r/ProudEnvergan • u/chingchangfuencepda • 22h ago
CIHTM
Grabe naman talaga sa CIHTM. Isang event lang ang hindi mo naattendan , INC agad? Hindi ba pwedeng magkaroon man lang ng consideration sa mga estudyanteng may kanya-kanyang dahilan kung bakit hindi nakaka-attend?
Sunod-sunod ang mga event na ipinapagawa, at hindi rin biro ang gastos na kailangan ilabas ng bawat estudyante. Parang hindi na isinasaalang-alang kung kaya pa ba ng bulsa ng mga estudyante ang paulit-ulit na bayarin. Nakakapagod na nga sa oras at effort, dagdag pa ang gastusin. Tapos kapag may isang event lang na hindi ka napuntahan, INC agad ang kapalit?
Sana naman maintindihan din ng mga prof na hindi lahat ng estudyante ay may kakayahang gumastos sa bawat event. Education should not feel like a financial burden. Dapat may consideration, hindi puro requirements at penalties. Estudyante rin ang dapat intindihin, hindi puro pagsunod na lang ang inaasahan.