r/ExAndClosetADD • • Feb 02 '26

Takeaways Five Years of Choosing for Ourselves

Post image
64 Upvotes

Today marks the fifth anniversary of the founding of r/ExAndClosetADD. While five years is a meaningful milestone, it pales in comparison to what truly matters: the posts, comments, advice, rants, questions, and deeply personal stories you have shared—and continue to share—every single day. This community exists because of you. We would not be here without you.

Although this subreddit has served as a hub for anti-cult dialogue longer than many ex-MCGI influencers or content creators, neither I nor the other moderators claim credit for the departure of members from MCGI. We never have. From the beginning, we believed in your autonomy—your right and ability to think, choose, and decide for yourself. Leaving a destructive cult is a victory you achieved on your own. If we played a role at all, it was only a small part. The courage and agency were always yours.

We also recognize that this subreddit may feel less significant today. That may be because there are now more accessible platforms for discussion and expression—and that’s not a bad thing. We are not fighting insignificance. We have never aimed for permanence. In fact, we have always encouraged people to move forward and build their lives beyond the shadow of the cult. Communities like this are meant to be bridges, not destinations.

In our early years, we leaned toward secularism and favored skepticism. This was intentional. We did not want people to leave one belief system only to be rushed into another. Many ex-MCGI groups before us eventually became spaces where new doctrines, interpretations, and personal agendas were pushed. We wanted to avoid repeating that cycle. So we prioritized skepticism over proselytizing and remained vigilant against preachers who were quick to recruit confused and vulnerable exiters.

Because of this stance, we were accused of “deconversion.” Time has shown otherwise. At least three of our moderators eventually returned to Christianity after periods of skepticism—clear proof that our goal was never to strip anyone of faith, but to protect their freedom to choose it without coercion.

Now, with the rise of Christian exiter factions and the conflicts emerging among them, I want to emphasize something important: the protection and guidance of new exiters must remain a priority. We do not intend for them to become skeptics. But we do want them to develop skeptical values—to question authority, analyze systems, and see beyond the theatrics of preachers and would-be leaders. Without these tools, many risk falling into yet another cycle of manipulation and exploitation.

If this community has stood for anything over the past five years, it is this: your life, your mind, and your future belong to you. And that will always matter more than any subreddit ever could.

This post is partially enhanced by AI.


r/ExAndClosetADD • • Jan 11 '26

Takeaways Lumaki sa Iglesia: First and Last Post

87 Upvotes

Hello guys, matagal na akong lurker. Natatakot lang talaga ako mag-interact sa sub na ’to baka kasi matrace ako. Also baka may makakilala sa akin sa story ko so I will omit a lot of details. After a day, I will be deleting this account. Long post ahead.

Early Childhood:

Laking Iglesia ako. Parehas naanib parents ko, pero bata pa lang ako naghiwalay na sila. Kinuha ako ng tatay ko (siya ang unang nag-exit). Hanggang sa isang araw, pinapili ako kung kanino ko gusto. Ako bilang bata, naisip ko sa nanay ako lumipat kasi nandoon ang Iglesia at akala ko mapapabuti ako. Hindi ko narealize kung gaano kasakit sa tatay ko ang naging desisyon ko na humiwalay ang anak niya.

Nasaksihan ng mata ko kung paano natayo ang Wish, UNTV, Bread, concerts, at iba pa during its early years nung hindi pa ganoon kalaki. Talagang pinagtulungan ’yan ng mga kapatid na madalas allowance lang ang hawak, dahil nandoon ang aral na ang ganti ay sa Langit. Yung hydrogen water, juicing, Daniel’s coffee, tapsilugan.

Madalas kami sa Apalit dati—nakakamiss. Lalo na kapag nagsasalita si Bro. Eli during consultation, kaabang-abang talaga. Nakakaproud isipin na sa tamang Iglesia ako lumaki, kung saan may mangangaral talaga na nagpapatanong at kayang sumagot anuman ang itanong sa kanya.

Around HS ako naanib kasi na-heartbroken ako at naisip ko na oras na magpadoktrina at magpabautismo dahil may tamang edad na ako. Nakapagreconcile naman kami ng tatay ko rito at tinanggap niya ang naging desisyon ko. Pero hindi ako masyadong naging active dahil busy palagi sa school. Ang nanay ko rin hindi masyado dahil night-shift sa trabaho at alanganin palagi ang oras.

Pandemic:

Noong nagka-pandemic, nagkaroon kami ng chance ulit na maging active dahil sa mga binigay na Zoom link. Kahit papaano, tuloy-tuloy ang pagdalo namin. Hanggang sa pinagpahinga na siya. Sobrang lalim ng hinagpis ang naramdaman namin noon. Pero may pag-asa—pag-asa na lilipat ang espiritu ni Bro. Eli kay Kuya Daniel.

Kaso wala eh. Noong si Kuya na ang nagkakapsa, unang nakapansin ang nanay ko talaga: “Bakit walang topic? Anong paksa?” Tila raw tuloy-tuloy lang at walang Part 1, 2, 3 gaya kay Ingkong. “Bakit may recap pa na mahabang intro? Bakit hindi na lang 1–2 hours ang PM at WS? Bakit ang haba bago magpaksa?” etc.

