r/Trentahin • • 21h ago

Seeking Advise 31 and i don't know what do

1 Upvotes

Unemployed na ako nang isang taon at siyam na buwan at hirap pa rin akong makahanap ng trabaho. Ilang beses na akong nag-apply at marami na akong napasahang resume, pero hanggang ngayon ay bigo pa rin akong matanggap.

Nagsimula ang lahat ng ito noong namatay si Papa. Akala ng iba ay okay at masayahin lang ako, pero ang totoo, sobra akong nalulungkot at pakiramdam ko ay tinamaan na ako ng depresyon noon. Halos unti-unti na akong kinakain ng kama, at minsan ay hirap na akong kumain.

Sinusubukan ko namang tumakbo at mag-exercise, pero minsan ay lumalaban ang depresyon at paulit-ulit akong nagre-relapse. Lalo pang nagpapabigat ang kalahating milyong utang ko na hindi ko mabayaran dahil hirap akong makakuha ng trabaho.

hihingi sa na ako advice sa inyo di ko ma vent sa parents ko kase kung ano sabihin nila


r/Trentahin • • 10h ago

Share ko lang. Kamusta ka today?

Post image
38 Upvotes

r/Trentahin • • 18h ago

Share ko lang. Mag beach kami tomorrow sana hindi ma-anxiety poops!

4 Upvotes

After so many months, bukas lang ulit makaka-gala

Problema ko pa naman anxiety poops tuwing may long travel na nakasakay sa van!

May mga trentahin din ba dito na same prob haysssss


r/Trentahin • • 20h ago

Share ko lang. Am I way in over my head, or is this talking stage genuinely exhausting?

Thumbnail
gallery
32 Upvotes

I’ve known this girl for years, but more as an acquaintance. She’s always been vocal about her interest in me, but I was dating someone back then. Recently, she reconnected with me, and since I’m single, I thought, why not give it a chance?

Two weeks pa lang kami nag-uusap, pero gusto na agad niyang maging kami. She brought up her age and how she doesn’t want to waste time anymore. Understandable naman, but I want things to develop naturally. I was very clear about that from the beginning.

The problem is, I don’t really feel attracted to her. Ang hirap sabayan ng train of thought niya, hindi kami magka-wavelength sa humor, and somehow, our conversations always circle back to how many men are chasing her, how attractive they find her, and how she supposedly doesn’t understand why. Mejo nayayabangan din ako cos’ she always has to lift herself up everytime we talk, like she always tells me magaling sya magbasa ng tao and how she can tell a lot about a person and their intentions, too many instances that she comes off too strong and full pf herself. Baka kasi sobrang tagal na nya sa US she’s coming on like a real “karen” or MAGA. And when I joked about it, hindi nya ako nagets. So ewan ko din. 🙄🙄🙄

Even her texting style throws me off. Hindi naman ako grammar police, and I don’t measure someone’s intelligence by their English or spelling. Pero iba rin kasi when you can connect with someone’s wit, humor, and depth of conversation. Hindi ko talaga mahanap ’yon sa kanya. Kayo na magjudge sa screenshot kung ako lang may problema with the way she chats. Tapos there are times biglang straight english which I know for sure is chatgpt kasi ibang level ang transition pang IELTS topnotcher.

I still gave it a chance because baka naman I’m being too picky and there’s more to her beyond the surface. Pero ilang days pa lang, whenever I take longer to reply, biglang may mga cryptic posts sa My Day niya about priorities, effort, and communication that seem directed at me. We even had lengthy conversations about boundaries, loyalty, and commitment, considering we’re not even together. Baka may work din ako and I also run a business and non negotiable tlga ang ME time ko.

I already told her that this might not be working for me. She apologized and wanted to give it another shot, but personally, parang ayoko na talaga. I’ve worked so hard to protect my peace, and I don’t want to compromise it for something I’m not genuinely invested in.

Tapos makikita ko na lang publicly posting siya about how much she misses me, complete with my initials. Instead of feeling flattered, I just feel awkward and cringe. Parang 1 week lang tayo naguusap we haven’t even seen each other yet since she works in the US, so basically nagcchat lang kami and 2028 pa ang plan nya umuwi ng pinas.

Ewan ko ba. I’m not posting this to flex na may babaeng naghahabol sa akin, tapos ang arte ko pa. Maybe I’m too picky, or maybe we’re just genuinely incompatible.
Her affection isn’t necessarily wrong. I guess I’m just not the right person to receive it. Kasi kung gusto ko talaga siya, I imagine some of these things would make me feel kilig instead of uncomfortable.

