r/PHMotorcycles • u/Grouchy_Training8030 • 2h ago
Guide Aerox V3 Iwas Nakaw Using GPS Tracker
Last post ko in this group is paano makuha yung ORCR in just 4 days. Now focus naman tayo kung pano maiingatan yung Aerox V3 natin sa mga kupal na magnanakaw hahaha.
Disclaimer: This is not a promotion of the brand. Sharing my personal experience lang.
After searching sa internet and reading Reddit recommendations, I decided to purchase the SinoTrack ST-901L 4G GPS Tracker. Available siya sa orange app, make sure niyo lang na trusted yung shop and yung variant na may relay for engine cut-off ang kukunin niyo.
Why SinoTrack?
Nung college kasi ako, 1st year Computer Science, yung project na pinagawa samin is GPS Tracker na may messaging system commands kaya familiar na ko sa ganto.
May mga nakita rin akong alternatives like UGREEN smart tags. Ang cons kasi ng smart tags is dependent sila sa nearby compatible phones para mag update yung location, unlike SinoTrack na may sariling GPS at SIM card.
PROS:
- Realtime GPS Tracking – Pwede mo makita kung nasaan yung motor mo pati yung location history.
- Mobile Application – SinoTrack Pro yung ginagamit kong app.
- SMS Commands – Pwede ka mag send ng commands directly sa SIM card ng GPS kahit wala kang mobile data sa cellphone.
- Ignition Alert – Mag nonotify sa app kapag may nag-on ng ignition ng motor mo, basta properly configured at may signal.
- Backup Battery – Kahit mawalan ng main power yung GPS, pwede parin mag report ng location for a limited time.
And the best PRO for me is yung ENGINE KILL SWITCH hahaha.
Pwede mong i-disable yung engine through the application or SMS kapag properly installed yung relay.
Yung setup namin ng mekaniko ko is designed din para mas mahirap mapatakbo yung motor kapag may nagtangkang mangialam sa wiring. Depende to sa installation ha, hindi siya default feature ng GPS.
Hindi ko na idedetail yung wiring for security reasons hahaha.
CONS:
Cellular signal lang talaga yung pinaka concern ko.
Currently Smart SIM yung gamit ko. Na experience ko na mag send ng engine-off command habang nasa loob ng building na mahina ang signal. Nung nakalabas ako at umaandar na yung motor, saka nag execute yung command. Ayun biglang namatay yung makina.
Kaya wag kayong mag send ng engine-off command habang umaandar o kung paalis na kayo, kasi possible na delayed yung execution.
Planning din ako magpalit ng GOMO SIM sa next balik ko sa tropa kong mekaniko. Pero depende parin sa area niyo kung anong network yung may pinakamagandang coverage.
Additional Tips:
Make sure niyo na sa tagong parte ng motor nakalagay yung GPS. Yung sakin bubuksan mo talaga yung ilang panels bago mo makita yan hahaha.
Pina secure ko rin yung exposed wires sa harap for additional protection. And whenever nakapark yung motor ko, naka engine immobilization na siya.
If ever naman na maharang kayo ng magnanakaw, ibigay niyo nalang yung motor kaysa malagay pa sa peligro buhay niyo. Once safe na kayo, pumunta agad sa pinakamalapit na police station and provide yung GPS location. Wag niyong habulin mag-isa at ipa-coordinate sa police yung immobilization kapag nakahinto na yung motor.
PS. Hindi ko sinasabi na 100% theft-proof na yung motor ko dahil may GPS hahaha. Additional layer of security lang talaga siya. Gumamit parin kayo ng physical locks and maging mabusisi kung saan kayo magpapark.
Share niyo nalang din sa comments yung mga security setup niyo baka may mas maganda pa kayong suggestions.
Yun lang guys, ride safe sa lahat except sa mga p*tang magnanakaw hahaha.
