r/Marikina • u/Ambitious-Bbg42 • 18h ago
Rant Ang dugyot na sa Marikina :(
Ako lang ba or as a Marikina girlie parang sobrang dumi na sa atin? :( Last Sunday, pumunta ako sa Gil Fernando para magwalking since car free Sunday siya. Nagwalking lang talaga ako. Kaya recently ko lang napansin na sobrang dumi na sa atin.
5:30AM na pero yung basura sa Bayan Palengke nakakalat pa akala ko nasa Manila ako. Yung mga basura along the highway bote ng tubig, plastics, candy wrapper etc. madami din sa tapat ng Amang. Nalungkot ako honestly. Parang wala na yung dating disiplina sa atin.
Iba pa yung hinabol ako ng aso sa may blue wave, sobrang dami na nilang gumagala and buti hindi nakagat dahil binato ni kuya ng bote. Pero gets gone are the days na kaya mong maglakad ng maayos 🙃