Bagong style daw na debate na walang kibuan. Walang Bible Expo, walang live indoctrination, walang live Bible study—kung gaano kasipag magturo ng aral si Bro. Eli noon, hinahanap iyon ng nanay ko. Ako naman, okay lang sa akin kasi sabi ko, nariyan naman ang mga recorded ni Bro. Eli—puwede namang i-play na lang.

Hanggang sa naghigpit sila sa Zoom sa mga panahong iyon, tapos tinanggal din noong nag-F2F na. Dahil alanganin ulit sa oras ng trabaho niya, hindi na ulit nakadalo ang nanay ko dahil sa higpit ng ayaw mag-Zoom ng mga kapatid. Maraming beses kaming kinick sa Zoom dahil hindi raw naka-open cam. Galing trabaho ang nanay ko—pagod—hindi maiiwasan iyon.

Tungkulin:

Ako naman, during this time, nagmasipag talaga sa tungkulin (hindi ko na sasabihin kung anong committee baka makilala ako). Volunteer sa pakain ng The Legacy Continues, naging MCGI Cares, medical missions, etc. Masaya—lalo na kasama ang mga kapwa kabataan. Ang problema, hindi maiiwasan magkaroon ng crush. Mas malaking problema pa, ka-committee ko siya. Pero ang aral nga, tungkulin muna sa Dios bago ang lahat.

Hopeless romantic ako. Lalo akong nagsipag kasi gusto ko siyang makita. Never akong nagkasintahan dahil sa aral—ayokong sa labas. Kaso malupit ang panahon. Pag umamin ka, iiwasan ka. Pag may nakaalam, papagalitan ka na bawal ’yan—unahin mo ang tungkulin. At may risk ka pang alisin kapag tinuloy mo.

Masakit. Putangina, masakit. Yung simpleng pag-ibig na laging itinuturo—pag inapply mo na, biglang mali na, parang mortal na kasalanan. Bawal. Naiintindihan ko naman, pero yung dating close kayo tapos biglang parang hindi ka na kilala—dahil kailangan sumunod sa aral—sino bang hindi masasaktan?

Dito talaga humina ang loob ko. Gusto ko lang naman magmahal. Bakit pinagkakait sa loob? Pero kapit pa rin sa aral na ang mabuting asawa ay Dios ang nagbibigay. Kaya kahit walang pansinan, basta makita ko lang siyang tuloy sa tungkulin niya, okay na. Pero nanlamig na ako rito.

Sabi nila walang Kristiyanong nade-depress. Pero nade-depress ako. Mahina talaga ang loob ko pagdating sa pakikipag-kasintahan dahil galing ako sa broken family. Bata pa lang may trauma na ako. Nadepress ako dahil sa heartbreak—mababaw sa tingin ng iba, pero sa akin malalim.

Reddit discovery:

Nung time na nanlamig ako bigla ako may nakita fb post na kilala ko na nagtrabaho sa UNTV na sobrang sipag at kakilala ko. Nagpost sya about sa yung abuloy nya daw oo hihigit ng isang poste ng ospital. Nung nagpaksa si kuya about sa poste ng ospital (absent ata ako nun) nawindang ako kasi bakit bigla nalang nya na sasabihin kulto ang mcgi? Bakit bigla nalang sya magiging palaban kay kuya? Nacurious nako eh gang sa nahanap koto kasi hindi naman basta mangyayaring unalis yun kasi matalino yun

At nakita kona nga at kaya pala pinapablock lahat ng ganitong socmed etc. kasi pag nasimulan mona basahin hindi kana titigl.

Una sa area 52, hindi pako naniniwala kasi AI nga lang daw yang mga yan. Pero nandyan yung ebidensya. Dun sa isang video isang bread member din ang nakilala ko siyang sya nga. Yung pagkanta nila boses na boses ni kuya. Yung pagserve ng beer at nightclub totoo naman kitang kita. Marami ebidensya

Yung Cid capulong sa taylor swift concert. Yung mamahaling mga motor. Gitara. Eroplano. At iba iba pang kamahl mahal na meron sila .Grabe. Just grabe naiiyak ako kasi saksi ako sa mga kapwa ko kbataan. Nangungutang. Nagiipon ng baon sa school. Pumupunta ng apalot kahit walang pera sabay sabay lang kung kanino para lang talaga makadalo at makagawa ng tungkulin.

