r/AntiworkPH • • 1d ago

Rant 😡 I finally resigned

Hello antiwork PH, gusto ko lang manghingi ng insights about sa situation ko. Im a site engineer for 2 years sa isang fit out construction company. Onteng background lang. 5 years pa lang ang company, 2 lang ang office engineer, isang OM and dalawa kaming SE (nag resign na yung isa). Antaas din ng turn over rate nila, before ako ma hire 4 SE ang nag resign within that year and sa 2 years ko, 3 SE ang nag resign dahil sa toxic boss and management. Ngayon expected na ang sigaw at mura sa site sa mga nakakaalam. Sanay na rin ako kasi 6 years na ako sa pagiging site engr. Pero kahapon biglang bumisita yung toxic na boss namin, siya head ng engineering dept. and meron talaga itong anger issues, marami nang nakaway na subcon, employees and even clients. Tapos pinareport ako ng updates, may iilang delays, pero may progress sa site. And then may isang scope siyang pinoint out na pinaliwanag ko professionally bakit delayed, kulang sa equipment and materials ang reason. Tapos bigla siyang sumigaw at nakita and narinig ng workers ko sa site, tapos nung nagpapaliwanag ako, calmly, biglaan niya akong sinabihang, gusto mo sampalin kita ngayon? Pumintig tenga ko pero diko pinatulan, I nodded and sinabi kong pafast track ko ang deliverables. Later that night pag uwi, first time ko sa 6 years makaranas ng physical threat on site. Nagpasa agad ako immediate resignation.

Under labor code ba ang reason ng immediate resignation ko? Baka kasi di ibigay sahod at 13th month pay ko kung magkataon. Give me your opinions about this guys, thanks.

5 Upvotes

4 comments sorted by

•

u/AutoModerator 1d ago

Reminder: Posts with the "Rants" flair should focus on company-related grievances, especially when seeking advice on resolving issues.

If you're simply venting without seeking advice, consider posting on r/OffMyChestPH instead.

Thank you for understanding!

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

2

u/mdml21 1d ago

Pwede sana constructive dismissal pero ideally na document mo yung nangyari para di nila ma-deny or sabihin na gawa gawa mo lang. Pinaalam mo ba sa HR yung nangyari?

2

u/Stoatly27 1d ago

yes nakafile na rin ako sa HR ng previous incidents ng profanity atsaka hostile working environment, doon ako lalong napower trip, so last straw ko yung may physical threat.

2

u/mdml21 1d ago

Basta may copy ka lahat ng finile mo at may witnesses ka may chance yung case mo. Check mo kung nasunod yung handbook nyo. Gagamitin kasi ng HR laban sa yo yung company policies nila. Mag request for assistance ka na online.