r/Kapampangan • u/Special_Category_780 • 2d ago
Kapampangan language
I recently moved in Tarlac for work. And halos lahat sa kanila ay kapampangan magsalita. Samantalang ako pure tagalog. Kaya ko ang work pero ang pinakachallenging ay umintindi ng kapampangan. Wala talaga akong alam na kapampangan. Nagkkwentuhan sila tawanan, tas ako "huh, ano daw?"
Pero one week na halos and nagsstart na ko mag aral ng salita nila. Pero hindi madali, especially super search talaga ako sa youtube and social media nangtuturo ng kapampangan. Wala rin ako kakilala dito.
Tanong ko lang, meron kasi akong pwedeng iconsider na work sa pampanga. Kapampangan din ba doon? Dito kasi sa Tarlac as in halos lahat sila is kapampangan, and need ko mag adjust since ako ang lumipat dito.
Mas madadalian ba ako sa Pampanga? When it comes on language barrier? Or same lang sila ng Tarlac?