r/adviceph • u/JustOneOfThem10 • 5h ago
Parenting & Family May kakayahan yata makakita ang anak ko ng future?
Problem/Goal: I and my wife are not sure how to handle this kind of situation, should we just let this go or should we talk to our daughter about this? and how?
Context: We first noticed this when our daughter was around 6 years old, parang may mga bagay siyang nakikita na hindi pa nangyayari tapos kapag nasabi niya mangyayari talaga at kung hindi naman niya mababanggit pero naisip niya na mangyayari, nagiging masama yung ending madalas. Pinaka unang nangyari na naaalala ko was when my wife's cousin went to our house to borrow something, and then yung daughter namin nagmano and randomly asked her "tita are you pregnant?" natawa yung cousin ni wife and sinita ng pabiro na "wag ka magbiro ng ganyan ah" kasi naman walang partner si cousin, pero the following day tumawag siya kay wife at nagbiro na "yung anak mo ah, matalas ang dila" something like that kasi nalaman niyang buntis siya that day. Another scene, pabyahe medyo malayo rin about 4 hrs and our daughter randomly asked "daddy anong mangyayari kung mababangga tayo?" of course pinagalitan ko siya kasi babiyahe kami tapos ganito mga iniisip niya, she cried and I felt bad kasi hindi naman daw niya iniisip, pumapasok lang bigla sa isip niya. At habang nasa byahe kami, naka witness nga kami ng aksidente. Motor at sasakyan, may bata sa motor and our daughter said something na "baka gusto niya kasi ng bagong toy" and to our surprise, usap usapan nga ng mga taong nagkumpulan don eh kagagaling lang daw doon sa malapit na parang small peryahan na maraming laruan. Hindi alam ng anak namin yung lugar na yun, kasi hindi yun ang laging ruta na dinadaanan namin. And just this morning, pinaka nagpakilabot sa amin ni wife ay nung nabalitaan namin na yung kapitbahay namin namatay kasi daw pala matagal ng may sakit at tinago lang. Sabi sa akin ni wife, 2 days ago daw habang nagb-breakfast tinanong siya ng anak namin na "mommy may sakit ba si ate ***?" I also heard some parts of that conversation kasi ako ang nagluluto that and syempre sagot ng wife ko di niya alam kasi hindi talaga namin alam at tinanong naman niya si daughter bakit napatanong tapos ang sagot lang "pumasok lang sa isip ko" hindi namin close si kapitbahay, talagang kapitbahay lang namin na paminsan-minsan nakakabatian sa daan. Medyo matagal na rin nung huli namin siya nakita kaya nakakagulay talaga na biglang napatanong yung anak namin 2 days ago and just this morning nabalitaan namin na wala na siya.