ng gala kasi lagi mo iisipin may locale ba doon sa ppuntahan nyo. Tapos sakop na agad isang araw sa vacay.
  4. Totoo yang sa mga concert concert na yan. Naalala ko ung Tatay ng exBF ko bumili ng ticket sa movie na ginawa ni KDR worth 100k ata isang ticket. Eh buong pamilya sila binilhan. Mayaman fam ng ex ko kaya siguro alam na bibili at mauuto sila.
  5. Of course, walang pasko, iba new year nila. Never kami nag celebrate na magkasama. Which is ok lang naman dahil fam ko lagi ang kasama ko.
  6. Bawal sila kumain ng food galing fiesta.
  7. Bawal dumalaw sa patay, kasi patay na raw. I remember my ex inaya ko dumalaw sa parents ko kasi parehas na silang pumanaw, andami na niya agad sermon sa akin. Sabi ko magulang ko mga pinagsasalitaan mo.
  8. At maraming marami pa! Kaya rin nakipag hiwalay na ako sa kanya kasi di ko na maatim. Nakakapagod puro adjust sa kultong yan. Nakaka wala ng gana puro sila lang dapt papakisamahan mo.

5

u/SoKyuTi CHARAUGHT May 23 '23

Can confirm, grandparents are members. Hahaha. Pero pasaway lola ko. Kahit bawal minsan, ginagawa pa rin πŸ˜‚

Ito pa ibang napansin namin na bawal sa kanila.

  1. Pag babae, bawal mag-maong. Usually dapat naka-palda. Bawal din magpaikli ng buhok.
  2. Need umattend ng pasalamatan. Di ko alam ilang bese sila sa isang taon magganyan. Lolo would rather choose to attend that instead of going out with his family na minsan lang makumpleto (nasa abroad 2/3 ng mga anak nila).
  3. Aside sa Jollibee, bawal din daw sa kanila ang corned beef (not sure if all brand, pero Delimondo yung nakita ko before) kasi halal.

1

u/Anxious-Maybe6396 May 23 '23

Hahaha! May mga cute din talaga minsan na church members na avid listener, complete attendance pero may pagka pasaway. Haha!

  1. Opo bawal ang maong pants pag hapit. Dapat as in walang babakat na pwet or hita or kahit anong hugis ng pagka babae. Mahalay daw po πŸ˜… Bawal po bawasan ang buhok ng babae, kahit trim. Bawal po sakanila.
  2. Yung pasalamata po weekly ito once a week, umaabot ng 7hours. πŸ˜… then bukod dito may 2x a week po na Worship Service and Prayer Meeting na umaabot ng 3-4 hours. Aside dito may quarterly Special Thanksgiving sila na 3 consecutive days na umaabot ng 7hours each. Minsan may extra program pa yun after πŸ˜…
  3. Pag halal po bawal, kaya nagtayo sila ng sarili nilang restaurants para dun nalang kakain mga kapatid. Turns out, IDCP announced themselves (late last year) na hindi naman pala Halal certified ang mga restaurants na sinasabi nila (yes, including Jollibee) , pero di nila inaannoune yan sa members

2

u/MaraNovela Jun 10 '23

Interesting. Anong pinagkaiba ng mga weekly gathering nila? Binabasa ko pa lang napapagod na ako para sa members.

1

u/Anxious-Maybe6396 Jun 28 '23

Wala po... Hahaha. Dati malaki ang difference dahil iba ibang topic talaga kada pagkaka tipon.

Ngayon po yung iisang thought ipapa ikot ikot nila ng napaka haba, then madami po mag bbutt in na amazed na amazed sila sa "hiwaga" ng aral na nabuksan daw sakanila. Hehe. Every pagkakatipon ssabihin nila bagong aral daw kahit na yun din yung topic nung mga nakaraan, iniba lang ng delivery πŸ˜…

2

u/Anxious-Maybe6396 May 22 '23

Buti po ay hindi kayo pinilit na sumama sakanya sa mga pagkakatipon πŸ˜…

3

u/badm_35 May 22 '23

sino po si KDR?

2

u/strugglingtosave May 23 '23

5 years of this

23

u/Just_KeepItReal May 21 '23

wait pengeng context kung sino yung nagyabang

24

u/Anxious-Maybe6396 May 21 '23

Sa fans po ata yan ni Mori at Sarah G. Dko po sure... Haha. Sinama lang po sa clip since pati fans ni Sarah G napansin na yung hakot scheme sa concert ni Mori, produced by Wish/BMPI.

Nothing againts kay Mori po. I'm a fan of both artists. I think Mori is a victim din. Kawawa na nahanapan siya ng gantong butas/kahihiyan kung tutuusin hindi naman kelangan dahil magaling naman talaga si Mori.

7

u/davenirline May 21 '23

Need more context. Kailan tong concert na to? Tsaka ano yung sinasabing kamalasan?

15

u/hidden_anomaly09 May 21 '23 edited May 21 '23

year 2018 yan mas mahal pa concert ni mori kaysa kay sarah. ngayon 2023 may recent tour si sarah naglabasan lalo popsters to defend sarah na di kailangan mag hakot ng church members para maka sold out ng show.

yung sinasabi ng fans na kamalasan i think kasi pino point out nila na di na naulit concert ni mori sa araneta kasi minalas. hindi naman talaga totoong sold out. saka hindi tunay na fans ang pumunta kundi member ng ADD kaya napuno ang araneta.

