r/DentistPh • u/RPm_851257890 • 16h ago
My daily flossing habit has finally paid off ✨
Share ko lang ang small win ko para sa oral health ko. Kanina nagpa-dental cleaning ako as part of my routine at para masulit ang HMO ko bago magrenew ulit. So last May 2026, nagpa-cleaning ako at inadvise na need ko daw ng deep cleaning kasi may mga tartar daw. Aminado naman ako na di talaga ako noon consistent sa pagffloss. Tska palagi nagbbleed ako gums ko noon. So binago ko ang habit ko, gabi gabi na ako nagffloss. Nung una masakit talaga at nagdudugo pero nawala din nung palagi ko na ginagawa. Fast forward kanina, kinikilig ako nung chineck ng dentist na malinis pa daw ang mga ngipin ko kaya simple cleaning lang daw at natuwa sya na di nagdugo ang gums ko. Napansin ko din na nag-lessen ang pangingilo ng ngipin ko. Ayan kasi takot ko dati palagi sa pagpapalinis ng ngipin. So ayun, nakakatuwa na small act lang ang daily flossing pero it can make huge impact 🦷🤍