r/PHSapphics • • 2d ago

Discussion pls help me out

Please help me out, i don’t want to lose her.

Please please, wag nyo ko ijudge. Cheating ba kung in a relationship ka tapos may iniisip ka na ibang tao? Tapos wala naman kaming chats sa taong iyon, pero kaibigan ko siya. Yong tipong alam ko na hindi siya romantic pero parang may ibang dating. Nagtanong yong jowa ko if may pagtingin ba ako sa taong ito, pero sinabi ko eh wala. Cheating pa rin ba iyan? O, hindi?

0 Upvotes

49 comments sorted by

20

u/stockholmxx 2d ago

micro cheater ka. sana ibreak ka talaga nang tuluyan if di mo pa masort out yan with yourself. do your gf a favor and let her have her peace na lang

-3

u/One-Seaweed9940 2d ago

so, mas magandang makipagbreak nalang ako?

3

u/stockholmxx 2d ago

yes. be honest with her. sort everything out with yourself if hindi mo talaga kaya pigilan pagkagusto mo sa isa. then makipagbreak ka na lang kasi sasaktan mo lang gf mo. sayo naman nanggaling na ayaw mo mawala siya. dapat willing ka atp na isacrifice yang friendship na yan. choose na lang OP.

saka eto ha, if gf mo ang gumawa nyan sayo, how would u feel?

-1

u/One-Seaweed9940 2d ago

About that, do u believe that sacrificing a friendship for a lover is okay? I don’t actually know, pero siguro masasaktan ako.

3

u/stockholmxx 2d ago

no syempre. pero the way you word it out kasi, at hindi pa mawala sa utak mo, do you think wala lang talaga yan? siguro explain mo na lang din sa friend mo yan. and kung totoong friend siya na walang malisya, she would understand.

1

u/One-Seaweed9940 2d ago

Salamay, i’ll try that. Pero kailangan paba talagang masacrifice ang friendship? Kahit sa anong sitwasyon?

2

u/gullible-eyes 2d ago

Kung yong friend mo ay "inaadmire" mo na and kung napupunta na sa "friendship" mo ang emotional bandwidth mo rather than your GF, YES.
Ito yong mga sinasabing temptations. Ok lang sana makipag friends pero lumampas ka na e, dapat may boundaries in making friend that would also protect your GF and relationship from emotional cheating. This is when your commitment to your GF and your ability to keep your word are tested.

1

u/One-Seaweed9940 2d ago

I always assures her na friendship lang pero naiintindihan ko na. That I should protect her, I can’t lose her. Update ako kung anong mangyayari kapag sasabihin ko na sa gf ko.

2

u/gullible-eyes 2d ago

walang kwenta ang assurance kung walang boundaries... simple lang yan e, pinipilit mo lang kasi interesado ka sa friend mo, di mo lang maamin sa self mo. Kung di mo kayang dumistansya sa "friend" mo, ibreak mo na lang GF mo, kawawa syo yong tao e. Pagka hiwalay na kayo, di ka na pressured, saka ka mag confess sa "friend" mo na lagi syang nasa isip mo and you admire her. life is too short, wag mong sayangin time ng GF mo.

0

u/One-Seaweed9940 2d ago

but sure ako friend lang talaga

→ More replies

3

u/Turbulent-Try-8247 2d ago

Ang kulit mo.

2

u/gullible-eyes 2d ago

di ba?? may pagka rin eh no

9

u/Alarmed_Mobile264 2d ago

Kawawa sayo boss. Leave your gf, she deserves better

-3

u/One-Seaweed9940 2d ago

so, better nalang ba na makipagbreak ako?

8

u/Emotional_Cut7529 2d ago

Emotional cheating na yan OP. Sayo na rin nanggaling na may iniisip kang ibang tao. The fact na nagtanong na yung jowa mo means may napapansin na sya.

-6

u/One-Seaweed9940 2d ago

May tanong lang ako, kahit ba na di ko naman sadya? Kase bigla-bigla lang eh. Pero mahal ko gf ko.

2

u/Emotional_Cut7529 2d ago

Subconciously? Like, bakit?

-3

u/One-Seaweed9940 2d ago

Biglang bigla lang na naiisip ko siya. Pero noon mukha rin kasing pinupush ng jowa ko yong kaibigan ko sakin kase yong nagseselos siya, eh wala naman talaga kase magkaibigan lang kami.