12

u/davenirline May 21 '23

I see. Damn, nabiktima pa yung artist.

11

u/SuaveBigote May 22 '23

Meron din kayong business na Hydrogen Water diba? yung nakapagpapagaling daw ng mga sakit. tingin ko scam din un e

2

u/Anxious-Maybe6396 May 22 '23

Yes po meron, na feeling ko din ay scam. πŸ˜…

Bukod po sa Wish Concert tickets pati yang Hydrogen water at iba pang mga products nila naka quota na po yan kada lokal. πŸ˜…

2

u/tokyopantsuit May 22 '23

50 pesos per bottle πŸ˜†

0

u/[deleted] May 22 '23

[deleted] β€” view deleted comment

2

u/SuaveBigote May 22 '23

oo, sana nga masilip ng BFAD nang matigil na pang sscam nila. napaka mahal pa naman per bottle

1

u/badm_35 May 22 '23

BFAD

FDA u mean?

2

u/SuaveBigote May 22 '23

haha yes FDA pala

8

u/belabase7789 May 21 '23

Is Moira an ADD?

10

u/Anxious-Maybe6396 May 21 '23

Hindi po siya member ng ADD.

Yung succesor po ng ADD ang may ari ng Wish at BMPI na naging producer po ng concert ni Morisette.

4

u/AmaNaminRemix_69 May 22 '23

Pamamgkin ni Bro. Eli? Sa DR ?

7

u/cordilleragod May 22 '23

Wish 107.5 is owned by Ang Dating Daan???

4

u/Anxious-Maybe6396 May 22 '23

Yes. Ang Dating Daan po is a TV program ni Bro. Eli Soriano. Which is the late minister of MCGI. Successor niya po si Daniel Razon na may ari ng Wish 107.5 at BMPI

4

u/cordilleragod May 22 '23

What's the worst that ang Dating Daan has done?

They seem not to be as rabid as the Iglesia ni Manalo or the Kingdom of Quiboloy. I wouldn't have known that Wish is a Dating Daan station because the branding is not in your face.

7

u/realitiesbuster May 22 '23

Just ask the closetexmembers, and take them as a grain of salt. They're many times worse than INCM when it comes to manipulation, and fanatics are 10x rabid asf when certain conditions are met.

1

u/SuaveBigote May 22 '23

Rabid sila, palamura sila parang si Eli Soriano. Si Eli naman may rape case sa lalaki kaya di na bumalik dito sa pinas. namatay na sa ibang bansa.

6

u/Realistic_Bike_4745 May 21 '23

Can someone explain how their succession of leadership works?

5

u/Anxious-Maybe6396 May 22 '23

During the era of Bro. Eli Soriano, nagbotohan ang mga members kung sino ang magging 2nd sakanya, na papalit din pag wala na siya.

Ngayon sa era ni Daniel Razon, hindi pa alam kung papano siste ang ggawin niya. As of now wala pa siyang inaanounce na pangalawa sakanya.

May mga theories na may "hinihinog" ot tntrain pa na kamag anak din niyang ipapapakilala ng onti onti sa members.

3

u/Aetasy May 22 '23

Bagong member ka lang no? Na umalis din agad...hindi pa ko kaanib pero magulang ko member ng ADD hindi nagbotohan kung sino papalit kay bro eli..si bro eli na mismo ang nagsabi na si bri daniel ang papalit

4

u/Anxious-Maybe6396 May 22 '23

Baka kayo po ang bago? Hehe. Since hindi ka pa kaanib, parents mo palang most likely naging dating KNC ka at KKTK na ngayon? Bata ka pa po ata na lumaki sa MCGI.

Around mid 90s may botohan na nangyari si Kuya Daniel tapos iba pang senior ministers. Pero si Bro. Daniel Razon ang nagwagi. Inannounce ito during pasalamatan sa Apalit at nag iiyak pa po siya nun. Hehe πŸ˜…

→ More replies (9)

4

u/nkklk2022 May 21 '23

Ang sad naman. kasi magaling naman si Morisette pero di nga justifiable yung ticket price. But i think this was na issue years ago pa?

5

u/Anxious-Maybe6396 May 22 '23

Yes po, hindi recent etong concert ni Mori. Pero po, just so you know, hindi lang po si Mori and hnandle ng BMPI/Wish sa pag produce ng concert. Iba ibang artists pa.

This is not an isolated case. Sa lahat ng concert nila gantong scheme ang kalakaran ng Wish/BMPI. Lahat ng concert tickets na yan (past concerts at future concerts) considered na agad yan as sold out kahit hindi pa nabbenta. Kasi napa quota na yan sa iba't ibang lokal ng church.

1

u/azzzzorahai May 22 '23

Sino-sino pa yung ibang artists na hinandle ng MCGI in the past?