I’ll talk to her and end things respectfully. She deserves someone who genuinely reciprocates her feelings, and I don’t want to pretend to be that person.

Gusto ko lang talaga mag-vent. Don’t judge me too hard, Reddit pips. Lol.


r/Trentahin • • 6h ago

Share ko lang. You're the man💯❤

Post image
21 Upvotes

r/Trentahin • • 16h ago

Share ko lang. birthday test ni Lord saakin

9 Upvotes

Chika lang

Kanina nag punta ako sa resto para mag take out ng food. Pag bukas ko ng pinto, bungad kaagad sa akin ay 3 guys who were in their post workout clothes, may malapit kasing gym doon. ako na mahiyain ay napayuko bigla at dumiretso sa counter para mag order but I can tell that they were all tall and fit. face card? no idea kasi after ko mag order, nakayoko lang ako and I grabbed the nearest chair at umupo talaga ako ng nakatalikod sa kanila. I don't want to bother which made me realize na nothing has changed. I'm still as shy as I used to be.

But then, here comes the plot twist. While I was waiting for my order, another guy came in. Nakita ko lang sya because my table was nakaharap sa counter so to be exact, likod nya lang nakita ko. Edi scroll scroll lang ako ng phone. Nung palabas na ako kasi nabigay na food ko, gulat ako kase andun sya sa labas about to enter his car. Akong na eng eng biglang napaupo ulit na alam mo yung pag nagkatinginan kayo bigla ng crush mo tapos biglang tago ka? I fidgeted for a few seconds with my phone kasi inaantay kong makaalis sya but napaisip ako, bakit ako nagtatago? baliw.

So I went out without another glance and umuwi na din. But you know what? Nung nagkatinginan kami, may mind was like, shit this guy is handsome and tall and I can tell na he is suplado. luh. e di quits lang kami. but so what, right? but nakatingin lang din sya sakin. Why won't he break eye contact? So I did na lang.

anyway, pag uwi ko, natawa na lang ako. I realized, tinetest yata ni Lord yung order of priorities ko. Minsan talaga nasa harap mo na pero di mo pa makita. Oh well, at least alam na ni Lord na seryoso ako. yes po, ang tagal ko na po syang hinihintay yung taong ginawa nyo para sakin pero naka focus po ako ngayon sa sarili ko.

what are the odds na magkrus ulit landas nmn? slim unless na lang pag nag take out ulit ako ng food ay nandun nnmn sya. meaning, malabo.

pero ganon pa man, salamat sa encounter na yon. as a trentahin na wala ng crush, binigyan ako ng eye candy ni Lord.

I therefore conclude na napaka isnabera ko pa rin talaga. happy birthday self, wag ka ng magtaka ha.


r/Trentahin • • 8h ago

Question Gift for Titos & Titas na rich but on a budget?

10 Upvotes

I have in-laws na lagi akong nahihirapang magregalo kasi lahat sila ay rich. And madami sila. So kahit afford naming mag gift, dahil madami sila, masakit siya sa bulsa.

This year wala pa rin akong idea anong pwedeng ibigay sa kanila na worth ₱1,500 at max per head.

All of them are between 30-40s na.

Previous years we have given them:
- Matching Pyjamas
- For Men: Travel Watch Holder, Electric Hair Clipper, Electric Wine Opener, Gym Bags
- For Women: Dior Makeup, Bag Organizer, Makeup Brushes,

Ginagawa ko isa na lang gift idea per gender. Kaya lang ngayon nauubusan na ako ng ideas. Pahingi naman 😭


r/Trentahin • • 17h ago

Share ko lang. Bakit gising ka pa?

29 Upvotes

Ako yung naka 9hrs sleep nung isang gabi. Langya, binawi agad e! 2 nights na akong hindi nakakatulog ng maayos. Kayabangan kasi 😑


r/Trentahin • • 9h ago

Share ko lang. Just a simple reminder.

Post image
13 Upvotes

r/Trentahin • • 9h ago

Share ko lang. Something about this 40ish Guy

15 Upvotes

So let me start by saying thank you to that Redditor who posted about car fun chenes. 😂 Because, well, that’s how I ended up meeting this guy.

We instantly vibed, had an amazing connection, and honestly, one of the best sexual experiences I’ve had. What really got me was how he could go from being dominant to incredibly gentle. That switch? Definitely a turn on. He knew how to take the lead but also knew when to slow down, be affectionate, whisper sweet things, and make me feel desired.

