r/WheninElyu • u/GorgeousWonu • 1h ago
General Talk Tuna Poisoning sa sikat na resto sa Elyu
Since one year na naman nakalipas, I would like to warn everyone who goes to this known resto sa elyu na “malinis”.
We went there around Sept 2025 and almost all of us ordered this Grilled Tuna Belly. Yung isang sister ko lang ang umorder ng signature dish nila kaya hindi siya kasali sa mga nabiktima. Natapos namin ang meal before lumabas ang reaction sa katawan namin. My nephew was shivering agad and sadly the staff failed to assist us kahit na alam na nahihirapan na huminga and halos mag-faint na yung pamangkin ko who was only fifteen years old. Since siya lang naman may severe symptom, pinauna na namin sila ng parents nya sa nearest hospital. To note, we were not escorted papunta sa hospital. Itinawag lang kami ng trike para maisakay na yung pasyente namin then that’s it. Me, my other sister, and seven-year old nephew then decided to get the number of the staff since nakakatakot na ang nangyari and obv wala silang maayos na assitance samin kahit na ganun nangyari. Ayun, kahit na pinagsabihan kami ng eldest namin na mauna nalang kami sa hotel, we decided na mag-antabay nalang sa kanila at sumunod nalang sa Lorma. Akala namin malakas lang reaction sa katawan ng isa kong pamangkin but lo and behold, after fifteen minutes, kami-kami rin ay namula at nahirapan huminga. Pasalamat pa kami na naghati pa yung ate ko at yung bata kong pamangkin sa isang order kundi mas malala siguro effect sa kanila. Nakakatakot pa kasi may mga asthma sila.
What triggered us the most was how the management handled the incident.
Minessage and kinausap namin sila na sundan kami sa Lorma. They insisted na fresh ang tuna na sinerve nila. But huli din naman sa sinabi nila na hindi maayos ang food handling. Meaning, if matagal na sa freezer since bumagyo and possible na naglabas-masok sa ref yon, contaminated na yon. Dagdag pa yung fact na kakatapos lang ng bagyo nung pumunta kami dun. We stood our ground na sila ang may issue. Kaming magkakapatid ay sanay naman kumain sa labas pero never nagkaron ng ganyan kalalang poisoning. Ending, they paid our hospital bill. Pero never na kami babalik dun kasi ang laking trauma ang hinatid samin ng last vacation namin sa Elyu. Wala din kaming option but to spend our last day sa hotel and magtiis sa pork and beef na pagkain (hayp na yan). Lima kaming na-dextrose and almost blue na yung pamangkin ko.
My sister even asked the LGU to investigate, pero since wala naman na yung ebidensya - natapon na yung batch, naibanyo na namin yung pagkain, wala na silang mahahanap na butas di ba!! Hoping that LGU can provide a solution for this. Maybe require resorts/restos especially sa San Juan to have an emergency response team not only sa water activities but also sa severe allergic reaction due to poisoning. Paalala ko lang, this is quite similar dun sa jellyfish incident sa Batangas, luckily, safe naman kami after 5 hrs in the ER!!!