4

u/saezmoi May 22 '23

they should be exposed

1

u/Anxious-Maybe6396 May 22 '23

Please spread the word πŸ™

16

u/kato_tohanan May 21 '23

Malayong kamag-anak ko yung musical director ng mga nagiging concert ni morisette. I think kaya mahal kasi ini-invite nya kami FOR FREE para masabing madaming sumusuporta at para makabawi sa budget na nagastos nila sa production, event place, etc. Kasi diba sarah and morisette are rivals pagdating sa music industry dito sa pilipinas. [Please walang mag-iscreenshot nitong comment baka makilala ako ng sinasabi kong relative] kaya sa observation ko, ayaw ng mga producers na maka- mori na nalalamangan sila ni sarah g.

41

u/Anxious-Maybe6396 May 21 '23

Namimigay sila ng free tickets kasi bayad na yun ng members ng Ang Dating Daan. πŸ˜” Kaya yung sinasabi ng fans ni Sarah G na hakot daw ang concert ni Mori ay totoo...

Actually sa lahat ng concert na pnroduce ng BMPI and Wish ay ganun hakot. Ibebenta sa members ang tickets at kung sino sino ang hahakutin na umattend para mag mukhang jam-packed ang venue.

If need niyo ng proof, attend kayo minsan. Ma cconfuse kayo if concert ba yung napuntahan niyo or religious meeting, dahil majority ng babae ay naka "damit kristyana" as they say πŸ˜…

5

u/kato_tohanan May 21 '23

Di ako pumunta nung nagconcert sya dati eh so iba pa pala yong ino-offer sa amin ng relatives namin? Tsaka di kasi ako fan ni mori so ayoko sayangin oras ko pumunta sa concert nya. Pero yun yung sabi ng mga pinsan ko na ayaw nila magpa ungos kay sarah g.

12

u/Anxious-Maybe6396 May 21 '23

Hindi po ako sure ha. Pero if BMPI / Wish 107.5 ang nag produce, yun na po yun.

Pero ang siste po niyan mga VIP tickets madalas ipamigay sa taga labas (non church members) at sa mga matataas sa church or kaclose ng mataas sa church. Then mga lower tier na tickets sa mga hakot na regular members usually.

8

u/kato_tohanan May 21 '23

Ayon, siguro tipong gen ad nalang yung binibigay sa amin dati. Basta buong pamilya namin pinapa punta ng relative namin na musical director eh. Grabe naman pala, parang fake achievement tuloy kay mori yan

6

u/Anxious-Maybe6396 May 21 '23

Sadly, oo... pero magaling naman po talaga si Mori. I dont think kelangan humakot para sa concerts niya. Mali lang po ata talaga sila ng napiling producer.

11

u/unbotheredchristian May 21 '23

This is true. Inaatang nila sa mga members ang pagbebenta at pagbili ng tiket. For.example if the tiket cost 15k paghahatian un ng isang lokal ng mcgi. Nakakalungkot dahil sapilitan ang pag aambag dto. Mcgi is a cult.

2

u/[deleted] May 21 '23

Agree +9999999999.9999999

-1

u/HuntMore9217 May 21 '23

sarah and morisette are rivals

Really? When you say rivals dapat equal standing, e now ko nga lang narinig yang si morisette samantalang household name na si sarah

6

u/Logical-Try-6326 May 21 '23

Totoo. Sarah has already earned her superstardom status. She's everywhere mapa commercials, movies, teleseryes, concerts and more. Pilit lang tlaga idinidikit ng fans ni morisette ung idol nila kay Sarah. Pero no doubt, magaling naman tlaga si Morisette but Sarah is on a different level of popularity.

3

u/[deleted] May 22 '23

This is very concerning kasi mapapaisip ang iba tungkol sa nilalaman ng ganung klaseng concert at yung mga involved sa radio station na yun

2

u/Anxious-Maybe6396 May 22 '23

This is very concerning po talaga, kasi eto po talaga ang totoong nangyayari sa loob... πŸ˜₯

3

u/avocado1952 May 23 '23

ADD became the monster they want to fight(INC). Nakakabulag ang pera at kapangyarihan lalo na kung walang sumisita sayo.

1

u/Anxious-Maybe6396 May 23 '23

This is so true. May onting differences lang siguro sa pag interpret ng ibang bible teachings pero anglakas nila maka kulto pareho...

About sa pagsisita sa leader, this is so taboo inside the MCGI. Illabel ka nila na "Iba ang diwa mo." what's funny is it's all black and white for them, it's either sa Dios ka or sa demonyo. Syempre claim nila sa Dios sila so hulaan mo nalang saan ka if iba ka sakanila. πŸ˜…

Sasagutin ka din ng sarcastic na "Mas magaling ka pa sa honor" or nagmamagaling, na baka gusto mo palitan ang leader. Ganun πŸ˜… so nakakatakot sila questionin

364

u/griftertm May 21 '23

I miss NU 107.5

236

u/fr3nzy821 May 21 '23

I can still remember their last few weeks. Wala nang ads. Then bago sila mag sign off, isa isa nagpatugtog lahat ng DJs ng favorite songs nila and last yung president(?) pinatugtog Ang Huling El Bimbo.

47

u/VindiciVindici Gusto Ko Lang Matulog May 21 '23

Huling El Bimbo pala? Bakit ang memory ko "Float On" by Modest Mouse ang last na narinig ko? Lmao.