TAPOS POTANGGINA NO REGRETS SA PAGPUNTA SA TAYLOR SWIFT CONCERT

Hay nako po. Tapos balik tayo sa pakikipagkasintahan. Pwede pala basta malapit sa puno. Pag normal kalang na myembro bawal. Hahahaha ang unfair

Si Sis Bedel. Nakapa walanghiya ng ginawa nila. Napakalupit. Potanggina ultimo si sis Luz pa ang nag announcr na kapwa babae. Isa kasi sa family members ko din ay victim ng pagkalat ng private video nila. Nasaksihan ko gaano kahirap at kasakit sa mental toll ng isang babae ang ganoon pangyayari halos magpakamatay na sa hiya. Tapos gagawin nila kay SIS BEDEL. HINDI MAN LANG PRIVATE na inannounce. CHARACTER ASSASINATION ang ginawa nila. Nakakahiya at nakakaiyak. PARANG LAHAT NG GINAWA NIYANG MABUTI PARA SA IGLESIA BINALEWALA NALANG. Napaka lupit. Walang Awa. Ang Dios malawak ang unawa at awa nya bakit sa MCGI wala??????

Targets:

Yung mga patarget. KNC palang ako. Andyan na yan. Pero bakit hangang ngayon hirap na hirap parin daw ang Iglesia at si Kuya!? Noong panahon ni Bro Eli maintindihan kopa kasi nga nangangaral sya sa ibat ibang lugar sa Brazil. Yung mga broadcast nya sa radio at television. Madami bayarin. Pero ngayon? (Nasabi nadin ng iba concert kdrac etc) yung mga projects dati ano nangyari?

Yung UNTV Big Ten na Tower. Hindi parin tapos lagpas 10 taon na. Nauna pa yung KDRAC.

Yung Apalit Renovation na convetion center. Andami nang workforce na naganap dyan. Free labor dahil sa mabuting kaloob ng mga kapatid na magawa na. Hindi parin tapos.

Yung hospital. Meron pa health center sa bulacan ata gumagana paba. Pano pa yung sa apalit?

Yung mga lupa na binili ni bro eli na natatandaan kopang mga paksa nya para sa malaking kapighatian na PARA SA IGLESIA. Ano na nangyari Bakit pang entertainment na.

Pero yung wish concerts palaging sold out na. Mas mahal pa sa tickets ng ibang sikat naman talaga.

Yung pagkain na kamahal mahal ibenta palagi sa mga kapatid. Wala manlang discount kasi nga kapatid eh parang baliktad.

Aral:

Wala na yung dating paksa na may topic talaga at nahahalukau. Puro nalang rant walang kasawaang rant at patama. Bago ko madiscover tong subreddit na to hindi ko nga alam sino kaaway palagi eh.

Fiesta ng Dios. Nung una ok ba kahit papaano nakakapagpakain ng mga kapatid kahit di kapatid naiinvitr. Pero yung may float bigla na statue na kasama si KDR at PNP. Nangilabot ako. Laging puntos panaman natin yan sa katoliko na huwag sumamba sa anyo ng dios diosan na bato o kahoy man tapos biglang may float na ganun!? Nawala narin yung sense ng pag aayuno bago mag SPBB. Kain nalang ng kain.

Yung walang sawang recap. Wala naman nakikinig talaga nagkwekwentuhan nalang mga kapatid tapos tulog oa sa locale. Pano paulit ulit tapos yun at yun lang rin. Mas mahaba pa recap sa mismong paksa eh.

Tsaka bakit hangang hating gabi parin? Naintidhan kopa kay Bro Eli nag adjust tayo para sa mga Brazilians pero hangnanf ngayon ganun parin? Kawawa naman mga kapatid na palaging pagod at puyat at delikado umuwi sa dilim ng hating gabi.

Ihuhuli konalsng yung hula ni Bro Eli na malilipat talaga espiritu ng Dios sakanya kay kapatid na Daniel. Mag 5 years na since pinagpahinga sya ng Dios and I can say na. Wala talaga. Naiiyak ako yung isang post dito na si Bro Rolan super excited na “ANTAYIN MO” tapos bigla syang pinahiya ni Kuya na naoffend pa sya sa sinabi nya na yun. “DIBA YAN ANG TINGIN MO MANGYAYARI SAKIN?” hindi lang po sya Kuya. Ako din po….

Nauwi sa pa games. Kantahan. AVPs. Etc…..

Takeaways:

But you know whats the sickest part about me posting this for you to read? Wala akong ibang pagsasabihan nito ng personal sa mga kapatid. O kahit sa hindi pa. Need kolang talaga maglabas ng saloobin ko. Dadalhin ko sa hukay lahat ng nalaman ko dito at malalaman kopa. Bakit?

Dahil sa Pag-Ibig eh

Matagal napo akong di nakakadalo ng regular. Pero dipo alam ng mga nakakakillala sakin. Kasi closet ako eh ayoko mahayag na di nako dumadalo talaga kasi hindi na nila ako papansinin. Character assasination. At naging masipag naman ako sa mga tungkulin ko dati kaya marami nakakakilala sakin at dahil din knc akong lumaki.

Ayokong masaktan yung paniniwala nila sa Iglesia. Lahat sila na kilala ako at kilala ko masasabi kong mabuting tao na ang hangad lang talaga ay makasunod sa Dios. Pag-Ibig ko na sakanila na makita na nagpapatulot parin ako kahit papaano. Dahil mahal ko sila at lahat ng tulong at pagmamahal na ibinigay nila sa akin. Hangang closet nalang ako.

