Problem/Goal: Nalulungkot lang ako and at the same time, it's an epiphany na din to know who my real friends are.
Context: I've recently gone through a bad break up since my long term partner cheated on me. So para maka move on, I started going out of my comfort zone and tried new things. Isa na dun ang makipag reconnect sa mga HS friends ko. Sila lang naman core group ko ever since. Nag simula 'yan when I started posting sa stories ko na nag ja-jogg na ako and nag e-exercise. Maraming na-engganyo, so they asked if they can join. Ako naman, go lang, at least may kasama ako diba during my healing phase.
Hanggang sa napapansin ko every week na kami nagkikita. Tapos padami kami nang padami.. parang nag reconnect kami sa isa't isa. Every week laging may ganap, be it inuman, gala, birthdays, coffee dates, Pickleball, Tennis, minsan Badminton din. Basta, hindi ko namalayan na inabot na sa 8 months na every weekends kami lagi nagkikita. Nag a-adjust din ako madalas ng schedule ko nun to cater lang yung mga events nila. Naubos na nga lang din budget ko kasi mga mapepera sila eh. At first, I thought na "Wow, maybe they are healing their inner child. And ako naman I'm healing from betrayal trauma." I was also grateful and appreciated them so much kasi may nakakasama ako sa healing journey ko. I always tell them din how I appreciate their presence sa healing phase ko.
But here's the tricky part, healing is messy. There were times na after ko umuwi from our gala/ganaps, umiiyak ako. I felt drained. Lalo ko namimiss ex ko. I realized na those months na labas ako nang labas, dinidistract ko lang pala sarili ko. And there were many, many times na mag o-open ako about my healing journey sa mga kaibigan ko na 'to, and they were too dismissive. Lagi ako nakakarinig ng, "Mag move on ka na," or "Ang tagal na nun, hindi ka pa nakakamove on.", "Haynako, paulit ulit ka na lang.", "Kung ako 'yan, naka move on na ako."
Pangalawa, this circle loves to talk about other people. Laging topic ay chismisan about sa mga kabatch namin, or old classmates. Ako palagi tagapagtanggol sa mga taong pinipintasan nila. Minsan sinasabihan nila ako, "Bakit ka ba kumakampi dun? Espiya ka siguro nila ha." I find it so childish, noh. Nagugulat din ako na eto na pala yung version ng mga kababata ko.
May times din na I felt like I was the punchline of their jokes. Ginagawang katatawanan yung nangyari sa relationship ko. Nung una, I don't mind kasi akala ko normal banters lang, kaso nasasaktan na din ako madalas at hindi nakaka tulong sa pag heal ko, so nag open ako sa kanila na they can't make nasty comments about my failed relationship, kasi hindi nila alam ang pinag dadaanan ko. Nakakabaliw ma-betray. I also told them that they were fortunate enough to not experience what I'm going through. It's easier for them to say mag move on, sino ba gustong hindi mag move on, diba? I just want someone na makikinig sakin kahit na paulit ulit ako. 🥺
They acknowledged my feelings naman, kaso I felt like they were walking on eggshells na around me. I thought maybe I was too sensitive sa circle na yun. So ang ginawa ko, I let it pass by playing it cool and not mentioning anything about my failed relationship, or anything about my healing journey. Sumasama pa din ako kasi I did enjoy din naman doing sports every weekend kasi nakakakalma ng utak ang physical activities. Pero this time, nakakaramdam na ako na hindi ako safe sa company nila.
And then one weekend, I have a family event with my cousins so I told them I won't be able to attend sa weekend ganaps nila. They were a bit sad kasi gusto nila magpunta kami sa certain place to try new coffee shops. Planado na daw 'yun. I firmly said no kasi importante sa akin ang mga cousins ko na minsan ko lang makita. One of them said, "Pwedeng i-ditch mo na lang lakad mo sa cousins mo? Kasi planado na namin 'to e..", another friend also agreed na "i-ditch" ko na lang cousins ko. Hahaha! Dun ako nag-start mainis na nang sobra. These friends don't respect my time and boundaries.