TIL

38

u/Acethatyou May 22 '23

Part din yun sa last playlist set pero el bimbo nga pinakahuli

4

u/Exciting-Visit-9794 May 23 '23

May YouTube video pa β€˜to! NU, signing off. Sa Ortigas ofc ko for a decade now pero di ko inabot yung Nu (HS or college ata ako nun). Nung napanood ko, men, goosebumps!

3

u/Ayn-buttonmonkey batang alabang May 25 '23

Pucha naalala ko pa nung si ebe na yung kumanta. Umiiyak siya habang tumutugtog ng burnout.

3

u/[deleted] May 22 '23

[removed] β€” view removed comment

7

u/fr3nzy821 May 22 '23

Not sure but around 2009 or 2010 nung namamatay na rock music sa pinas.

4

u/[deleted] May 22 '23

November 2010

47

u/whoooleJar May 21 '23

The superior 107.5

34

u/lapinoire Mindanao May 21 '23

Win and Wish can never replace them. I'm still upset about it.

64

u/[deleted] May 22 '23

The 90s was the peak of local FM radio. And arguably, OPM.

56

u/pototoykomaliit May 21 '23

I watch their last sign off sa Youtube paminsan minsan where everyone outside the station sings to Huling El Bimbo. Naluluha pa rin ako everytime lol.

25

u/FalseNefariousness88 May 22 '23

i was there nung last airing sa ortigas. yung mga sikat na mga banda umiinom ng beer sa sidewalk.

11

u/Acethatyou May 22 '23

Tapos may nakatirik na mga kandila

9

u/goodeye-sniper May 22 '23

Countdown 1-O-7, my favorite year-end countdown.

5

u/L3M0NTEKKK May 22 '23

NU the OG! wishin the good ol’days back dawggg haha

5

u/Cathartic_13 May 22 '23

Ang Bahay ng Bagong Bato..

I.... love...... the weeaather.......

4

u/ExamplePotential5120 May 22 '23

pag nag bukas kmi ni kuya ng radyo NU agad

2

u/thatswhyimapotato May 22 '23

Same, naiyak din talaga ako nung last airing nila.

0

u/[deleted] May 22 '23

[deleted] β€” view deleted comment

41

u/SapphireCub ammacanna accla πŸ’…πŸ½ May 22 '23

Omg, the last song I recorded on cassette from NU was Lunes from Sponge Cola back in 2003, wala pa silang album that time and the track was indie. Iba din talaga NU 107.

Another fave of mine yung WLS.FM na shows ni John Hendrix pati Top 20 at 12 ni Triggerman. I haven’t forgiven Mike Enriquez (VP for Radio ng GMA) for converting WLS into a masa ala Love radio. I can still vividly remember Triggerman sneakily bashing his boss while on air before he finally left.

Easy Rock naman about 5 years ago nagpatugtog ng β€œclassic rock” daw langya Vertical Horizon haha kelan pa naging classic rock yun sabi ko sa sarili ko habang nagpapahid ng Efficascent Oil sa tuhod ko. πŸ₯²

10

u/SidVicious5 May 22 '23

Easy Rock naman about 5 years ago nagpatugtog ng β€œclassic rock” daw langya Vertical Horizon haha kelan pa naging classic rock yun sabi ko sa sarili ko habang nagpapahid ng Efficascent Oil sa tuhod ko. πŸ₯²

Recently narinig ko sa Easy Rock yung Californication saka isang kanta ng Pearl Jam. Biglang nanghina binti ko. Baka sa susunod sa siyete siyete kwatro ko na marinig yung playlist ko πŸ˜‚

2

u/iamdodgepodge May 22 '23

No idea who everyone is, but high ticket prices? Sure why not. Forcing people to watch? Meh.

1

u/Anxious-Maybe6396 May 22 '23

Forcing church members to pay for the high ticket prices is another Mehhh πŸ˜…

2

u/Buraotnatayo May 22 '23

MHilig kasi itong si Razon mag pa unfollow, mag pa blocked, mag pa boycott, pag may kaaway siya, ginagamit mg miembro nauuto naman, ayan tuloy bumabalik sa kaniya kung marami ngayong mag unsubscribe at mag unfollow sa mga connected sa kaniyang apps o page.

2

u/Anxious-Maybe6396 May 23 '23

They don't want members to engage in a discussion kasi mas lalong iingay. And unlike Bro. Eli Soriano, hindi ata kayang patahimikin ni Bro. Daniel pag nagkaron ng ingay...

2

u/Soft_Satisfaction625 May 22 '23

1

u/Anxious-Maybe6396 May 22 '23

Thank you po dito. May nakapag share na din pala neto! Goes to show madami na talaga ang nakakapansin.

2

u/[deleted] May 23 '23

Kaya there shouldn't be a central church e, sa kahit anong denomination, to avoid this kind of abuse

2

u/Anxious-Maybe6396 May 23 '23

Sadly, the members are unaware that they are being abused... For them lahat ng utos or aral from their leader/s ay for their salvation. Kaya masaya pa sila na gawin 'to and of course, galit sila if you say anything questioning their beliefs.