Natatakot taga ako ipost to kasi baka may makakilala sa akin. Baka matrace ako or sa background ko mapansin nila oi si ano ata to ah “laban pala sya kay kuya”

Pero ang hirap kasi na hindi ko manlang malaman side ninyo. Ang hirap na lahat kayo agad sa demonyo kasi umalis???? pati tatay ko na inalagaan naman ako ng maayos ay napasama na ng tuluyan dahil umalis sa Iglesia? Hindi naman. It’s hard not to be emphatic and sympathetic sa mga hinaing ninyo din na looking from another perspective is valid. What you feel is valid. It’s what you do with those feelings that makes who you are as a person. Hindi naman grabe ang pagkakasama sama agad….

Pero ganun paman eto ako ngayon. Bubulong nalang sa hangin. Mananalangin ako sa Dios na patawarin ako sa lahat ng sinabi ko dito. Sa lahat ng nalaman ko. Na sana pala hindi na ako nacurious about sa issues ng MCGI. Na sana kahit hindi na ako active sa Iglesia patuloy nya parin akong gabayan.

Patawad


r/ExAndClosetADD • • 6h ago

Rant Nalungkot at nagalit din ba kayo ng malaman nyo?

19 Upvotes

This week ko lang nalaman yung mga issues like alak, area52, personal properties sa Brazil at dito din sa Pinas.

Hinde ako sa pera o abuloy nanghihinayang e kundi sa oras na nilaan sa pagkakatipon - hirap at pagod sa pagsunod sa aral at pagmamahal sa mga kapatid. Akala ko may pagibig at malasakit sila BES at DSR satin pero wala pala. Feeling heartbroken 💔 talaga.

Nalulungkot pa din ako at hinde makapaniwala ni niloko lang tayo ni BES. Throughout those years naniwala talaga ako na totoo yung Iglesia. Skills at talent lang ba ni BES ang nagpaikot satin para maniwala tayo sa kanya at dinaan din tayo sa takot na matiwalag at maimpiyerno. Magaling lang ba talaga mag manipulate si BES?

Si DSR walang talent kaya hinde nya mahandle or maloko ang lahat ng kapatid. Paano nila nagagawa na lokohin tayo at gamitin ang Dios ng dahil lang sa pera?


r/ExAndClosetADD • • 9h ago

Rant Halata mo na ba Razon na mababa na ang abuloy?

13 Upvotes

Nabasa siguro di Sataniel Razon dito sa reddit na si Rodel
Lang kinakausap nya.

Kaya ngayong prayer meeting, pilit na pilit syang banggitin bawat locale na lumilitaw sa screen nya.

Nu nakaen mo Sataniel? Ramdam mo na ba na wala nang nagaabuloy? Kaya pilit na pilit ka makipag-engage sa mga locale?

Dasurb mo yan. Sana makulong ka sa mga kurapsyon na ginagawa mo.


r/ExAndClosetADD • • 5h ago

News New documentary is out! Time to whip out some popcorn!

Post image
5 Upvotes

Primetime Preacher$ is a 2026 Netflix documentary film directed by Joe Berlinger, released on November 20, 2026. It examines the 1980s rise and fall of prominent televangelists—focusing on Jim Bakker, Jerry Falwell, and Jimmy Swaggart (alongside Tammy Faye Bakker and insiders)—as greed, politics, ego, and scandals unraveled their television empires.


r/ExAndClosetADD • • 8h ago

News Panunuhol tactic

Post image
7 Upvotes

Hello Daniel Razon, kumusta? Sino ang sunod mong bibigyan ng sasakyan? Hehe

Ang gawin mo magpa-botox ka nalang ng eye bags para hindi halatang stress ka na sa dami ng exiters at expose.


r/ExAndClosetADD • • 10h ago

Weirdong Doktrina 11/25/2026 PM

5 Upvotes

Shout Out Day ang pagkakatipon today. Really a waste of time, and sadly di ko pa afford mag exit due to family-related reasons kaya closet mode muna and need mag attend ng non-sense gathering.


r/ExAndClosetADD • • 13h ago

Rant PAKSA

8 Upvotes

PAGIBIG ... MABUTING GAWA...DYAN NAIKOT ANG PAKSA SIMULA NAMATAY SI BES GRABE NAMAN KABOBO NI RAZON 28 YRS NA AKO SA ADD


r/ExAndClosetADD • • 15h ago

Weirdong Doktrina Say cheese!

10 Upvotes

Nagforward sa gc ung servant namin ng mga photo opp nila kay dsr sa charity center kanina.

Nakakaproud raw talaga ika dahil ang mcgi lang raw ang may lider na napakadaling lapitan.

ANO?! NAKIPAGPICTURAN LANG, MADALI NANG LAPITAN? TANGA KA BA?

SUBUKAN MONG LAPITAN TALAGA YAN NG PAMPERSONAL MONG PANGANGAILANGAN AT PANIGURADO IBABATO KA PABALIK SA LOKAL MO AT DOON KA IKA LUMAPIT

Unang magiging tanong sayo, saan ka nakatira? Kapag sinabi mo na, susunod na sasabihin, brad mel, pakitake note ito.