I have to say, there’s something about men in their late 30s or 40s. They’re often more mature, have substance when you talk to them, know how to be sweet, and somehow make you feel comfortable. Of course, I’m not generalizing. Maturity isn’t necessarily defined by age.

But lately, I’ve realized that I’m becoming more attracted to men in their late 30s to 40s. Maybe it’s the confidence, the conversations, the gentleness, or simply the way they carry themselves.

Kayo ba? Do you also find yourselves becoming more attracted to men in their late 30s or 40s? Or is it just me? 😂

Just sharing a little unexpected discovery. Haha. 😉


r/Trentahin • • 16h ago

Share ko lang. May peace finds us before the year ends

21 Upvotes

May the remaining days of 2026 be gentle. May nothing break our peace, no unexpected storms come our way, and may we end this year with grateful hearts, peaceful minds, and the hope of a beautiful beginning. 🤍


r/Trentahin • • 20h ago

Question As a trentahin, ano ang pinaka comfortable kayong brand ng running/rubber shoes? Yung maka 10k steps ka pero okay pa din.

32 Upvotes

Sketchers ang currently comfortable ako so far, pero kung may masasuggest kayo, why not try ng iba 🤗


r/Trentahin • • 11h ago

Share ko lang. As a trentahin🙈

Post image
65 Upvotes

r/Trentahin • • 20h ago

Share ko lang. forever grateful✨🙌🏼

Post image
315 Upvotes

r/Trentahin • • 5h ago

Share ko lang. I turned 30

Post image
364 Upvotes

Dati, akala ko kapag 30 ka na, figured out mo na ang buhay. Alam mo na kung anong gusto mo, saan ka papunta, at kung sino ka talaga. Pero ngayong nandito na ako, parang ngayon pa lang talaga ako nagsisimula. And surprisingly, I’m enjoying it.

At 30, I’m learning to love myself more.

Ang saya palang mas kilalanin ang sarili mo. Malaman kung ano talaga ang nagpapasaya sa’yo, kung ano ang mahalaga sa’yo, kung ano ang deserve mo, at kung ano ang hindi mo na kailangang ipilit. Natututo akong piliin ang sarili ko nang hindi nakakaramdam ng guilt, magpahinga nang hindi kailangang magpaliwanag, at tanggapin na hindi ko kailangang maging everything for everyone.

Hindi ko pa rin figured out ang buhay. Pero siguro, hindi naman talaga iyon ang point ng pagtanda. Mas gusto kong ma-enjoy ang proseso ng pagkilala sa sarili ko habang patuloy kong minamahal ang mga tao at mga bagay na nagbibigay-kulay sa buhay ko.

Akala ko dati, by 30, I should have it all figured out. Yun pala, I’m only getting started.

Here’s to being 30, to becoming, and to all the beautiful things that are yet to come. 🥂


r/Trentahin • • 19h ago

Venting and/or Yearning Notes from the bus ride home

36 Upvotes

On the bus ride home tonight, I overheard an older woman on the phone. She’s asking the person she’s talking to (maybe her husband or son) to meet her at their usual spot. She jokingly complains about her exhausting day and how hassle the traffic is, while eagerly talking about how she just wants to go home and eat with them.

Sitting there as a 30 year old woman, I felt the weight of how I’m too tired, and honestly, too scared of starting over after my long term relationship ended earlier this year. A huge part of me has already resigned to the idea that I may never find my person and build a family.

Seeing the warmth of human connection through others, yet failing to truly experience it myself, is harrowing. Having someone to go home to. Having someone to build a life with.

Tonight feels lonelier. Emptier.


r/Trentahin • • 15h ago

Seeking Advise 30 years old na ayaw mag asawa at mag anak

Thumbnail reddit.com
1 Upvotes

r/Trentahin • • 20h ago

Venting and/or Yearning The hardest part wasn't losing him. It was finding out who he really was.

16 Upvotes

I recently ended my relationship, and finally, nalaman ko na rin yung katotohanan tungkol sa taong minahal, inalagaan, at pinagkatiwalaan ko for almost half of my life.

For the past few weeks, I’ve been seeking professional and spiritual help. Ang daming tanong na gumugulo sa isip ko. Ang daming pagkakataon na sinisi ko yung sarili ko at inisip kung saan ako nagkulang.

