r/SmallBusinessPH • u/command_thought614 • 20h ago
Job Posting Hi, Sir. If you're here, I hope you get to see and read this message.
I'm feeling really down right now. Galing pa akong mabalacat pampanga para sa job opportunity na in-offer sa akin, only to find out na hindi pala sisipot yung maghire sa akin. Sabi niya susunduin niya ako sa bus station dito sa manila, pero hindi siya nagpakit
I'm so tired and depressed from looking for a job. I badly need to work because I have responsibilities and financial obligations na kailangan kong bayaran. Kakalaya ko lang from jail, and may settlement agreement kami ng complainant ko na kailangan kong bayaran monthly. I'm committed to fulfilling that agreement, kaya kailangan ko talagang makahanap ng trabaho as soon as possible.
Ang mas nakaka frustrate, kulang na kulang yung pamasahe ko pauwi. Akala ko okay na kasi nag usap na kami through video call. Tinanong na niya lahat ng kailangan niyang malaman about me, and I was completely honest about my current situation. Wala akong tinago sa kanya. I genuinely thought everything was settled and that I finally had a chance to work again.
Naglakad lakad na lang ako around manila, trying to figure out kung ano ang gagawin ko next. Gutom na rin talaga ako ngayon. Hindi na ako nakakain bago umalis kasi pinagkasya ko na lang yung natitirang pera ko para sa pamasahe at iba pang expenses sa biyahe. I thought enough na yung budget ko para makapunta dito at maayos yung job opportunity, pero hindi ko rin expected na ganito ang mangyayari. Now I'm dealing with hunger, exhaustion and the stress of not knowing how I'll get home. Ang hirap pala kapag pati basic needs mo kailangan mong tipirin dahil limitado na lang yung resources mo.
At this point, I don't know where to go or kung sino pa ang lalapitan ko. I even tried asking some of my friends kung puwede akong makahiram ng kahit kaunting pera, pero unfortunately, walang nagpahiram sa akin. Some of them told me na may mga kailangan din silang bayaran and they also need money for their own expenses. I understand naman na may kanya kanya rin silang responsibilities.
It took a lot for me to set aside my pride and ego just to ask for help. Hindi ako sanay na lumalapit sa ibang tao para manghiram, and it's really difficult for me to put my pride aside. Pero dahil sa situation ko ngayon, kailangan kong lunukin yung pride ko at magpakumbaba. Ang hirap lang kasi kahit nagawa ko nang gawin iyon, wala pa rin akong malapitan.
Ang mas nakaka stress, wala na akong enough money, even for my fare pauwi. Kulang na kulang yung pamasahe ko pabalik, and hindi ko na alam kung saan ako kukuha. I'm stranded here in manila, hungry and exhausted, trying to figure out how I can get home. Never thought I'd find myself in this kind of situation.
I'm just trying my best to get back on my feet and start over. Hindi naman ako naghahanap ng special treatment or an easy way out. Gusto ko lang magkaroon ng decent and stable job para masuportahan ko sarili ko, ma fulfill yung responsibilities ko, mabayaran yung obligations ko, and slowly rebuild my life.
I'm willing to do whatever it takes para makapag move forward. I just hope someone would give me a fair opportunity to work and prove na kaya kong tumayo ulit sa sarili kong mga paa.
Ang hirap maging positive kapag ginagawa mo naman lahat ng makakaya mo pero parang walang nangyayari. I'm not asking anyone to solve my problems for me. I just need an opportunity to work and a little chance to start again.
Sobrang depressing ng situation ko ngayon. Nakaupo lang ako, tulala, hindi alam kung saan magsisimula or kung ano ang susunod na gagawin. Ang daming tumatakbo sa isip ko, pero parang wala na akong energy para mag-isip pa. Pagod na ako physically, emotionally, and mentally. I just wish things would get better kahit paunti-unti. I really need a break from everything that's happening.
