r/batang_90s • u/CalmChaos2003 • 46m ago
My grandma died of cancer this week
I want to dedicate this post for her.
She has been a major part of my 90s life. Sa lolo at lola ako lumaki nung 90s.
Si lola ang last grandparent ko and now, officially wala na akong grandparents. Matagal kong hinanda ang sarili ko knowing she is very old pero nakakalungkot parin. She is very strong. Kaso, cancer talaga ang nagpabagsak sa kanya.
Guro ang lola ko sa elementary at naging adviser ko pa sya noon.
Nakakamiss yun kabataan ko kung kelan, napapagalitan ako ni lola kasi di ako nakikinig sa klase. Pero kapag lunch time or sa hapon, meron akong snack galing sa kanya.
Sya ang una kong mentor.
Sa kanya ako natuto magbasa, magsulat ng cursive, mamemorize ang panatang makabayan at lupang hinirang.
Sya ang tagapagtanggol ko kapag nagagalit sakin ang mga tita ko kasi nga pasaway ako noon.
Sya ang sumbungan ko kapag friday na at gusto ko manood ng xmen or power rangers pero ang pinapanood nina tita ay ang talk show ni vilma sa gma7.
Sya din ang nag udyok sakin na magsabit ng medyas kapag pasko. Kaso nagreklamo na sila nung kahit December 26 na, nagsasabit parin ako ng medyas.
Sya kasama ko nung first time ako maka kain sa Jollibee.
At hanggang tumanda ako, lagi syang nandyan at excited makita ako kapag bumibisita ako sa kanya.
Sorry lola kung may mga pagkukulang ako na di ko nasabi sayo. Pero happy ako na magkasama na kayo ni lolo ngayon.
I will miss you lola and see you in the next 30-40 years kung mahaba man buhay ko. 🥲😇