Maya maya tatawag na si brad mel sa servant at tatawag naman ang servant sa amin para pagtulungan YUNG INILAPIT NA MISMO SA KUYA NILA.

LUMAPIT KA NA NGA REKTA SA TAAS, SIYA PA MISMO NAGLAYO SAYO PABALIK SA BABA.

LUMAPIT KA SA BILYONARYO, IPINASA KA SA MGA NAGTITIIS SA SUWELDO.

MADALING LAPITAN YARN? KAGAGUHAN

Tapos kita doon sa mga picture na ang tatapang tumingin ng mga bodyguard nya. Listong listo.

PARA NAMANG MAY MAGAAKSAYA NG ORAS AT EFFORT PARA SAKTAN SIYA PHYSICALLY ANO? MGA ENGOT.


r/ExAndClosetADD • • 13h ago

Rant Ambagan na naman para kay Kowya

5 Upvotes

Akala ko ba mayaman tong mga to kaya yung mga miyembro sobrang convinced na di corrupt ang Iglesia? Bakit need pa mag-ambagan para sa Sabbath ni Kuya? Marami naman silang source of income ah may wish, kdrac, bes, daniel’s coffee, hoc, abuloyan. Ano pati bonus ng mga miyembro sainyo na rin??? Para saan na naman? Para pang travel ng royal family? Sana all na lang talaga. Mga walang awa yung namumuno sa mga mga miyembro na majority nasa laylayan na. Pineperahan na nga, di pa pinagpapahinga sa dami ng walang kwentang gawain. Linggo na nga lang rest day namin, puro pa events na paulit-ulit na lang. Parang every week na lang ata may pwd day, senior’s day, family day. Crisis na, maraming tao nagsstruggle pero priority talaga yung gawain na puro pakitang tao lang naman sa socmed. Punyeta kayo, deserve maexpose at pagtawanan like inc.

I wanna get out of here, pagod na pagod na akong mag-aksaya ng oras sa pagsamba na ni isa wala naman akong naaalala. Tiis-tiis na lang muna hays


r/ExAndClosetADD • • 16h ago

Need Advice Pano ishare sa Family?

7 Upvotes

Yung mother ko active sa church at member ng choir. Ako naman matagal na nagstop dumalo before pa mawala si BES.

Dapat ko bang ishare sa mother ko yung mga issues like Area52 and yung obvious na personal businesses nila kuya at ate lol. Kaya pala tuwing nakikibalita ako kung sino na yung vice ni DR palaging sagot ng mama ko e wala na daw vice, nakakapagtaka na walang vice ayun pala palaging nasa picture yun ate. Thank you kuya at ate lol


r/ExAndClosetADD • • 16h ago

Satire/Meme/Joke Libre sabi nang dugyot na delulu

Post image
6 Upvotes

O divaaaaaaa libre nga daw! HAHAHAHAHAHAHAHAH


r/ExAndClosetADD • • 21h ago

Random Thoughts Teka... Parang MCGI members ang mga naka simangot at gumagawa ng masama sa mga ume exit. 🙄

Post image
10 Upvotes

r/ExAndClosetADD • • 1d ago

News Wow Bongga!

Post image
13 Upvotes

Ang bongga naman pala nang millions nang gift sa different locales...sya ang may sabbath, iba ung ng bigay nang pambili...wow talaga. Sanaol


r/ExAndClosetADD • • 18h ago

Random Thoughts Medley 4

1 Upvotes

Random thought/question, mga ditapak. Ano yung first song sa Medley 4? Ang alam ko lang kasi ay Sa'yo Amang Banal at *NMS 2003*

Salamat sa dues in advance 🫶


r/ExAndClosetADD • • 1d ago

Satire/Meme/Joke "Iwasan nyo ang REDDIT" sabi nang Diakono na 8080

34 Upvotes

Hahahaha nakakatawa mga delulu. Ung Diakono sa amin nag remind sa amin lahat na wag at iwasan daw maka basa or anything sa reddit na infos kasi peke daw po at mga paninira lang! Huiiiii Gagowww! Anong peke eh majority dto sa reddit kanya2x karanasan in ACTUAL TRUE TO LIFE EXPERIENCE at hindi delulu. Sarap hampasin nang hollow block ung ulo eh! Hahahahaha anong ka abnormalan yan Diakono!? Tulog ka nga pag paksa tpos pag mg pulpito after TG..just woke up itsura mo! Dami nyong demands sa amin mga kapatid tpos kayo nang asawa mong Diakonesa mga tulog or minsan, nagkukunwaring punta sa office pra magpa aircon... Ang taba2x nyo pa! Mga baboy!Gagiiiiii ka!


r/ExAndClosetADD • • 1d ago

Random Thoughts May quantitative measurement ba sila sa pananampalataya?

