Alam niyo mga kapatid, Kung wala kayong naging problema sa Mahal na Pastor, beloved Mama Dear. Edi ayos.
Kasi nangangahulugan na lahat ng turo't aral nila ay totoong tumimo sa puso't isipan natin.
Kaya nga kung maalala niyo, Matagal na panahon na ipinangaral at itinanim sa bawat isa saatin na huwag tayong titingin sa kapwa natin tao Kasi matitisod tayo.
Pero nag tataka ako sa mga taong nandito na puno ng ka toxican. Oo naiintindihan ko yung mga pinag lalaban niyo, Lupa ng main, etc.
Pero yung mag bibigay ka ng conclusion na "kaya siguro wala pang lupa kasi ganito"
"Binubulsa kasi nila ano, etc, etc"
Yung wala ka namang basehan, wala ka namang ebidensya, Tanging nakikita mo lang yung pamumuhay ng Bel. Children, kasi yung asawa ni kuya pogz ganito ganyan, may sports car si ano.
Like what?
Alam niyo ba kung anong buhay ang meron sila? Kasama ka ba sa storya ng buhay nila?
Like nasaksihan mo lahat? Yung pag kuha nila ng TLO KUNO? Na binubulsa nila?
How?
Ngayon nag groundbreaking sila para sa Main Church Tameme naman kayo?
Diba? Kung makapag kwestyon parang alam na alam yung takbo ng gawain.
Ngayon kung ang mindset mo eh,
Pag Kristyano na eh Perpekto kana, Mali ka.
Kaya nga ang Church ay hospital para sa mga makasalanan, Paalala ng Mahal na Pastor saatin wag kang titingin sa tao, Gumagawa sila ng katiwalian? Pakiramdam mo masama ang ginagawa nila? Ipag pray mo.
Hindi yung base lang sa kwento, base lang sa haka haka, base lang sa pang unawa mo, wala namang sapat na ebidensya eh mag dadadakdak ka dito.
Kaya yung mga nag rarant dito bakit ganito bakit ganyan? Pinatunayan niyo lang sa tao kayo nakatingin.
Natisod ka kasi sa ganito sa ganyan.
Well, Kung hindi mo gusto, Umalis ka
Hindi yung naninira ka pa, Na chismisan ka lang naniwala ka naman agad, tas ikalat mo pa.
Kaya nga mapapansin mo dito
Puro tanong lang eh.
"Bakit kaya wala na ang main sa marilao?"
"Bakit kaya wala pang lupa ang main?"
"Bakit kaya ganito ganyan?"
Tsk tsk, Mag isip ka kapatid.
Sabi ng Bible, Yung inaaakala mong nasa tama ka pa pero, papunta kana pala sa kapahamakan.
GodBless