Pic for attention only.
It's not like I have a second chance to come out pa no? lol. So, I learned about my partner cheating on me. Sobrang sakit kasi all I've shown are kindness and unconditional love sa kanya. Supported him all the way sa mga gusto niyang i-achieve even if it puts mine on hold. Mahal na mahal ko 'yun kaso hindi ko maintindihan anong nagawa ko para lokohin pa ako.
Sa magkakapatid, hindi kami talagang close na tipong nashe-share lahat. Lumaki kami sa bahay na less affectionate kumpara siguro sa iba. Casual lang sa bahay at mas close pa kami siguro sa kanya-kanya naming friends. Wala rin matinong father figure at mom's dead for years now.
Itong nangyari sa akin. Sobrang iba. Durog na durog ako kasi alam ko lang talaga ay nagmahal lang ako. Mali ko lang kasi parang sobra na. Sa sobrang sakit hindi ko nakayanan at kinausap ko na yung Ate kong emotionally distant sa akin.
At first hindi ko alam sasabihin ko pag-uwi niya. Until naluha na lang ako at humagulgol sa kanya habang nakayakap. Until then malaya ako biglang nakapag kwento nang walang ilang sa kanya. Ako yung bunso and I must say ako yung most hideous sa mga kapatid ko. Kaya nagulat din siyang may boyfriend ako at bakit hindi ko raw sinasabi. We talked for almost 30 minutes until my tears dried up. Nakapag-share din siya bigla ng mga experiences niya na sabi niya "wala akong mapag-kwentuhan noon kasi hindi naman talaga tayo ganun ka-open di ba? Kahit kay mama noon. Tinutulog ko na lang." Naawa ako at the same time natuwa ako kasi it opened something between us.
After nun, yung Kuya ko na nakabukod sa amin tumawag sa akin. Kinumusta ako kasi nag-chat daw Ate ko sa kaniya na umiyak ako sa kaniya. Ang Kuya bilang Kuya tanong nang tanong anong problema pero I cannot repeat telling the same story na kasi the weight was taken away after that conversation I had with my Ate.
I realized how she sounded like Mama. Sobrang nanlambot ako sa mga payo niya and she gave me a new perspective of family, love, and self-confidence.
Nakapag-out na rin ako sa kaniya. Kako kahit na matagal naman na nilang napapansin, ngayon ko lang nasabi nang matapang. Too bad kasi yung tapang na binubuo ko nung mga nakaraang buwan ay para sa araw na kaya ko nang ipakilala boyfriend ko sa pamilya ko kaso ganito pa ginawa sa akin.
Pero alam niyo, yung mga masasamang pangyayari napapalitan bigla nang magaganda. I might have found my partner unfaithful to me, but I was reassured na my family is always my first line of defense, comfort, and love.
Now, I look forward to Christmas when we'll all be together. ❤️