Hello po! May creepy and weird na guard sa AdDU Roxas po and gusto ko po sanang i-report po kasi binibigyan niya po ako ng pagka-uncomfortable at the same time parang ayaw ko na po pumasok sa school dahil sa kanya kasi baka makita ko na naman siya.
It started po nung transferee po ako, tapos po nandun po ako sa CCFC sa may labas po, doon po banda sa parang nagbebenta ng kwek-kwek and mga ulam po. And then he greeted me ng āAssalamualaikumā (Hello in muslim greetings) and I thought po mapansin po siya na guard kaya nag-smile na lang po ako, hindi po ako nag-greet back. Tapos after po nun, every time po na makita niya ako, nag-g-greet po siya ng āAssalamualaikum.ā (Hello) I get it naman po kung ganon po yung guard or yung isang tao, wala naman po akong pake, pero unti-unti na po siyang nagbibigay ng something off po sa akin.
Hanggang po sa may one time po kumuha po ako ng water sa Bellarmine po, and then nakita ko siya. That time po, vacant time ko po yun, then nakita ko po siya, nagkunwari po akong hindi ko siya nakita and nakatingin po ako sa baba kasi nasa Canisius Hall po ako nun, and nakatingin po ako sa cafeteria kasi ayaw ko po siyang makita and pansinin. Hanggang po sa nagsalita po siya and ang sinabi niya po, āAssalamualaikum, mataid!ā (Hello, Ganda!) And ang tanging ginawa ko lamang po ay mag-smile na lang po kasi na-awkward po ako and na-uncomfortable. Tapos after po nun, nung medyo malayo na siya, minura ko po siya ng tangina, papansin, and many more.
After po nun, nung may long break po tayo nung October hanggang November, then ang balik po natin ay November 5, that time po may gagawin pa po ako na other academic tasks. That time it was 6:30 p.m. po and magp-pray na po ako sa prayer room pero lumabas po ako kasi nakita ko pong tumawag ang mom ko po. Then I called my mom po, sinabi ko po na mamaya na po ako uuwi, and after that po nakita ko po yung guard tapos nakatingin po siya sa akin and naka-smile ng weird smile sa akin, and nandiri po ako and na-feel uncomfortable kaya in-ignore ko po siya. After nun, sa CR po ako nagtago, and dahil sa kanya po, nalibot ko po buong AdDU campus para lang maiwasan siya. Nakaabot na po ako ng CCFC para lang 'di siya makita and na-late na po ako sa pag-pray dahil sa tanginang yun.
And hanggang ngayon po, kapag nakikita ko po siya, iniiwasan ko po kaagad kasi ayaw ko na po maulit yung ginawa niya pong weird smile na para bang ikinagwapo niya yun at ikina-cool na yun. Saan ko po ba pwedeng i-report ang ganitong incident po? Kasi baka po may ma-victim siyang other students sa AdDU po. Thatās all po. I hope ādi niyo po ako i-criticize, i-judge, o i-bully.