Sa latest episode namin ng OFF THE RECORD, nakausap namin si Rob Rubin tungkol sa kulam, curses, at iba’t ibang beliefs around magical attacks.
Isa sa pinaka-interesting niyang sinabi:
“To convince you that you’re cursed without cursing you is the easiest form of revenge.”
According to him, may mga taong sobrang convinced na kinulam sila dahil sunod-sunod ang malas, pero possible rin daw na fear, guilt, or paranoia ang nagpapalakas ng belief na may nangyayari sa kanila.
Napag-usapan din namin kung bakit, sa occult practices, pinaniniwalaang important ang personal belongings tulad ng jewelry, glasses, hair, photos, at iba pang bagay na malapit sa isang tao.
Pero sabi rin niya, “9 out of 10 times, you are not being made kulam.”
Curious kami sa experiences ng mga tao dito:
May nangyari na ba sa inyo na sobrang sunod-sunod ang malas na napaisip kayo kung may supernatural na dahilan? Or eventually may normal explanation din kayong nahanap?
Would love to hear your stories and perspectives.