Sinubukan kong magkaroon kami ng final closure dahil gusto kong malaman lahat-lahat ng totoo. Ewan ko, ganito kasi talaga ako. Gusto kong malaman ang buong katotohanan kahit gaano pa kasakit dahil naniniwala ako na ito yung magpapalaya sa akin. Mas gugustuhin ko pang masaktan sa katotohanan kaysa mabuhay na maraming unanswered questions.

Hindi siya pumayag na magkita kami in person, pero nag-reply siya sa chat ko at finally, sinabi niya yung mga bagay na matagal niyang itinago sa akin.

Nung unang beses kaming naghiwalay dahil sa ibang babae, on our third year of being together, hindi raw sila nagkatuluyan dahil umuwi sa probinsya yung babae at pinili ang pamilya niya. Inamin niyang bumalik siya sa akin dahil malungkot siya nung mga panahong iyon at sigurado siyang tatanggapin ko ulit siya.

Nagkabalikan kami at tumagal pa ng 10 years ang relationship namin. Buong akala ko pareho na naming nalampasan yung nangyari noon. Pinilit niyang makuha ulit yung tiwala ko. Binigay niya pa lahat ng passwords sa accounts niya para raw sa peace of mind ko.

Hindi ko alam na yung pagbabalik niya pala sa akin ay hindi dahil ako talaga ang pinili niya, kundi dahil alam niyang tatanggapin ko siya.

Naging confident ako na hindi na niya uulitin yung ginawa niya noon dahil may access naman ako sa accounts niya.
Pero after 10 years of being together again, ngayon ko lang nalaman na hindi pala talaga naputol yung communication nila. Sa ibang messaging app pala sila nag-uusap nang wala akong kaalam-alam.

Naging takbuhan daw nila ang isa’t isa kapag may problema sa buhay. Nag-uusap, nagvi-video call, nagko-comfort sa isa’t isa, at pinag-uusapan pa nila yung panghihinayang nila na hindi sila nagkatuluyan.

Nag-confess din siya na mahal pa rin daw niya yung babaeng yun, pero bilang kaibigan na lang. Eventually, naging casual na lang daw yung communication nila. Nagbabatian sila tuwing birthday. Wala lang daw sa kanya yun dahil wala naman na raw siyang balak balikan yung babae.

Tuwing may problema yung babae sa boyfriend niya, mine-message pa rin daw siya nito at kino-comfort naman niya.

Ang hindi ko maintindihan, kung wala lang pala sa kanya lahat ng yun, bakit kailangan niyang itago sa akin? Knowing na yung babaeng yun mismo ang naging dahilan ng unang paghihiwalay namin at alam niya kung gaano ako nasaktan noon.

Whenever I expressed my discomfort tungkol sa babaeng yun, ako pa yung lumalabas na sobrang selosa at walang tiwala. Hindi pa ba raw ako masaya na bumalik siya sa akin?

Pinagdudahan ko pa yung sarili ko kung unreasonable ba talaga ako. Yun pala, may dahilan naman pala yung nararamdaman ko all those years.

Imagine, 10 years kong inakalang pareho naming piniling mag-move forward mula sa nangyari noon, yun pala patuloy pa rin niyang pinapanatili yung connection niya sa mismong babaeng naging dahilan ng unang paghihiwalay namin.

Sa loob ng sampung taon, pinagkatiwalaan, minahal, inalagaan, at dinamayan ko siya sa mga problema niya sa buhay. Hindi ko alam na may iba pa pala siyang taong tinatakbuhan. Habang ako, buong akala ko pareho naming piniling ayusin at ipaglaban yung relationship namin.
Inamin din niya na matagal na raw may kulang sa nararamdaman niya para sa akin, kaya naghahanap siya ng ibang babaeng makakausap. Hindi lang pala yung babaeng yun. Nakikipag-usap din pala siya sa ibang mga babae, naghahanap ng kung ano mang pakiramdam na hindi niya raw nakukuha sa akin.

After 13 years of being together, kinukwestyon pa rin pala niya kung ako ba talaga yung gusto niyang makasama habang buhay.

Nung nakipaghiwalay siya, sinabi niyang kailangan niyang harapin mag-isa yung mga problema niya. Hindi na raw niya nakikita yung future niya with me at hindi ko raw siya deserve.

For weeks, sinisi ko yung sarili ko. Iniisip ko kung saan ako nagkulang, kung may mga bagay ba akong dapat ginawa, at kung may pagkakataon pa sana na maisalba namin yung relasyon.

Naawa pa ako sa kanya dahil akala ko sobrang bigat lang talaga ng mga problema niya sa buhay. I even went to different churches to pray for his healing and peace of mind.

