r/buhaydigital • u/Artistic-Falcon-8304 • 2h ago
Self-Story Beware of JSK Advisory (Australia) My unpaid design assessment appears to have been used on their website, and I got ghosted.
Posting this para sana wala nang ibang designer na makaranas ng ganitong kagaguhan.
I recently applied for a Web Designer position sa JSK Advisory, a Sydney-based marketing agency owned by John Kim.
As part of the hiring process, pinagawa niya sa akin ng redesign ng actual homepage ng business niya. Okay, fair enough, gusto ko rin sana maging open-minded at patusin yung mga ganito sa hirap maka hanap ng work ngayon.
So ayon nag-meeting kami, pinag-usapan namin yung design direction, and pinakita niya yung mga websites na gusto niya.
I spent several days working on it. Sariling oras, sariling resources. I even went out of my way to understand his business kasi gusto kong gumawa ng design na may intention, hindi lang basta magandang tingnan.
November 9, I submitted my work.
Ito yung reply niya:
“Thanks *** this is alot better”
Sabi niya kailangan lang palitan yung hero images. Tinanong pa niya ako kung marunong din ba akong gumawa ng social media graphics and video editing.
Sumagot naman ako.
Then wala na. Tangina, biglang ghosted.
Nag-follow up pa ako after a few days. Iniisip ko pa nga kung may nasabi ba akong mali or baka ongoing pa yung hiring process. Ayoko rin naman magmukhang demanding or impatient.
Fast forward to November 23, naisipan kong bisitahin ulit yung website niya.
PUTANGINA. Nag-redesign na pala, at maraming elements na kahawig ng ginawa ko.
Ito yung original submission ko:
https://shy-service-382192.framer.app/
Ito yung bago niyang website:
https://jskadvisory.com/
Pati old design element ng other web design ko, kinuha pa tangina
https://www.my-corner-store.com/
Kayo na lang mag-compare. May differences naman, obviously. Pero considering the timing, his feedback, the similarities, at yung bigla niyang pagkawala, ang hirap hindi magduda.
Walang bayad. Walang permission. Ni wala man lang matinong rejection message.
Hindi ako galit dahil hindi ako natanggap. I've been rejected plenty of times, and that's part of job hunting. Ang kinakagalit ko is yung possibility na ginamit yung hiring process para makakuha ng libreng design work.
TAENA kung kailangan mo ng website design, edi mag-hire ka ng designer at magbayad ka. Hindi yung pagpapaasahin mo yung mga taong naghahanap ng trabaho para makakuha ka ng ideas at design concepts nang libre.
I've already saved our emails, WhatsApp conversations, screen recordings of both websites, and my original design. Nagsimula na rin akong mag-report sa appropriate authorities. Pero ano ba laban ko hahahahaha
Sa mga kapwa designers at freelancers diyan, mag-ingat kayo sa JSK Advisory, especially kung pagagawan kayo ng unpaid design assessment na gagamit ng actual business nila.
Lesson learned nalang din.
Nakakapagod lang talaga. Gusto mo lang naman maghanap ng matinong trabaho, tapos ganito yung balik sa'yo.
Has anyone here experienced something similar? Especially with Australian employers? Ganito ba sila ka kupal? hahahah taena
Would appreciate any advice on how to pursue this further.
