hi need advice with our current situation, thank you.
my father (67) died last year, and we're trying to claim a funeral/death benefit sana. ang problema hindi pala registered yung kasal nila ng mama (71) namin and nalaman lang namin nung namatay siya, ang sabi ng mama ko kinasal sila sa kasalang bayan lang sa camarines sur noong 1979 at di na rin namin mahanap kung sinong nag-facilitate nung kasal. married ang nakalagay na status sa birth certificate naming lahat na magkakapatid.
ang tatay ko ay may pension, walang sss online at naka-passbook sa country bank kaya lang hindi na rin to makiclaim ng nanay ko dahil tatay ko lang ang pwedeng kumuha, huling pension pa na nakuha niya ay last feb 2025, hindi na niya nakuha yung natirang apat na buwan kasi nahospital na at binawian na rin ng buhay.
Nasa akin lahat ng papeles at passbook kasi ako ang nagaasikaso, kaso nung pumunta ako sa sss ay kumplikado raw at di maaasikaso, may chance pa kaya kaming makaclaim?