Hi po! Public school teacher ako. Halos gabi-gabi akong nag-e-encode ng grades, attendance at lesson plans, kaya after class, unti-unti akong gumawa ng sarili kong app. Classroom Made Simple (CMS) ang tawag ko dito.
Ako ang gumawa nito, kaya siyempre biased ako π
Hindi ito gawa o approved ng DepEd, personal project ko lang.
Sa ngayon, kaya na nitong:
- mag-attendance in a few taps, kasama ang seat plan
- mag-compute ng grades, at gumawa ng E-Class Record na sumusunod sa format ng DepEd file
- gumawa ng lesson plan sa official format, pati weekly ILAW plan. May first draft galing sa AI, pero ikaw pa rin ang mag-e-edit. Puwede ring i-import ang plan mo galing Word o PDF.
- mag-check ng quiz gamit ang CMS Tsek: i-print ang answer sheet, i-scan sa camera ng phone, tapos may item analysis na
- slides at class games, learner records, tasks at deadlines
Kakalabas lang din ng update ngayong araw (4.5.0). May 30 looks na para sa slides sa CMS Interactive, gaya ng Chalkboard, Jeepney Fiesta, Komiks at Banig Weave. May 18 bagong klase din ng slide, gaya ng map ng mga probinsya, scoreboard ng teams, KWL chart at fill in the blanks. Puwede na ring i-download ang slides bilang PowerPoint.
Libre ito para sa 2 classes. Wala pa ako sa Google Play at wala pang certificate ang installer, kaya mas okay kung sa browser nβyo na lang buksan, sa phone man o laptop. Walang download: classroommadesimple.com/app
Ito yung mga gusto kong itanong:
- Anong paperwork ang pinakamatagal o pinakanakakainis sa inyo ngayon?
- Kung susubukan nβyo, saan kayo na-confuse o na-stuck?
- Anong feature ang kulang para gamitin nβyo ito araw-araw?
- Anong grade level at subject kayo? Para alam ko kung saan pa ako kulang.
Okay lang ang harsh na feedback, mas gusto ko nga βyon. Babasahin ko lahat ng comments. Salamat po! π