Yung tipong sobrang mura nya, less than 100-200 tatagal na ng 5 servings pataas. Bulky, mabigat sa tiyan, pwedeng extenders ng mga usual na ulam. I'm talking about whole foods, not ung mga preservatives like delata or noodles.
Examples: loaf bread, bigas, etc. wala na ako maisip haha.
It seems like di gumagana yung meal prep ko eh. Kinakapos pa rin talaga. Hindi rin naman kasi tinipid and most ulam ko may meat talaga. Sa breakfast lang tipid minsan walang kain, madalas light items lang. Baka kailangan may i-change sa usual grocery items? Hindi ko na kinakaya ang taas ng bilhin. Hindi rin option magskip sakin ng meal since may PCOS ako.