r/Pampanga • u/Ashamed-Quarter-113 • 5h ago
Looking for reco/suggestion | Note: This flair is editable Pampanga to Tagaytay road trip, first time driving south. Any tips?
Hello! Me and my friends are planning to go to Tagaytay, balikan lang sana para magkape hahaha. First out of town namin magkakaibigan and 7 kami including me as the driver. Using Toyota Veloz pala.
From San Fernando, Pampanga kami and first time namin mag-drive pa south. Sa mga laging nagbibiyahe from Pampanga to Tagaytay, mas okay ba Google Maps or Waze? And ano yung best route na usually dinadaanan ninyo? May mga roads or areas ba na dapat pag-ingatan or iwasan?
Also, anong oras kaya magandang bumiyahe from Angeles papuntang Tagaytay para iwas traffic? Mas okay ba umalis nang madaling araw or around morning? Roughly magkano rin kaya aabutin sa gas and toll balikan?
Planning to get coffee sa Starbucks na may view ng Taal hahaha. Sa mga taga-Tagaytay, may marerecommend ba kayong mga spots or tourist destinations na hindi masyadong mahal and malapit lang sa area? Kahit mga magandang tambayan or magandang view lang din.
Balikan lang talaga plano namin pero we're also considering mag-overnight if mas sulit and hindi masyadong mahal. If ever, may marerecommend ba kayong murang place to stay for 5-8 people?
Any tips or suggestions na rin para mas ma-enjoy namin yung biyahe and Tagaytay itself. First time namin mag-road trip together kaya gusto lang namin chill and sulit yung trip hahaha.
Advanced thank you po sa lahat ng magcocomment! 🙏