5

u/Emotional_Cut7529 2d ago

Pinupush sayo pero nagseselos sya? Baka naman sarcastic si jowa mo nun OP. Sinong may gustong ipush ang jowa nila sa iba, di ba? Same “kaibigan” ba yan?

Isipin mo rin kung bakit naiisip mo yang “kaibigan” mo. Kung gusto mong at peace ang jowa mo, iwasan mo yung “kaibigan” mo.

0

u/One-Seaweed9940 2d ago

Pero para rin kasi akong nasasakal na. Eh kaibigan lang naman talaga kami non. At yan din yong ayaw ko eh, iyong parang tinutulak nya ko palauo

6

u/caitvihelloo 2d ago

Grabe :((( If you truly love someone, you wouldn’t find yourself noticing other women or thinking about someone else consistently. Imagine if may chance kayo ng someone na yan to get together, baka youll leave you gf na with no 2nd thoughts:/

0

u/One-Seaweed9940 2d ago

Wala namang any romantic feelings involve

1

u/caitvihelloo 2d ago

Why are you thinking about her then? Anong meron? Why do you think so?

Sorry, Im not really judging you but Im curious kasi npa post kpa dito sa reddit. If wala lang, edi wala 🤷🏻‍♀️ dpat nga wala na sya sa convo ninyo ng gf mo. The fact na your gf asked you pa if may pag tingin ka sa taong yan, means something na

0

u/One-Seaweed9940 2d ago

Di ko rin alam bakit ko siya iniisip araw-araw. Pero kung iisipin ko ngayon kung yong jowa ko may iniisip na iba, masakit pala. Cheating ba talaga ang nagawa ko?

1

u/caitvihelloo 2d ago

For me, hindi nman cheating yun. If wala rn lang nman, ignore it, try not to think of her and assure mo yung gf mo na wala lamg yun and never mention it anymore. Nag aadd lang kasi yan ng overthinking tapos wala nman pala. Yan sa kakaisip mo sa taong yan and baka umabot sa point ma isip mo yung mga what ifs I think dun na yung emotional cheating (?) na yan. Good luck op!

1

u/One-Seaweed9940 2d ago

I was actually thinking about that friend for quite some time already. I want to come clean to my girlfriend, i really did feel a little bit of idk because how could i set my mind first someone else, kahit friend pa. It should’ve been her, only her. But do u think she’ll be okay?

1

u/caitvihelloo 2d ago

Do you see your friend in a romantic sense ba? I think you need to be honest to your gf, dont leave out any details. You need to decide for yourself dn kasi kawawa gf mo op :(((

1

u/One-Seaweed9940 2d ago

Wala namang romantic sense, siguro admiration lang. Natatakot ako kasi alam ko na magdedeal sya neto.

1

u/caitvihelloo 2d ago

So pumili ka na lang between that person and your gf. Mas important ang peace of mind ng girlfriend kaysa ng friend lang. Im sure hindi lang nman sya yung friend mo.

1

u/One-Seaweed9940 2d ago

Pag-iisipan ko eto. Salamat sa tulong op

→ More replies

4

u/verarubin_ 2d ago

Not cheating. You acknowledged what you feel and didn't act on it. We're humans and we get attracted to other people. Tell your gf and reassure her, period. My gf and I are both secure enough in our relationship to know that a crush is just a crush.

1

u/One-Seaweed9940 2d ago

Di ko rin masasabi na crush. Pero ito ha, gusto ko talagang malaman kung ano eh. Sinasabi nya kasi sakin na magset ako ng limits sa friend nayon pero, para sakin naglilimit ako pero para kasi sa kanya wala daw. Bakit wala, kasi it happened na nainvite ko yong friend namin papuntang isang celebration. Tapos ayon, parang tumatak sa isip nya na kahit alam ko na ayaw nya, ininvite ko pa rin. Kasi wala naman talaga eh, friend nga lang.

1

u/verarubin_ 2d ago

so what are you thinking when you're thinking about them? why did you ask us not to judge you?

1

u/One-Seaweed9940 2d ago

tbh, if im thinking about her, yong nasa isip ko ay bakit. and i ask to not judge me because i want to know perspectives and siguro natatakot ako.

1

u/MethodReasonable7755 2d ago

Agree. We don't just suddenly stop finding other people attractive or fascinating when we get a partner. Most "crushes" pass, so key is open communication.

