More than 1 yr na nung nag-post ako dito tungkol sa pxlbooks.com, yung libreng accounting software na ginawa ko para sa maliliit na business at freelancers dito sa Pilipinas.
Di ko akalain na madami palang gagamit. Binasa ko ulit lahat ng comments, at dalawa ang paulit-ulit na hiling:
- Gawing cloud para magamit kahit saang computer
- Gawing madali at affordable para sa small business
Yan ang inuna ko ngayong taon. Nasa pictures yung mga comment nyo noon at kung ano na ngayon.
Ano ang bago
- Cloud na - Mag-sign in ka lang sa pxlbooks.com kahit saang computer. Pwede mo ring isama ang bookkeeper o accountant mo. Kung gusto mo ng kopya, may Excel ang bawat report at may "Download all books".
- Books of accounts - I-record mo lang ang transactions tapos automatic na ang books of accounts (CRJ, CDJ, GJ, GL, SJ, PJ, at SSJ at SPJ para sa VAT). Kung manual o loose-leaf ang books nyo, may Excel copy na pwede mong sundan sa pagsulat at may PDF para sa loose-leaf.
- Tax forms at attachments - 2550Q, 2551Q, 1701Q, 1702Q, 0619-E, 1601-EQ, 1601-C, at 2307 para sa suppliers. May DAT files din para sa SLSP, QAP, SAWT, MAP at alphalist. May Excel working papers para makita mo kung saan galing ang bawat numero.
- Financial Statement - Automatic ang BS, IS, CF, Changes in Equity, pati ang notes. Pwede i-download sa Word o Excel.
Iba pang features
- Sales invoice , collections, supplier bills, payments, A/R at A/P aging
- Bank reconciliation, pwede i-import ang bank statement (CSV o Excel)
- Inventory (FIFO o moving average), stock cards, fixed assets at depreciation
- Payroll - payslip, SSS, PhilHealth, Pag-IBIG
- Multi-branch na may consolidated reports
- Roles para sa owner, accountant at staff, may approval bago ma-post
- Audit trail ng bawat binago
- BIR deadlines sa dashboard
- Live demo sa pxlbooks.com.
Kung sanay ka na sa NetSuite, QuickBooks o Xero, madali mo itong magagamit. Pareho ang flow: invoice, bill, payment, journal entry, bank rec. Ang dagdag lang, may books of accounts at BIR forms na pang-Pilipinas.
Tungkol sa presyo
Dati libre. Ngayong cloud na, may gastos na sa servers, storage at backup, kaya naglagay ako ng bayad na sa tingin ko fair para sa maliit na business: ₱199/month sa Non-VAT, ₱299 sa VAT. Libre ang unang 3 months para sa susunod na 100 sign-ups, walang card.
Kung kailangan nyo ng tulong sa data migration, email lang sa support@pxlbooks.com, libre ang migration.
Salamat ulit sa mga nag-comment at gumamit kahit noon pa.
For full features at guides, basahin lang ang https://pxlbooks.com/docs