r/MomSupportPH • u/KeyStrength997 • 4d ago
1st time Mom Question Nesting ftm here
Hello mga mommies. Need some advice lang esp sa mga experienced moms na. Ano ba talaga yung mga need bilhin? Ayoko kasi maghoard ng sobrang dami and maoverconsumption esp sa clothes. Mga ilang piraso ng nb and 0–3 mos yung clothes na sapat na kasi makakalakihan din naman agad diba? Nakakaoverwhelm pala di ko alam ano uunahin bilhin haha. I hope you can help me. Thanks.
2
Upvotes
2
u/mistymoonlitair 4d ago
Buy clothes na 0-3 mos na pwedeng mag last for a week. Sa isang araw nakaka ilang palit ang babies min. Na 3x a day tapos for 1 week para di ka laba ng laba, yung tipong kahit once a week ka lang maglaba di ka mauubusan ng damit na ibibihis kay baby. Nung nag nesting din ako, kahit sinasabihan ako na ang daming damit makakalakihan din nmn agad di ako nakinig haha kasi ang reason ko, ayaw ko maglaba lagi. Worth it naman. Tsaka yung ibang damit medyo lakihan mo na para matagal magamit at sulit. Sa mittens, socks, and bonnet di mo masyadong magagamit yan dahil suggested ng pedia walang medyas and mittens para sa sensory development. Mag susuot lng ng medyas at bonnet pag lalabas. Yung bonnet di na need pag nasa bahay lang since pawisin ang baby at dyan din nasingaw init nila kaya no need.
2
u/uneditedbrain 3d ago
Depende rin kasi di mo alam anong tubo ng baby mo, so aksaya din ng pera maghoard. Daming pang-alis, di naman umaalis, daming pangbahay pero initin si baby so naka nappy lang sa araw. Yan mga cases minasan nangyayari.
Bumili kami 1 set set na bago. The rest, de kilong second hand binili namin na iba iba size. Lol kung may espesyal na need bagog damit, dun lang nabili. Dami din kasi magreregalo ng damit.
1
u/Icy-Insurance7029 1d ago edited 1d ago
Try mo hanap ng barubaruan na snap button mi kasi ang hassle talaga magtali tali. Sa frogsuits ang piliin mo yung may built in mittens/foldable mittens tska two way zipper para hindi totally hubad si baby if change diaper lang.
Go for bigger size na 3-6m na agad kunin mo mii
3m si baby now pero pang 6m clothes na gamit namin
Sa essentials
Diapers- konti lang per brand kasi hiyangan talaga, ang humiyang samin is Unilove
Bibs - lagi may lungad baby kaya maganda if may bib siya agad para di mapunta sa neck niya kasi nkakarashes yun
Diaper cream- no need na mahal, zinc oxide gamit namin yun din gamit sa hospitals. Effective and budget friendly
Baby wash and lotion- Eto kahit damihan mo kasi hindi naman nasisira, hiyangan lang din ito. Ang gamit namin is Aveeno and Baby Dove, alternate sila
Cotton Balls- eto talaga pang punas namin sa wetpu ni baby, cotton balls with water. Super sensitive and manipis pa balat ni baby and nkaka sugat ang madalas na wet wipes. Wet wipes ka if going out.
Nasal Aspirator and Nail trimmer- bilis humaba kuko ni baby nakakasugat sa face nila talaga if mahaba kuko
Invest in a quality pump if ever magpump ka. Wag yung mumurahin as in regrets talaga.