Nakita ko sa carousell, lowest price ng item as in too good to be true. Pero sinubukan ko kausapin. Taga Zamboanga daw sila at yung asawa daw niya ay Doktor. Yung item daw kaya mura ay dahil sa freebies daw ng mga MedRep which happens naman talaga.
Ang mode of transaction, ipapadala daw muna niya sa DHL, tapos upon arrival pupuntahan ko muna para iinspect yung item then saka ko babayaran yung phone. May ganong mode of delivery daw ang DHL.
Tunog kaakit akit kasi secured. Magaling magsalita si Kumag as in professional pakinggan at yung english niya may accent. Kaya aakalain mo talagang di niya kailangan yung item.
Lumipat kami sa messenger, send ng actual photos daw also his IDs at dun ko na stalk yung lalaki.
Di naman sa pagiging judgemental, pero yung itsura niya parang hindi makakabingwit ng Doktora, even yung asawa niya na kasama sa pictures e hindi naman mukhang ganong level ng Professional. 😅
So sinabi ko, sige po idiscuss ko lang muna sa partner kuno ko yung gagawin at usap nalang until magdeal na.
Tumawag ako sa DHL at kinonform yung ganun scheme nila ng delivery, wala daw, at hindi naman daw sila nag sship locally, puro outside daw, in and out.
Nagiging sketchy na para sakin kaya ginoogle ko na yung seller
Pangalan sa fb
Rj Somar Otsenre
Sinong nasa pamilya ng professional ang ganyan magpangalan sa fb.
Ernesto Ramos Jr
Nakita ko sa linkedin mga photos pa niya, see attached
Hours later tumawag siya uli gamit ibang number. Di niya alam nag bbrowse na din ako sa carousell ng iba pang seller na around price range niya, yung number na nakalagay sa posting yung pangalawang number na pinangtawag niya.
This time, naniniwala na ko sa gut feel ko na scammer talaga ito, so nagbusisi pa ko.
Nakita ko din instagram page niya na may isang photo na nakapost, ibang tao binata na post ng convo nila tapos nakalagay yung number nung binata.
Tinawagan ko, at kinuwento ko yung tungkol sa item. Sabi nung binata, scammer nga daw. Ang modus papabayaran muna yung shipping fee bago daw ipadala, 3k-5k. Biktima daw siya. Tulad ng spiel niya sakin, na taga Laguna daw siya noon na lumipat na sa Zamboanga at ididispose lang ang iphones.
Sinearch ko din online yung mga numbers na ginamit niya pang tawag. May lumabas na posting sa facebook about sa bumibili ng sirang aircon etc sa Laguna parang weeks ago lang at ang contact number ay yung pinangtawag niya, at may address pa.
Nakita ko sa google maps yung street, pero yung exact bahay hindi ko matrace kasi labo labo yung numbering ng bahay.
At noong nakakuha na ko ng mga detalye, dun na ko rumesbak hahah.
Minessage ko yung ibat ibang account niya sa carousell using a dummy, nasindak din naman kasi nag deactive
Ingat kayo sa gantong modus. Maging mabusisi.
Too good to be true naman talaga, sadyang madami lang akong oras para abalahin siya. Ahhahaha