r/PinoyWattpad • u/cranberriesncream_ • 19h ago
Discussions sakit ng famous authors: parang bawal mapagsabihan?
Bakit kaya may ibang sikat na authors na kapag binigyan ng constructive at factual correction, imbes na magpasalamat na lang and address the mistake, kailangan pang magdefend na ah I know the difference, matagal ko nang pinag-aaralan to sabay hanap ng palusot?
Context: May dumaan kasi sa fyp ko na post ng isang kilalang author. Tapos may nagcomment na professional from the medical field at author din. Honestly speaking, insightful ang comment at mukhang alam talaga ang sinasabi. Sa kaniya ko mas naintindihan yung difference.
Pero ang sagot ng sikat na author: alam daw niya yung difference, matagal na raw niyang pinag-aralan yun, at formatting preference lang daw yung mistake.
Willing magcommit ng misinformation para sa formatting style? Nag-edit pa ng caption pagkatapos kasi mukhang may mali talaga?
Paalala lang naman to. Sa mga umuusbong na writers or the current ones in the industry, kapag galing na sa professional, sana naman magpasalamat na lang kayo. At least, nakatipid kayo ng oras kesa kayo mahilo sa research jan.