Hi mga OP! Share ko lang yung experience ko for the past few years, lalo na yung mga recent happenings sa current employer ko.
I’ve been with the company for 4 years na. Currently, parang Team Leader yung role ko—hindi siya part ng isang specific program, more like a company initiative para ma-retain yung mga agents at ma-improve yung employee experience nila. Dati, mahal na mahal ko yung work ko kasi nakakatulong ako sa mga newbies at tenured agents sa mga issues na hindi naso-solve ng ops. Kami yung nagsisilbing bridge across all departments.
Pero last year until this year, sobrang nakaka-drain na to the point na ayaw ko nang pumasok. Pag nasa office ako, wala na akong gana—yung mga basic tasks na lang ginagawa ko, tapos yung iba pinagpapabukas ko pa.Ang problema kasi, naghe-help out na ako sa mga "extra-curricular" ng ops kahit labas na sa trabaho ko. Wala akong choice kundi gawin, kahit hindi naman yun yung pinirmahan ko.
Ni-raise ko na 'to sa previous at current manager ko. Sinubukan naman nilang i-address—nag-send pa nga ng email clarifying my exact role and JD—pero at the end of the day, ganun pa rin. Paulit-ulit pa rin yung utos na labas sa scope ko, kaya ang ending, napapabayaan ko na yung mga actual tasks ko.
May time na sinubukan kong humindi at sundin lang yung JD ko, pero bigla naman akong pinag-initan. Biglang nagkaroon ng daily meetings at micromanagement sa mga outputs ko, tapos tambak ng projects. Okay lang naman sana yung maraming projects, pero minsan ramdam mong sinasadya na lang talaga para hanapan ka ng butas at mapagalitan.
To make things worse, may mga times na nagiging personal assistant (PA) pa kami ng isang director—tagabili ng kape, tagabili ng Terea, hahaha. Walang "thank you" or any appreciation man lang. Parang nag-e-exist ka lang para utusan nila.
Ngayon, hindi ko alam kung magre-resign na ba ako. Help me decide, guys. Gusto ko na talagang umalis,pero nanghihinayang din ako kasi kung tutuusin, sobrang dali lang ng core work ko—kayang tapusin ng 4 hours sa isang upuan tapos chill na. Kaya lang, ubos na talaga yung energy at motivation ko. Should I stay or time to move on na? Wala ring dagdag sa sahod like one time 500 pesos nadagdagan ako and puro dispute din yung incentives like until ngayon di ko pa nakukuha.