Grumaduate ako nung June and started applying on and off nung August. Recently, nagka-offer ako ng Job Order sa isang manufacturing company, at related naman talaga sa course ko yung work. Pero may target company kasi ako and nakapasa na ako sa assessment, kaso by March pa ata magbubukas yung slot para sa role na in-apply-an ko. May dalawa akong options ngayon: una, i-accept tong J.O. at mag-resign after ng 6-month probation; pangalawa, i-take yung interview para sa university instructor position, kung saan magtuturo ako sa course ko for the whole 2nd semester. Hindi siya permanent, kaya mas madaling makaalis.
Gusto ko sanang i-consider na i-accept at magtagal talaga dun sa nag-o-offer ng J.O., kaso nung nag-apply ako dun, ang dami kong napansing red flags. First of all, pinapunta kami nang 9:00 AM at naghintay kami sa lobby nang two hours. After that binigyan nila kami ng 200-item logic and common knowledge exam, tapos iniwan na kami. After naming ipasa yung exam, naghintay ulit kami nang isang oras bago ako na-interview. Sa umpisa, basic questions tungkol sa sarili ko at kung paano ko i-ra-rate yung skills ko ang tinanong. Pero bigla akong tinanong kung ano raw ang sexuality ko o saan ako mas leaning. Nung clinarify ko na hindi ako sure sa sexuality ko dahil wala naman akong experience sa relationship nor dating, bigla niyang kinwento yung isa nilang employee na apparently part ng LGBT, nanakipag-jowa sa co-employee niya, at na-brokenhearted daw nang husto. Kesyo ayaw niya daw ng ganung circumstances, at lagi niyang sinasabi na baka raw gawin ko lang siyang stepping stoneβwhich is kind of true naman, since I can't see myself staying there for long.
Hindi ko alam kung kukunin ko ba yung J.O. o ita-try ko yung interview para maging instructor sa university, kahit hindi pa sure kung makakapasok ako dun. Gustong-gusto ko talagang mapunta sa company na hinihintay ko kaya nag-aantay ako sa kanila, kaso ang tagal pa kasi ng opening nila kaya naghanap muna ako ng alternative.