r/anytimefitness • u/ResolutionClear1641 • 4h ago
ANYTIME FITNESS
Para sa awareness to sa lahat, at tanong na din, ganito ba talaga lahat ng Anytime Fitness na company, yung isa kong relative more or less 6 months nagtrabaho, araw-araw pumasok, nagpagod, nagtiis, tapos isang normal na araw lang bigla siyang pinatawag sa office, pinapirma, at sinabihan na last day niya na ngayon, walang prior notice, walang explanation, walang chance mag-explain, at habang nagtatrabaho pa siya kinakaltasan na siya ng training bond na hinahati-hati hanggang mabuo yung exact amount, tapos nung natanggal siya kinaltasan pa ulit yung last pay niya para sa kulang daw niya sa bond, kaya parang siya pa yung nagbayad sa company para lang magtrabaho, siya pa yung nawalan, at ngayon sobrang stressed siya at takot lumapit sa DOLE kasi baka may kakilala yung mga owner niya na mataas din, pero tanggap naman niya na natanggal siya, hindi na niya hinihingi na ibalik siya, ang gusto lang niya mabalik yung binawas sa sahod niya kasi sa hirap ng panahon ngayon yung pera na yun pinaghirapan niya, pinagpawisan niya, kaya sa mga nagbabalak mag-apply, mag-isip muna kayo ng mabuti at alamin niyo muna yung kontrata niyo, kasi hindi dapat na yung taong nagtrabaho pa yung matakot magreklamo sa sarili niyang pinaghirapan.