Grabe. Pang gas lang na kuha ko dito. 14km per L for 149 php, akala ko malaki yung pinakita 88+49, trickery lang pala ito. Pero ayus na din dahil may pang gas na ako. Kanina kasi nasira session ko nalugi sa foodpanda rider 50kg pinapabuhat sa akin for 169php at 37km pa pabalik sa zone. Yung na pause ako hanggang end of session, nag shopee rider agad ako tapos dami ko na miss na order at isa lang pumasok, tapos nag cancel pa ako kasi pinapabuhat sa akin aircon alis agad ako 😂, dineliver ko ata spark plug yung complete na delivery.
Sa gma yung pickup, at grabe, bundok na pa downhill nakakatakot yung warehouse at paakyit. Puro pogi yung nagaasikaso nung mga package 😳, muscles at itsyura 😳, at nakuha ko din siya at alis agad, pagpunta ko naman sa aircon, kinancel ko na lang yung nabasa ko 20kg tapos from gma to laspinas pa. Naka auto accept kasi yung na missed order ako.
Pagdating ko sila lola naloloko sa tunog ng cellphone ko kasi Shopee yung tunog sabi nila Shopee daw tapos mga aso lumabas at kailangan pa iscan at picturan hawak ng customer yung package pati din itsyura nito... Kaso lang binigay ko kuna bago pictyuran at iyun bukas na siya nung pinictyuran ko 😭
Pero ok na din (not really, wala nang umorder)