6 Upvotes

Napag isip-isip ko lang, bakit pananampalataya palagi basihan ng kulto na ito tuwing pumipili sila ng officers/diakono/diakonesa or kahit ano pang posisyon na kailangan ang leadership sa isang lokal. Napakatanaga naman siguro, di ba aware ang mga ito na ang leadership ay napakamaselan na tungkulin sa kahit anong aspeto ng buhay tapos yung pipiliin ng ibat ibang lokal at mga bobo at walang common sense? Tapos pag nag me-meeting na sa lokal walang masabi, puro tahimik lahat kasi hindi na marunong mag speak-up ng kanilang mga hinaing kasi takot. Nung nag exit ako sa kultong ito doon lang talaga nag sink in lahat ng ka-weirdohan at katanagahan ng samahang ito.


r/ExAndClosetADD • • 1d ago

Rant Republic Act No. 11648

17 Upvotes

May mga diatapaks talaga na sa unang tingin ay akala mong ang babait at maka-dioys at banalbanalan, laging naka ngiti ang tahimik. Pero sa loob loob pala napaka bobo at ignorante, mga walang self-awareness. Dito kasi sa lokal namin may nangyaring paglabag ng RA. 11648. Isang minor de edad at +1 ang legal age na ditapak. Ganito ba ang MCGI pugaran ng mga predators at mga bobong walang alam sa sexualidad?? The same mouth they used to worship DSR and his wife(yan kasi Dios nila eh) is the same mouth they use to sexualize woman(even teenagers).

Parang walang mga natutunan mga members sa loob ng kultong ito eh. Sa lahat ng aspeto ng buhay napaka walang hiya pero pag dating sa loob ng kanilang kulto kung maka asta parang sila ang pinaka banal na banal.

Sa mga may nabalitaan or mga mismong 1st source ng mga similar experience ano masasabi niyo?


r/ExAndClosetADD • • 1d ago

Question May open consultation ba si DR?

1 Upvotes

Never ba nagopen ng consultation si DR sa 3 days TG? Di ba nung time ni BES, un open consultation ang way para maresolve yung mga problem ng mga kapatid or kung may doubt or question sa mga aral sa Iglesia.


r/ExAndClosetADD • • 1d ago

Question Halal sa PBB

4 Upvotes

Legit ba ito? sorry di ako nanunuod ng PBB eh, nakita ko lang itong reference from Brod Eli.


r/ExAndClosetADD • • 2d ago

Random Thoughts Naiyak ako

Post image
11 Upvotes

Ang tagal ko iniwasan panuorin tong video na to dahil alam ko namumutiktik ang comments ng mga narc na delulu. Pero naluha ako, nahabag ako wala pang 2min nagsasalita si tatay.

Mas ramdam ko ang espiritu ng Dios na maawain, pagiging mababang loob, kapanatagan at pagibig sa tatay na ito kesa sa pagsasalita ni Daniel at kanyang mga alipores.

This reminded me again today na mas madaming bagay na mas mahalaga ang itinuturo satin ng Dios araw araw kesa manatiling laging nangangamba sa kung ano man ang darating.

Maraming Salamat sa Dios, buhay tayo at naabutan natin ang mga panahon na ito. Salamat sa Dios namulat tayo sa mga pang aabuso at pangloloko, hindi madali para sa karamihan lalo na sa mga naiwan at nananatilinh closet hanggang ngayon.

Panalangin ko kung saan man tayo mapunta mga kapatid, sana manatili pa din ang awa sa atin ng Dios hanggang sa huli.

Argh! I feel so emotional. 😭


r/ExAndClosetADD • • 2d ago

Rant CURSING BY BRETHREN

30 Upvotes

Hello po, may chismis po akong dala galing sa isang kapatid from Mindanao. Nakakatawa po...

  1. May kapatid daw po dun na hindi na dumadalo tpos nung tinanong ung Marshall dun kung san na daw po ung kapatid (kahit alam nang kapatid kung san na ngayon yung hindi dumadalo na kapatid) ay ang sabi daw nang Marshall: "NA AKSIDENTE DAW PO DAHIL HINDI NA DAW DUMADALO."

( Tang inang yun! Buhay pa po ung kapatid na hindi dumadalo daw at hindi rin daw po na aksidente...)

2. May isang kapatid din daw po na nag ask sa Locale Store kung san yung isa pang kapatid at bakit hindi na dumadalo. Ang sagot daw po nung chismosang tga Locale store: "hindi mo alam? E cremate na sya kasi hindi na dumadalo."

(Pero buhay na buhay pa po ung kapatid. Ayaw lang daw dumalo kasi naiirita)

This is an example of NOT EVERYONE inside that shitty MCGI executes LOVE. THEY ARE F*CKING CURSING PEOPLE WHENEVER THINGS DONT GO THEIR WAY. SANA MA BOOMERANG SA KANILA YUNG MGA NG CURSE PARA NAMAN MAAWAT BUNGANGA NILA!


r/ExAndClosetADD • • 2d ago

News just showed on my feed...

