r/OALangBaAko • u/External_Crab9829 • 4h ago
👨👩👧👦 Family OA lang ba ako kung naoofend ako pag tinawag ako sa first name ng tatay ko?
Na ooffend ako everytime tinatawag ako ng papa ko sa first name ko. Why? Kasi, he calls my ate, "Inday", and my kuya , "Dong". My endearments sila. Ako, my first name lang. Siya lang din sa buong family ang tumatawag sakin sa first name ko. My siblings and my mom, calls me "gang". Short term sa palangga. Although, sometimes he tries to call me gang, pero pilit. Hindi sya sanay tawagin ako sa endearment na yan. I dont know why, eversince maliliit pa kami the rest of the family calls me that na.
In our family, I know favorite ni Papa si Ate. Si Mama naman favorite si kuya. I only realized this now na adult na ako. When my close friend (like a sister na) pointed it out. Growing up, ate has all the new clothes, and sakin naman pinapasa ang mga napaglumaan nya. Which I was happy to received. Excited pa ako nyan. I remember my papa said, "tawn sad, lipay kaau sya". Not in a mocking way though. He recognized that I was happy with my sister's old clothes. Dala na din siguro ng kahirapan, hindi ako nabibilhan ng bago. Whenever my sister and I have a misunderstanding, they always sided with her. And always asks me to just apologize para matapos na ang gulo. Regardless kung sino ang may kasalanan. I dont remember my sister said sorry once, kahit kasalanan pa nya. Ako dapat ang laging magpakumbaba. Dapat sya lage intindihin. Kasi mas matanda sya. At alam ko naman daw ugali nya. They never think about how I am feeling. Ang gusto lang nila matapos na ang gulo. Kaya ngayon matatanda na kami, ganun pa rin. Ako ang pinapa sorry nila lage. Tapos sinusunod ko naman sila kahit labag sa luob ko.
Pero apart from that, my ate and I are very close naman. May favoritism nga lang talaga parents namin. And I am the least favorite. Kaya din siguro medyo malayo loob ko sa kanila. I support them now, kasi wala na sila pinagkakakitaan, but just like my mom said, iba daw talaga support ni ate sa kanila. Mas bongga. Which I agree. I have my reservations. I'd rather spend my money to myself and my little family.
Now, I am married. And my husband always sided with me. I can finally say na may tao nang may favorite sakin.