2

u/IntentionPlus15 May 23 '23

Wish fm by Daniel Razon, cult leader of dating Daan now MCGI kult

1

u/Anxious-Maybe6396 May 23 '23

Exactly! Though Ang Dating Daan was a TV program by the late Eli Soriano. Pero yes, madami na po naging changes sa pangalan ang MCGI.

2

u/BhiebyGirl Nov 09 '23

Stupid question.. so pati ang wish bus, under din ng kultong yon? Holy fuck...

2

u/Anxious-Maybe6396 Nov 09 '23

Yes po. Aside from Wish, napaka dami nilang other businesses pa wherein employees are "volunteers" or minsan below minimum ang pasahod. Ang term nila is "tulong sa gawain", pero business naman ng preacher nila. Hehe

199

u/suso_lover The Poorest CoΓ±o to 'Pre May 21 '23

I kinda like Wish 107.5. Pag kailangan ko ng mellow na mga kanta. Kulto pala sila.

84

u/Wooden_Quarter_6009 May 21 '23

Maybe because its so mellow is due to its religious background. The same mechanism that allowed that cult to flourish.

30

u/rman0159 Beware of imposters and Benjos! May 22 '23

IIRC they have a weekly ADD music program dedicated to songs used for their ASOP Music Festival. Kung ganyan, lipat sa Home Radio, Easy Rock, at Mellow 94.7 for softer songs.

29

u/suso_lover The Poorest CoΓ±o to 'Pre May 22 '23

Easy Rock has always been my fave, pero grabe ang dami ng commercials nila kasi.

24

u/rman0159 Beware of imposters and Benjos! May 22 '23

Lalo na kapag :10 at :40 after the hour. Magsisimula pa lang na kanta, biglang commercial break agad with walang kamatayang ACS ads. 😬

4

u/Prashant-Sengupta May 22 '23

Mag-Mellow 94.7 or Home Radio ka na lang

5

u/suso_lover The Poorest CoΓ±o to 'Pre May 22 '23

Spotify din.

65

u/Cuhrayray May 21 '23

Yup. Can confirm β€” all staff sa loob ng wishbus ay volunteers sa church. They were all dressed in a much more conservative fashion, so then napatanong ako , and they confirmed naman that they are members and volunteers. Although libre naman daw food and hotel nila if may travel, pero wala sweldo

45

u/moningcat May 21 '23

free labor grabe laking kita, inuuto mga member. tapos my power viewing pa kapag my mga live. iniinform mga kapatid na manood para dw madaming views(another kita na naman). sasabihin para daw kuno sa gawain. un gawain gapiranggot lang na free groceries at medical mission, ang mga services pa halos free labor din dahil kapatid un mga ng bbigay ng service

7

u/Plus_Part988 May 22 '23

hindi lang dpt isang device ang gagamitin taz imu-mute n lng audio ng f madaming gamit sa power viewing

13

u/paxtecum8 May 22 '23

Grabe talaga mang exploit ang mga religion ngayon. Dinaig pa talaga mga kapitalista.

49

u/davenirline May 21 '23

God damn! Di ko pa tapos yung documentary na In The Name of God sa Netflix. Masakit kasi panoorin. Malamang, parang ganun din galawan ng mga kulto dito. Pera pera lang talaga yan.

24

u/ExESGO May 21 '23

Never knew about Wish 107.5 religious connection. I never listened to radio after NU 107.5 ended.

3

u/[deleted] May 22 '23

Jam 88.3 is still good tho lalo na pag alternative trip and indie trip mo

18

u/BlueMinderz May 21 '23

Makes me wonder what else out there are cult own.

Someone should make a list and make a thread.

2

u/Medical-Tailor-5151 May 24 '23

you can join here po https://www.reddit.com/r/ExAndClosetADD/ may sub po kaming umalis na sa cult at mga closet members. nandyan lahat ng testimony at mga false doctrine na hinahanap mo

17

u/AffectionateAct3977 Abroad May 21 '23

Di niyo mapapabagsak ang Wish FM kasi funded by religious groups. Tuloy pa rin ang operation niyan kahit walang ad placements dahil yan sa donation ng mga kaanib sa pananamapalataya.

Tulad na lang sa free TV. Di magtatagal mga government-owned at religious group-owned TV station na lang ang matitira kasi constant ang mga pondo nila.

Kung balak niyo pabagsakin yang religious group owned assets. Simple lang, yung mga miyembro ng dapat ay tumigil muna sa pagdonate or umalis sa kinaaniban nila.

10

u/TradeOtherwise5363 May 22 '23

i think the point of the post is not to bring down the cult but make awareness na owned by a cult ung wish and they exploited the members using the word of god.

27

u/bluesbenderz May 21 '23 edited May 21 '23

Nakakalungkot na ung mga mahihirap na church members ang napipilitan na icover ang costs ng bawat prod ni nilalabas nila. Imbes na isusubo n lang nila pinambibili pa ng tickets na they dont usually patronize but in the name of religion and salvation they do. There is nothing wrong with concerts but if tickets sales are dodgy like this then dapat malaman din ng mga artists because surely ayaw din nila ng ganyan.

