Guys, nakaisip na 'ko ng pinakamalupit na love bombing technique of all time.
Simulan mo yung relationship, bigyan mo siya ng gifts, bigyan mo ng attention, ibigay mo lahat ng lambing at pagmamahal na hinahanap niya, 'di ba? Kahit busy ka, tapos make her life easy.
Panoorin mo kung paano siya mag transform , from strong independent woman na nanununtok and laging strong kasi breadwinner, magiging babygirl na sleepyhead na lang at laging happy na parang bata, right?
Kahit gaano ka kapagod kasi promise mo kaw lang magprovide and rest lang sya, pag nakita mo sya pag uwi nawawala lahat pagod mo
Tapos gawin mo 'to for months and months and propose kana agad since sabihan mo sya date to marry guy ka bago palang kayo. Tapos, years and years, mamahalin mo lang siya nang mamahalin at ibibigay mo lahat ng gusto niya sa mundo, right?
At ito na basahin nyo, dito na nagiging crazy 'to. Magpapakasal kayo. At pagkatapos niyong ikasal, itutuloy mo pa rin yung ginagawa mo. Tuloy-tuloy mo lang siyang i-love bomb, right?
Alam mo yun, bubuo kayo ng pamilya, magkakaanak kayo, tapos ipaparamdam mo sa kanya na siya yung pinaka-importanteng tao sa buong buhay mo, 'di ba? Tapos itutuloy mo lang 'yan for years and years and decades. Hanggang sa pareho na kayong tumanda, 'di ba?
Tapos mamamatay kayong magkatabi sa deathbed niyo, 'di ba? At doon, na love bomb mo na siya to death. Don't hate the player, hate the game.