Post image
19 Upvotes

i was checking on FB earlier, then suddenly lumitaw itong post ni Ritz... 😄

i'm sure magaganda halos mga comment ng mga kakulto nya kasi artista sya eh... 😁

pag hindi artista sure na sure sasabihin ng mga kakulto "mahalay yan sis" 😂

mga hypocrites... 😁


r/ExAndClosetADD • • 2d ago

Rant Having relationship with MCGI...

19 Upvotes

Nakakalungkot lang, monday to friday di mo makasama partner mo kasi nasa work, tas sabado wala rin kasi may dalo raw, tapos kahit linggo wala pa ring oras kasi nasa kung saan saan na gawain o praktis, grabe lahat na lang ng oras napunta na jan, nakakasama ng loob...


r/ExAndClosetADD • • 2d ago

⚖️ Allowed Under Free Speech the smoke of their torment will rise for ever and ever / no rest day or night

4 Upvotes

hi there! 🤗

eto ay continuation ng LAKE OF FIRE series na gusto ko i-share sa inyo, NOT TO INDOCTRINATE, but to help build awareness sa scriptures as well as ingatan kayo na HINDI na maloko ng mga Bulaan pastor gaya nina eli soriano at drazon na kesyo tinatakot ang mga tao na pagka HINDI sumunod sa mga ideologies nila eh LAKE OF FIRE ang hatol sa iyo.

sa mga namiss yung LAKE OF FIRE series, eto yung mga links...

Death and Hades are "ENTITIES" according to the False pastor eli soriano? 🤔

https://www.reddit.com/r/ExAndClosetADD/s/xs2skszHDv

the LAKE OF FIRE

https://www.reddit.com/r/ExAndClosetADD/s/37LR32x7jz

Lazarus and the rich man

https://www.reddit.com/r/ExAndClosetADD/s/dZko2JWWyV

as promised, ang gusto ko i-clarify ngayon ay yung thought na "kung hindi pala isang invisible torture chamber ang LAKE OF FIRE, at ito ay para lang sa punishment ni God sa Jerusalem nuong 70AD, paano naman yung sinabi sa Bible na 'the smoke of their torment will rise for ever and ever. There will be no rest day or night for those who worship the beast and its image, or for anyone who receives the mark of its name'?"

so dahil jan eh ang conclusion is habang buhay na parusa yan LAKE OF FIRE? 😊

let's start.

Revelation 14:9-11

9 A third angel followed them and said in a loud voice: “If anyone worships the beast and its image and receives its mark on their forehead or on their hand, 10 they, too, will drink the wine of God’s fury, which has been poured full strength into the cup of his wrath. They will be tormented with burning sulfur in the presence of the holy angels and of the Lamb. 11 And the smoke of their torment will rise for ever and ever. There will be no rest day or night for those who worship the beast and its image, or for anyone who receives the mark of its name.”

sa verse 10 we can see na it is God's wrath kaya ang mga kaaway Nya ay tormented with BURNING SULFUR. then sa verse 11 naman minention yung phrase na "the smoke of their torment will rise for ever and ever. There will be no rest day or night for those who worship the beast and its image, etc,,,"

now, before we conclude na yan eh eternal invisible torture chamber na para sa lahat ng tao sa lahat ng panahon, let us look again at how this language was used in the old testament.

i will be letting you read Isaiah chapter 34 in your own time. hindi ko sya ilalatag from verse 1 to 17 kasi hahaba lang itong post. so please make sure to read the entire chapter 34 in your own time. ilalatag ko lang yung mga key details para sa topic today regarding the phrase "the smoke of their torment will rise for ever and ever" and "no rest day or night".

Isaiah 34

2 The Lord is angry with all nations; his wrath is on all their armies. He will totally destroy them, he will give them over to slaughter.

napansin nyo yan? it says that the Lord is ANGRY daw with the nations. i suggest yung nations jan is people in a specific land or region. later you will see why... and it says "he will give them over to slaughter"

again, wrath then slaughter.

next.

3 Their slain will be thrown out, their dead bodies will stink; the mountains will be soaked with their blood.

sabi jan the mountains will be soaked with their blood. so clear tayo na sa land yan mangyayari ha, hindi kung saan man invisible realm...

next.

4 All the stars in the sky will be dissolved and the heavens rolled up like a scroll; all the starry host will fall like withered leaves from the vine, like shriveled figs from the fig tree.

sabi jan, the stars will be dissolved and the heavens rolled up like a scroll...

teka, does it sounds familiar with Peter's letter? 😊

2nd Peter 3:10

But the day of the Lord will come like a thief. The heavens will disappear with a roar; the elements will be destroyed by fire, and the earth and everything done in it will be laid bare.

parang same lang yung apocalyptic language noh? 😊

tuloy naten...