8

u/HiEiH_HiEiH May 22 '23

dapat unsubscribe ang mga accounts ng WISH1075 facebook at youtube para matigil yung patarget nila sa mga mahihirap na miembro

4

u/Ok_Minute_1378 May 22 '23

Kung pwede lang na oopen pa mga acct ko unsubcribe unfollow ko talaga lahat ng masasamang serbisyo ni bondying eh

6

u/moningcat May 22 '23

kawawa nga mga mahihirap jan, alang alang sa pagsunod para makarating sa langit, lahat ng patoka ginagawan nila ng paraan. pati ordinaryong kapatid na my sari sari store babawalan mgtinda ng alak dahil masama daw. tapos sila pla mismo ngtayo sa brazil ng beerhouse at resto n my tindang alak. at yun pamangkin daming panabong hindi nssuspinde pag ordinaryong kapatid suspinde agad, my pgkabias

12

u/Feeling-Escape6322 May 22 '23

Ganyan galawan sa loob ni ADD/MCGI. Tinotokahan per locale ng mga tickets ng wish concert every month. Isang ticket is worth P5K. So depende kung gano kalaki un locale dun magaatang ng mga tickets. Hndi unusual nasa atleast P50K binabang ticket isang locale. At considered as sold na yan kahit walng kumuha. Basta ibinaba na nila. Kikita na si wishFM na pagmamayari ni Daniel Razon na leader ng ADD/MCGI ngyn.

6

u/SeempleDude May 22 '23

GenAd palang yan no? 5K na? Ahhahahahha

7

u/Feeling-Escape6322 May 22 '23

Oo ganyan katakaw si MCGI. Kapag nahit nyo un toka na patarget na P50K for example. Next month itataas nila yan, ssbhn "kaya pa naman". Pero kung hindi na hit yun P50K, ay iccarry over sa next month un balanse, kasi daw "para hindi masanay". Wlang kawala mga miembro sa perahan dyan na walang kapahingahan.

59

u/StubbyB May 21 '23

I’ll say this: organized religion is such a scam and do more harm than good. Every single one of them.

23

u/HiEiH_HiEiH May 21 '23 edited May 22 '23

tulong nyo na sa mga miembro ng ANG DATING DAAN na nabubulagan pa.. na ang pumapasan sa mabigat na pasanin na yan ay mahihirap na miembro habang yung pamilya ng puno ay namumuhay ng masagana..

sa mga artist/performer na nag peperform sa wish at wish concert.. mga mahihirap na miembro ang nagpapasan ng inaakala nyong tulong na nakukuha nyo mula sa wish..

paki UNSUBSCRIBE NYO ANG FACEBOOK AT YOUTUBE ACCOUNT NG WISH 1075 at paki share na din ito sa iba para aware sila sa malaking scam na ito

10

u/moningcat May 21 '23

iglesiang puro negosyo. ginagatasan ang mga kapatid na mahirap

10

u/Federal_Solution_180 Metro Manila May 22 '23

I dont understand this religion. Even to the point na pati sahod mo pinapakeelam nila

8

u/Accomplished_Being14 May 21 '23

The WISH 107.5 Philippines is owned my MCGI Ang Dating Daan and the other WISH Radio stations outside the country is not affiliated to MCGI. Kaya noong nalaman kong MCGI ang may ari ng WISH dito sa Pinas i started to stop patronizing their youtube channel and we call it as cult enticing platform.

21

u/DiskAmbitious7291 May 21 '23

Religion is mind control.

7

u/eloanmask May 22 '23

Lahat ng religion ay isang malaking networking business and their main product is salvation! Pera pera lang lahat talaga yan!

7

u/ryan_ph May 22 '23

This is all on Razon. It seems his primary goal is to earn more money compared to his predecessor's main goal which is to evangelize and preach.

12

u/J0ND0E_297 May 22 '23

I said it once, I’ll say it 600 times more: β€œKung sino pa ang relihiyoso, sila pa yung kupal.”

5

u/Shrilled_Fish May 22 '23

Akshuwally...

Kung sino pa namumuno siya pa kupal. 😞

2

u/Aetasy May 22 '23

Wala kang sinabing lahat pero i just want to remind na hindi hindi lahat ng relihiyoso ay kupal

6

u/J0ND0E_297 May 22 '23

Didn’t say β€œlahat ng relihiyoso ay kupal”.

6

u/master_rome May 22 '23

Ginago rin nila si Dong Abay diba?

2

u/unbotheredchristian May 22 '23

Oo may isyu dn si Dong Abay sa Wish fm dko lng alm buong kwento.

2

u/davenirline May 22 '23

Ui talaga? Anong nangyari? Pucha, pati idol ko.

6

u/stoic-Minded May 22 '23

Wish 107.5, UNTV, UNTV Cup, KDRAC, House of Chicken, ilan lang sa mga negosyo ng leader ng MCGI na si Daniel Razon. Lahat yan may toka per lokal. Imagine being a member of mcgi, na gusto matuto at magaral ng Biblia then uubusin lang pala ang pera mo kakahit ng "patarget" sa mga business na yan.

2

u/E123-Omega May 22 '23

Mas maganda sana kung may mga screenshot ng mga text i messages sa gc.

