r/Mekaniko • u/LubriCareTrading • 5h ago
Mekaniko/Shop-related Question Kapag mataas na mileage ng sasakyan, kailangan na ba gumamit ng mas malapot na engine oil?
Share lang from the lubricant distribution side.
May mga customer kasi kaming nagtatanong kung kailangan na ba magpalit from 5W-30 to 10W-40 or even 20W-50 dahil mataas na mileage ng sasakyan nila.
Pero hindi naman automatic na kailangan ng mas malapot na oil just because matanda na yung makina.
Kung healthy pa naman yung engine, normal ang oil consumption at walang problema sa oil pressure, magandang basis pa rin yung manufacturer-recommended viscosity.
Kung nagbabawas naman ng langis, mas okay din malaman muna kung saan nanggagaling yung problema. Pwedeng oil leak, piston rings, valve seals, or even PCV-related issues.
Minsan nakakatulong ang mas mataas na viscosity sa oil consumption, pero hindi naman nito naaayos yung underlying mechanical problem.
Sa mga mekaniko dito, ano usually ang basis niyo bago mag-recommend ng mas malapot na engine oil? Mileage, actual engine condition, oil consumption, or oil pressure?
Interested din kami malaman yung actual experiences niyo sa mga high-mileage na sasakyan.