5 My sword has drunk its fill in the heavens; see, it descends in judgment on Edom, the people I have totally destroyed.

6 The sword of the Lord is bathed in blood, it is covered with fat - the blood of lambs and goats, fat from the kidneys of rams. For the Lord has a sacrifice in Bozrah and a great slaughter in the land of Edom.

ay sa EDOM naman pala yan event na yan...

isipin mo, wrath ni God pero ang language is "metling", "heavens disappearing with a roar", "stars falling", "the sun or moon not shining"... tapos WAR lang pala or DESTRUCTION... 😊

so kung ang isang tao nagbasa lang ng New Testament books, at yan mga ganyan apocalyptic language ang makikita, eh maiisip talaga nila na yan ay destruction ng buong earth or what they usually believed as "end of the world".

pero kung may idea ang tao sa OLD TESTAMENT books as well as the languages being used by God in His punishment to a nation or people, madali lang nila maiintindihan na "ah ganyan lang talaga magsalita ang Dios pagka may masamang ginawa ang isang nation or group of people..."

let's continue reading...

9 EDOM's streams will be turned into pitch, her dust into BURNING SULFUR; her land will become BLAZING PITCH!

10 It will NOT be QUENCHED NIGHT OR DAY; its SMOKE will RISE FOREVER. From generation to generation it will lie DESOLATE; no one will ever pass through it again.

does it sounds like THE LAKE OF FIRE sa book of Revelation? 😊

and nakita nyo yung language na "It will NOT be QUENCHED NIGHT OR DAY; its SMOKE will RISE FOREVER."?

let's analyze it.

if that is kinda LAKE OF FIRE, at EDOM lang yan sinabing idedestroy... bakit sabi jan eh from generation to generation it will lie DESOLATE? hindi ba sensible na wag na lang ilagay yung phrase na "from generation to generation" since minention na sa earlier verses na yun daw "stars in the sky will be dissolved and the heavens rolled up like a scroll; all the starry host will fall"? 🤔

so dapat eh wala na mga yan diba? eto pa...

11 The desert owl and screech owl will possess it; the great owl and the raven will nest there. God will stretch out over Edom the measuring line of chaos and the plumb line of desolation.

13 Thorns will overrun her citadels, nettles and brambles her strongholds. She will become a haunt for jackals, a home for owls.

14 Desert creatures will meet with hyenas, and wild goats will bleat to each other; there the night creatures will also lie down and find for themselves places of rest.

15 The owl will nest there and lay eggs, she will hatch them, and care for her young under the shadow of her wings; there also the falcons will gather, each with its mate.

kung sunog na pala mga yan at "her land will become BLAZING PITCH" at "will NOT be QUENCHED NIGHT OR DAY; its SMOKE will RISE FOREVER", bakit titirhan pa ng mga hayop?

sa EDOM lang yan diba? have you seen EDOM now na may smoke pa rising forever? 😊

i suggest it means the memory of it will not be forgotten sa mga tao na involved jan. at yung metaphoric language na "it will not be quenched night and day" means talagang WALANG ITITIRANG DAPAT MAWALA NA.

like what we can read in Isaiah 66:24...

“And they will go out and look on the dead bodies of those who rebelled against me; the worms that eat them will not die, the fire that burns them will not be quenched, and they will be loathsome to all mankind.”

so it means hangga't may dapat ubusin, HINDI sila(worms and fire) mawawala, just to make sure that God's words are fulfilled.

kasi in some verses meron ganito...

Isaiah 24:5-6

The earth(LAND) is defiled by its people; they have disobeyed the laws, violated the statutes and broken the everlasting covenant.

Therefore a curse consumes the earth; its people must bear their guilt. Therefore earth’s(LAND) inhabitants are BURNED UP, and very FEW ARE LEFT.

so dito naman, sabi the "earth" daw ay BURNED UP. kaya ang paniwala nina soriano at manalo eh end of the world yan nasa Isaiah 24. pero bakit meron "FEW ARE LEFT"?

eto pa isa...

Revelation 19:20-21

But the beast was captured, and with it the false prophet who had performed the signs on its behalf. With these signs he had deluded those who had received the mark of the beast and worshiped its image. The two of them were thrown alive into the fiery lake of burning sulfur.

The REST were KILLED with the SWORD coming out of the mouth of the rider on the horse, and all the birds gorged themselves on their flesh.

so nakita naten na yun daw false prophet at yung beast eh tinapon or thrown ALIVE sa LAKE OF BURNING SULFUR.... pero.... the REST daw were KILLED WITH THE SWORD.

teka, kung yan eh invisible torture chamber na LAKE OF FIRE, diba dapat sabay sabay lahat ng mga evil people jan sa LAKE OF FIRE? bakit yung iba killed with sword? at sa isang verse meron daw "FEW ARE LEFT"?

kasi nga, it's God's wrath to Jerusalem. again, here is the link of the LAKE OF FIRE, kung saan lang yan purposely done. hindi sya invisible torture chamber ng mga taong masasama sa lahat ng panahon.

the LAKE OF FIRE

https://www.reddit.com/r/ExAndClosetADD/s/eSEoeUcj4S

so ang nag-iisang possible na question is... "paano si satan? diba kasama sya sa mga thrown sa LAKE OF FIRE?"

yan ang next naten pag-uusapan... 😊

Thanks for reading! 😊🧋🧋