4

u/Anxious-Maybe6396 May 22 '23

Mukhang wala pong nakapag screenshot for this concert.

Per this is an ongoing scheme po. Hanggang ngayon lahat ng concerts produced by Wish 107.5/BMPI ay hakot. Majority ng tickets pina quota at pinabayaran sa mga church members. Hindi po ito isolated case na kay Mori lang.

Yung can check po sa comments, may comments po ng mga current MCGI members na nattatanggol. You can see na hindi nila dnedeny. They can't deny kasi totoo po talaga. πŸ˜…

18

u/HaikenRD May 22 '23

Hot take. I know I'll get flamed for this but.. All Religion are cults with different doctrines, policies, traditions and visions. Some are more tame than others.

4

u/moningcat May 22 '23

ika nga pag gusto mo daw agad yumaman, nag politiko ka o maging religious leader ka. pera pera lang talaga yan

4

u/terragutti May 22 '23

Philippine religions are cults. Tell me how the eefffff can all these church leaders afford these things when their fam background and jobs dont generate any wealth but they have all these cars houses and buildings. Even CCF is sus

5

u/Buraotnatayo May 22 '23

Intindihin nyo na lang si KDR, kailangan nya magisip ng paglakakitaan, maluho sila

4

u/Responsible_Turn552 May 22 '23

Pag naibagsak na mga tickets sa mga local ng MCGI na pinamumunuan ni Daniel Razon, considered it sold na. Babayaran yan as utang ng mga miembro, kaya pag miembro ka ng MCGI (ADD And Dating Daan), mahirap kana nga lalo ka pang maghihirap dahil sa utang ng local nyo na kelangan bayaran sa pangasiwaan ni Daniel Razon.

4

u/Nicely11 Palamura May 22 '23

Thank you for exposing this OP! Feel bad for Morissette.

2

u/parkrain21 May 22 '23

Typical cult hahahaha

2

u/BackgroundTicket9651 Jun 01 '23

Inang kulto talaga na yan

2

u/AltruisticCycle602 Jun 28 '23 edited Jun 30 '23

Dito sa abroad, may Churches ang MCGI or Ang Dating Daan dito. Naalala ko, pati dito nagbayad pa kami para sa ticket ng concerts ng Wish para ma sold out. Target at goal pa namin yan.

I can attest na exploited ang members sa MCGI sa Wish and its volunteers. I was exploited as well nung nagwork ako dyan dahil indoctrinated ako sa Church MCGI na gawin ko as "duties" ko yan. Walang bayad ni sinko. Laki ako dito MCGI simula nung bata ako. Talagang mapapaniwala ka talaga dahil sa indoctrination nila na maliligtas ka pag gagawin mo yung "tungkulin" mo. Ngayon nagrerebrand na sila sa Church dahil marami nang nakakahalata sa exploitation nila. Pipilitan ka talaga magkaroon ng tungkulin or duties para sa free labor nila. Gagaslight ka pa na hindi ka daw maliligtas pag di mo gawin tungkulin mo.

Pati mga views spam din yan. Mga members ang mga nakatoka dyan sa mga bayarin, manpower, and audience, paea naman makita ng non-members na may mga taong nanonood. Kunwari popular ba. Marketing strategy nadin nila yan.

False popularity ginagawa nila. Pati YouTube videos nila kala mo organic views, pero may bayad yan at mga MCGI parin ang nagviewviews jan.

2

u/Boykape2021 Jul 28 '23

May mga miyembro sila na naghanap ng kabit kasi di maibigay ng asawa yung sexual needs nila. Pareho lang sila ng Iglesia Ni Culapo na kulto. Mga doktrinang malakas makagago. Pag wala kang alam sa Biblia, malilinlang ka ng mga yan. Bawal magpagupit yung babae, bawal kumain sa Jollibee pero pwede mangabit pag nangati? Tapos may NDA pa? Bawal manood ng sine pero pwede sila manood sa concert kasi pinilit? Big joke talaga tong sila Soriano at Razon. Wag kayong makinig sa Wish 1075

3

u/13arricade May 22 '23

modern world, old modus

3

u/Buraotnatayo May 22 '23

Ano ba kayo? Siempre captured market nga ang mga miembro. Yung artists bayad yan. So kumita pa ang pasimuno. Pinagkakitaan pa yan. Sureball.. iglesia ng negosyo ang mcGi.

3

u/Buraotnatayo May 21 '23

I dunno about this coz i dont buy any ticket, di nila ko mapipilit kasi hindi ako tanga

2

u/jchrist98 May 21 '23

Dis gonna kill her career

2

u/Paldubex May 22 '23

Mga walang sariling desisyon.

2

u/color_stupid Metro Manila May 22 '23

Church was founded by a known land-grabber

-7

u/crismack58 May 21 '23

Sarah is probably much more exciting between the two. Morisette is boring, I’ve listened to her song and she’s ok.

6

u/Anxious-Maybe6396 May 21 '23

We can't deny that. Iba talaga ang entertainment level pag sinabing Sarah G πŸ’―

Pero magaling din na artist si Mori. More on birit birit siya to the highest level. πŸ˜…

I enjoy watching them both 😊

-4

u/crismack58 May 21 '23

She obviously has talent, just not a fan of the power ballad. Sarah G does perform her ass off.