1

u/gullible-eyes 2d ago

"may iniisip ka na ibang tao" and "may ibang dating" -- ang broad nito, dear. Paexplain nga ng todo kung anong ibig sabihin nito?
Also, paki explain na rin anong friendship meron kyo nung friend mo in detail ha?
hindi kasi namin malaman paano ka tutulungan ng effective kung di talaga namin alam ang kwento.
Kasi so far, sa kwento mo sa taas, majjudge ka talaga.
Isa pa nga pala, saang mga part ng seselos ang GF mo?

0

u/One-Seaweed9940 2d ago

Bigla lang kasing sumulpot sa isipan ko yong taong ito. Actually kilala rin siya ng gf ko, una silang nagkakilala. Ibig sabihin ko sa may ibang dating eh hindi ko rin maexplain. Di ko rin alam bakit siya nasa utak ko, kahit sa pagtulog ko. Sa totoo lang, palagi siyang nagseselos sa friend namin, eh magkaibigan lang naman tlaaga kami.

2

u/gullible-eyes 2d ago

sorry pero paki answer po yong tanong ko, di mo po nasasagot ng maayos e. Hindi ko rin tinatanong kung bakit sya nasa utak mo kasi yon nga iffigure out rin natin. hahaha!

Paki explain ito. Pagka naiisip mo yong friend mo, anu ano ang mga ginagawa nya, mo, ninyo sa mind mo? anu anong bagay na related sa kanya?

anong part nag seselos yong GF mo? Kung di mo masagot pati ito, baka busy ka kakaisip ng ipang dedepensa mo sa sarili mo pagka nag sasalita sya instead sa makinig ka.

1

u/One-Seaweed9940 2d ago

Ang masasabe ko eh, inaadmire ko siya. admiration lang. nagseselos yong gf ko kapag nag-uusap lang kami, tapos nong nainvite ko yong friend namin sa pupuntahan namin pero isang beses lang naman yon. Tapos, masasabe ko rin kasi na parehas kami ng mga gusto na mga bagay-bagay kaya madami talaga kaming napapag-usapan. Parang nakahanap ako ng tao na parehas kami ng vibes kumbaga, pero friendship lang talaga.

3

u/gullible-eyes 2d ago

Hindi mo sinasagot ang tanong ko, friend...

Pero base sa mga nabasa ko dito sa post mo at mga comments mo, emotional cheating ang ginagawa mo. Sa relationship, pagka umaabot ka na sa punto na "inaadmire" (aka crush) mo na ang isang kaibigan at lumalampas ka na sa boundaries ng relationship nyo (nag seselos na ngani, pinipilit mo pa), emotional cheating na yan. Yong closeness, time at attention na dapat sa partner mo, binibigay mo na sa iba, emotional cheating na yan.

Wag na nating lokohin ang sarili natin sa paglalagay ng "friendship" label lang. kung crush mo at sa tingin mo masaya ka sa kanya dahil compatible kyo, own it.

lastly, sino ba talaga ang ayaw mo mawala sa dalawa?

1

u/Crayolaxx 2d ago

I don’t think it’s cheating, pero it sounds like you’re kinda crushing on the girl. Once na-rerealize mo your crush towards her, its best if you distance yourself. Base from your answers, parang you dont want to label what you have for her as a crush, pero di mo ma explain, pero you think about her everyday.

So ganito, if you would rather keep talking to this girl, then before it turns into cheating, you should end things with your gf. Pero if ayaw mo talaga ma end kayo ng gf mo now then its best na you distance yourself to the point na you wont think about this friend everyday.

See it like this, if your girlfriend told you na she thinks about another woman everyday, and you ask her if may crush siya, and your gf keeps saying “idk how to explain” then how would you feel? Would you want your gf to distance herself from this girl? How would you want her to distance? Yan lng gagawin mo.

1

u/One-Seaweed9940 2d ago

Admiration lang naman, pero cheating ba kung naiisip ko siya palagi. Tsaka currently live-in kami ng gf ko ngayon,

1

u/Crayolaxx 1d ago

Bat mo nga naiisip siya palagi??? OP alam mo na sagot nito, no use to act bobo. D mo nga kayang sagutin kung ano mararamdaman mo pag yan ginawa ng gf mo sayo