r/LGBTPhilippines • u/Sea-Score1906 • 3h ago
Sexually abused and heavily bullied as a kid
I was sexually abused by our worker and my kuya. Abuse started grade 4 hanggang mag high school ako. I also experienced heavy bullying dahil mahilig ako kumanta at sumayaw. As a 9 year old boy, syempre mataas ang boses ko na tinig babae talaga. Regine syempre ang pyesa natin. May mga humahanga pero madami ding kumukutya. BADING, BAKLA yan ang sigaw sa akin ng mga barkada ng kuya ko. Most vivid bullying experience is from a parent of a classmate. Naglalaro ako nun sa kalye. Itong nanay ng classmate ko ay nakasakay pa ng tribike huminto sya sa tabi ko. Hinawakan nya ang buhok ko sabay sabing, babaeng babae. I felt humiliated. I froze. I remember her smirk nung bumalik sya sa tribike. Para bang isang tagumpay para sa kanya ang malibak ako. Isang classmate ng kuya ko malaking bata tuwing makakasalubong ako, lagi nya kong tinatawag na bakla. Umabot ang balita sa tatay at nanay ko. Yung tatay ko tinagpas ang bangs ko, baliko. Si mama, sinugod yung bahay nung isang bata na tinutukso ako. Pero after that, the bullying did not stop. I know my parents were embarrassed din. Fast forward, nag college, nag ka trabaho at nagkapamilya ako.
Heavy bullying was my motivation talaga para maging pro bodybuilder. Yung bully ko noon na sinugod ng nanay ko, nakasalubong ko sya sa mall at nanlaki mata nung nakita nya akong bato bato. That gave me satisfaction. I planned on dropping by sa bahay nung nanay na nambully sa akin, pero nabalitaan kong namayapa na sya.
Pag may nakikita kayong batang lalakeng malambot, please DON'T BULLY them. It leaves a mark - sa puso at utak. I was thankful na hindi ko naman naisip na mag suicide pero grabe ang pangamba ko noong bata ako. Tuwing lalabas, baka makita ko mga nanunukso sa akin. Pag kakanta ako sa school program, baka nasa audience yung mga nanunukso sa akin so I won't give it my 100%. I dimmed my light until high school to fit in. The mental anguish never ends noong bata ako.
Be kind, especially sa mga batang lalakeng "malalambot". They need it badly.