10

u/nikewalks May 21 '23

Man why do you have to hate the artist? Di naman siya nagsetup jan sa concert.

-9

u/crismack58 May 21 '23

Hate the artist? Lol. You’re into your feelings too much. Relax.

I find her boring, obviously she has fans… including you.

It’s MY OPINION. Artist appreciation is subjective. It’s not that serious.

-9

u/mamimikon24 nang-aasar lang May 21 '23

Pabebe pala tong magsalita. Hahaha. Di na ko fan.

-20

u/Forsvare May 22 '23

The people who are saying na scam ang Wish 107.5 anong proof nyo? Tickets? Sana nagtanong kayo bakit ganun ang prices. Hindi nyo ba napapanood sa mga announcements yung mga natutulungan ng Wish at ng MCGI?

Volunteers para sa pagpapatayo ng businesses? yun bang FREE HOSPITAL na pinapatayo ni Bro Daniel business ba yun? Hindi nyo rin ba pinapansin yung MOBILE DENTAL CLINIC, FREE COLLEGE EDUCATION, LIBRENG SAKAY SA BUS, etc?

The reason lang naman na may mga ganyan na kayong pinapakalat sa social media is meron kasi kayong ginagawang masama nung nasa MCGI pa kayo. Actually nakikinig pa din kayo in secret pero ayaw nyo sa MCGI.

Even before when Bro. Eli is still with us madami nang gumawa ng paninira sa MCGI even on TV. Pero mas madaming tao ang nakakaalam na yung binibintang nyo ay mali.

Regarding finances, of course members ang dapat magtulong-tulong. Bakit? Kasi HINDI HUMIHINGI NG TULONG ANG MCGI SA HINDI PA MEMBERS. Kinukwenta nyo lang ung narinig nyong mga tulungan pero bakit hindi nyo sabihin yung mga nautang nila Bro. Eli at Bro. Daniel para lang maituloy ang mga projects. Alam nyo ba yun?

Lastly, mali pala ang MCGI. Kulto pala. Eh bakit nung umalis kayo lahat ng bawal ng Dios ginawa ninyo? Lumakas loob nyo gumawa ng masama. KAYO BA NGAYON ANG NASA TAMA? Matagal na kasing sinabi ni Bro. Eli yan na kapag namatay siya lilitaw ang mga may laban at ayaw kay Bro. Daniel. And all of you na nagpapakalat ng ganito sa Reddit are the living proof nung sinabi nya.

Bahala na ang Dios sa inyo. At ang mga tao kahit ano sabihin nyo hindi nyo makakayang lokohin.

5

u/Anxious-Maybe6396 May 22 '23

Scam kasi ang concert sold out na agad kasi pina target or pina kota na sa mga lokal. Diba?

"Pagtulong-tulungan po natin mga kapatid, para sa gawain. Kahit maliit na halaga, malaki na maitutulong pag pinagsama-sama."

Member ka, I doubt idedeny mo yan. Diba masama ang magsinungaling πŸ˜…

2

u/Ok_Minute_1378 May 22 '23

Isa sa yan sa na scam ng potang enang dragzon ano forsvare? Kamusta ang perang dapat sana sa sapat ipapakain mo sa pamilya mo? Pinalamon mo na sa amo mong si bondying dragzon noh? Ganon rin ba ang maganda sa paningin mo? Ang makita ng mahihirap mong ditapak? Na ibigay lahat ng pera nila sa pagpapayaman kay bondying? Buti pa yung sa kmjs ingat na ingat sila na huwag manakawan

→ More replies (13)

6

u/moningcat May 22 '23

patuloy nyo lang payamanin ang bagong sugo. sige bigay nyo lahat pera nyo sa patarget sa bawat lokal, sapilitang pgbebenta ng ticket. habang mga kapatid hirap n hirap ng mabuno un target habang ang sugo pamotor motor na lang at un asawa pa yate yate na lang

4

u/unbotheredchristian May 22 '23

Scam yang Study now pay never ng mcgi🀣🀣 Tanong nyo sa mga eatudyante ng la verdad.

4

u/tokyopantsuit May 22 '23

Buti hindi ako tumuloy mag-aral dun dati πŸ˜†

1

u/Ok_Minute_1378 May 22 '23

Wag na wag mga demonyo yang mga yan mahabang kwento kaya wag na wag kang aanib

2

u/tokyopantsuit May 22 '23

Kaanib din ako dati binalak ko mag-aral sa La Verdad.

3

u/Ok_Minute_1378 May 22 '23

Isa pa tong nagtatanggol sa pabagsak na mcgi kailangan ka pa bang pakitaan na maraming panloloko si bondying dragzon? Dumaan ka sa sub namin sa exclosetaddmcgi ng malaman mo na maraming tinatagong lihim na kasamaan ang amo mong dragzon

→ More replies (9)

2

u/ace_w_ASD May 22 '23

KULTO KULTO KULTO KULTO (2)

1

u/GongDi1989 May 25 '23

Lol utak alipin