So ginawa nila, inadjust nila ang lakad namin, they were really trying to fit in my schedule para lang hindi mabakante ang weekend na yun na wala silang gala. Pero again, sobrang busy ko so I said no, hindi talaga kaya. That specific weekend hindi ako nakasama sa gala nila and they were sending pictures sa GC na parang "Ayan hindi ka kasi sumama, you missed this tuloy." Haha. Napaka childish.
Unti-unti na akong nagising na maaring nasa maling circle ako. Sa sobrang sakit lang kasi ng nangyari sa'min ng ex ko, I failed to see how toxic that circle was. Labas ako nang labas to distract myself. I was doing trial and error sa pag cope up sa pain. Later on, I realized that I've outgrown these people na and hindi na kami aligned ng values and preferences.
There's more. After that specific weekend nga na first time kong hindi nakasama sa kanila, nagkasakit naman ang Dad ko, he was hospitalised. I was missing in action and couldn't reply sa mga messages nila sa GC namin for days noon. They took it personally.
I also told them I won't be available for them sa coming weeks hanggat di magaling ang Tatay ko. And you know their reaction? Seen lang ako sa GC. Nagtatampo na sila. I asked one specific person na ka-close ko sa circle na 'yun, and he told me they were tampo daw kasi feel nila iniiwasan ko sila. Hahaha! Tapos hindi na daw ako madalas mag reply sa GC.
Nag over explain ako, dami kong explanation sa GC namin, sobrang haba. Mali nga 'yun e. I think naging people pleaser ako that time. Their reaction again sa over-explanation ko? Heart react lang. Haha! As in heart at like react lang. Wala man lang nagreply na "Kamusta na tatay mo? I hope he's okay." or "Go lang, take your time, nandito kami pag ok ka na." Ganyan sana inaasahan kong reply coming from people na kasama ko simula pagkabata. After that, hinayaan ko na lang muna mga issues nila, kasi mas emergency ang nangyayari sa Tatay ko that time.
Previous attemp/s: One day, I suddenly left the GC kasi I find them so insensitive and entitled, kahit na nakalabas na Dad ko sa hospital, no one really checked on me. Patuloy pa rin sila sa pag alis every weekend, nakikita ko sa mydays nila. And tahimik na din yung GC namin so I felt like gumawa na sila ng bagong GC kasi nga hindi na ako nakakasama sa plans nila.
After ko mag left ng GC, this specific close friend ko reached out and asked why did I leave the GC daw. I told him, I'll be taking a break and nag over explain na ako sa GC about my situation pero wala namang pumansin. And he said, "Fine, kung dyan ka makakakuha ng peace."
I confided sa kanya na napapagod na ako. Healing is so tiring. Healing is so masalimuot. I cannot attend everyone's needs kako. Sa family ko pa lang, nauubos na energy ko. I asked him na sabi ko sana bigyan nyo ko ng space to heal, haharapin ko lang 'tong emotions ko kako. He took it wrongly, maayos ko naman na-explain side ko e. He said na iniiwasan ko lang daw sila. Bahala na daw ako, feel nila daw taga ibang section na ako. 🤦♀️
After that, ayaw ko na. Dumagdag pa sila sa isipin ko jusko. Three months na din simula hindi na ako nasama sa kanila. They were organising din Christmas party ganap na usually ako ang nag-oorganize.. pero as of the moment, walang nag iinvite sakin to join. Wala ding nag che-check sakin.
For those 3 months na di ako sumasama, I discovered more of myself. I found hobbies na super duper na-e-enjoy ko kahit solo lang ako. I am happy. 😝 Tho, I noticed everyone of them stopped interacting na sa mga posts/stories ko. Not that nanghihingi ako ng validation sa kanila ha.. napansin ko lang. Alam ko may mali din ako sa side ko for sure, hindi ako maglilinis linisan doon.. kasi two way naman talaga ang relationship, pero biggest realization: Healing has a way of revealing who truly stands by you.