Hindi ko alam na habang iniintindi ko siya at ipinagdarasal na maging okay siya, ang dami pala niyang bagay na itinatago sa akin.

Hindi ko akalain na meron pala talagang ganitong klaseng mga tao. Yung kayang panatilihin ang connection nila sa isa’t isa sa loob ng maraming taon kahit may kanya-kanya silang partner. Tapos kaya pa nilang i-justify na friendship lang naman daw yun.

Hindi ko maintindihan kung paano nila nagawang makipagrelasyon sa ibang tao habang patuloy nilang pinapanatili yung ganung klaseng emotional connection sa isa’t isa. Hindi ba nila naisip kung gaano kasakit yun para sa mga partner nila?

Kung wala lang talaga yun, bakit kailangang itago? Bakit kailangang magsinungaling? Bakit kailangan pang palabasin na ako yung sobrang selosa?

For me, hindi na simpleng friendship yun. It was an emotional affair and a betrayal of trust.

Hindi ko akalain na yung mga ganitong kwento na nababasa ko lang dati, mararanasan ko rin pala mismo sa sarili kong buhay.

Hindi ko sinasabing naging perfect akong partner. Alam kong may mga pagkukulang din ako. Pero sana kinausap niya ako. Sana naging honest siya sa akin. Sana binigyan niya ako ng pagkakataong maintindihan kung ano yung mga problema niya sa relasyon namin.

At kung hindi na talaga siya masaya, sana matagal na niya akong pinakawalan kaysa hinayaan niya akong mag-invest ng sampung taon pa ng buhay ko sa relationship na akala ko pareho naming pinapahalagahan.

I deserved to know the truth. I deserved to have the choice kung gusto ko pa bang manatili sa relasyon knowing everything he was doing behind my back. Pero pinagkaitan niya ako ng pagkakataong yun.

Hindi ko akalain na ganitong klaseng lalaki pala yung sinamahan, minahal, at pinagkatiwalaan ko nang 13 years. Yung taong ilang beses kong pinatawad at binigyan ng pagkakataong magbago, patuloy pa rin palang gumagawa ng mga bagay na alam niyang makakasakit sa akin.

Ang nakakapagtaka, pagkatapos kong malaman lahat ng ito, iba na yung nararamdaman ko. Mas nangingibabaw na ngayon yung galit at disappointment sa lahat ng ginawa niya sa akin. Pero kasabay nun, ang gaan din ng pakiramdam ko.

Hindi ko pinagsisisihan na pinilit kong malaman ang katotohanan. Masakit, pero ito pala talaga yung kailangan ko para matigil na yung pagsisi ko sa sarili ko.

Hindi na ako umaasang magkakabalikan kami. Hindi na rin ako naghihintay na magbago siya o bumawi sa akin. Wala na akong gustong ipaglaban sa relationship na iyon.

Nagpapasalamat pa rin ako na nalaman ko ang katotohanan bago pa kami ikasal at bumuo ng pamilya.

Hindi ko na mababawi yung 13 years, pero ayoko nang magsayang pa ng kahit isang taon ng buhay ko para sa kanya.

Alam kong hindi magiging madali ang healing process ko. Ang unfair lang na ako ngayon yung kailangang mag-seek ng professional help at mag-heal mula sa epekto ng mga desisyong hindi naman ako ang gumawa.

Pero gusto kong mag-heal nang maayos. Ayokong dalhin yung trauma na iniwan ng relationship na ito sa susunod na chapter ng buhay ko. Ayokong hayaan na yung mga ginawa niya ang magdikta kung paano ako mabubuhay at magtitiwala ulit.

Marami pa akong pangarap para sa sarili ko. Marami pa akong gustong gawin, matutunan, at puntahan. This time, hindi ko na kailangang isantabi yung mga gusto ko sa buhay para sa ibang tao.

Hindi man ito yung ending na pinangarap ko para sa 13-year relationship namin, nagpapasalamat ako na may pagkakataon pa akong magsimula ulit.

Totoo pala talaga yung the truth will set you free.

Finally, malaya na ako.


r/Trentahin • • 6h ago

Share ko lang. Be blessed and be a Blessing 🙏

Post image
13 Upvotes

r/Trentahin • • 21h ago

Share ko lang. Kakwentuhan

6 Upvotes

35m, kausap, kausap na lang hahaha, ka kwentuhan, ka-kumustahan, sa panahon ngayon at this age ang hirap na makipag date hahaha, hindi nako nag hahanap, kausap na lang para hindi mabaliw 🤣