r/PanganaySupportGroup • • Nov 27 '25

Positivity Gentle reminder lang po

Post image
28 Upvotes

file:///var/mobile/Library/SMS/Attachments/0f/15/87EA0A6F-E418-411B-9B9E-855CC9FA3304/Screenshot%202025-11-23%20at%207.05.49%E2%80%AFPM.jpeg


r/PanganaySupportGroup • • Nov 24 '25

Discussion Stop normalizing financial abuse sa pamilya. Hindi ito utang na loob — abuso na ’to.

81 Upvotes

Hi everyone. Gusto ko lang mag-open ng discussion na matagal ko nang gustong ilabas. Sana mabasa ’to ng mga anak, ate, kuya, breadwinners, at kahit sino na lumaki sa culture ng utang na loob na hindi na healthy.

Lumaki tayong mga Pilipino na may mindset na “anak ka, tungkulin mong tumulong,” “dapat kang magbigay,” “ikaw na ang sasalba sa pamilya,” at “wala kang karapatang tumanggi.” Tinuro sa’tin na responsibility natin ang utang ng magulang, kapatid, lolo, pinsan, aso, pusa — lahat. At kapag tumanggi ka, ikaw pa ang masama, ikaw yung walang kwenta, ikaw yung “walang utang na loob.”

Pero kailan naging tama na gawing bangko ang anak? Kailan naging natural na ang love language ng Pilipino ay sacrifice to the point of self-destruction? Kailan naging okay na ubusin ang anak habang yung iba sa pamilya ay gumagawa ng mga decisions na irresponsable, tapos sa huli, ikaw pa ang sasaluhin?

This is financial abuse. Hindi lang basta “family culture.” Hindi lang basta “tulong.” Abuse siya kapag wala nang boundaries, wala nang respeto, at inaasahan ka na parang obligasyon, hindi request. Abuse siya kapag natatakot ka nang magbukas ng message kasi baka may bagong utang. Abuse siya kapag hindi mo na makita future mo dahil ikaw ang sumasalo sa future ng lahat.

And let’s be real: marami sa’tin napapagod na. Marami sa’tin umiiyak gabi-gabi dahil hindi natin alam paano i-balance ang sariling pamilya, sariling bills, sariling marriage, anak, at buhay… habang sinasalo pa natin ang mali ng ibang adults. At ang masakit, kadalasan hindi nila inaayos. Bakit? Kasi may “ikaw” na sasalo.

From a Christian perspective, gusto ko ito i-anchor. Madalas ginagamit ang Bible para i-pressure tayo: “Honor your parents.” Pero ang totoong context ng Ephesians 6:2-4 ay mutual responsibility. At malinaw sa 2 Thessalonians 3:10: “If anyone is not willing to work, let him not eat.” Hindi sinabing “anak, ikaw ang magbigay lagi para kumain sila.” Adults have their own responsibilities. Hindi mo kasalanan kapag hindi sila nag-manage ng pera nang maayos. Hindi mo tungkulin bayaran ang kakulangan nila. Hindi mo utos sa Diyos na maging martyr financially. Ang true honoring of parents is respect — not enabling sin, irresponsibility, or laziness. Boundaries are biblical. Stewardship of your own family is biblical. Pag-provide sa asawa at anak mo is biblical priority.

Kaya gusto ko lang sabihin sa lahat na nababasa ’to: pwede tayong tumanggi. Pwede tayong magsabi ng “Hindi ko kaya.” Pwede tayong mamili ng sarili nating buhay. Pwede tayong mag-trace ng generational line and say, “Dito na nagtatapos ang cycle na ’to.” Hindi ka masamang anak kapag pinoprotektahan mo sarili mo. Hindi ka masamang kapatid kapag ayaw mo nang masaktan. Hindi selfish ang boundaries; kinakailangan ’yan para mabuhay ka nang may dignity.

Kung ikaw ’to, yung pagod na pagod nang sumalo sa lahat, yung takot na ma-judge kapag tumatanggi, yung hindi na makahinga — kasama mo ako. Ang dami nating ganito. Ang dami nating ayaw lang magsalita. Pero kailangan na natin magising. Financial abuse is abuse. Utang na loob has limits. And love without boundaries will only create more brokenness.

Open post ’to. Gusto kong marinig stories niyo. How did you set boundaries? Paano kayo nag-heal? Or kung nasa loob pa kayo ng cycle, ano yung pinaka mabigat para sa inyo ngayon? Let’s talk. Let’s help each other break this.


r/PanganaySupportGroup • • 18h ago

Venting hindi ko na alam

Thumbnail
gallery
204 Upvotes

im only 18 years old, yet pasan ko na ang mundo. kakamatay lang ni papa noong august, tapos namatay naman si mama noong november 1. kaming dalawa na lang ng kapatid ko at ako na ang pumasan sa lahat.

21 days na si mama sa punerarya dahil hindi ko pa rin nabubuo yung pera. tinethreaten na kami ng unang funeral parlor kaya nilipat na lang namin siya sa iba. kakausap ko lang sa kapatid ko kanina at ang sabi niya sakin, hindi na daw kaya ng formalin dahil bumibigay na yung katawan ni mama. sobrang sakit sa dibdib na umabot na sa ganito at sinabi ko na lang sa kapatid ko na hindi ko na talaga kaya magpalibing.

nagdecide ako na hindi ko na siya ilalagay sa kabaong o magpapa-lamay pa. ipapa-cremate ko na lang siya agad para makapagpahinga na siya nang maayos. kailangan ko ng around 15,000 to 25,000 pesos para mabayaran yung balance sa transfer at cremation. kaso after making a donation page at lahat lahat na, wala parin.

ang mas masakit pa, matatanggal na rin ako sa trabaho. nagtatrabaho ako sa call center at pinilit ko pumasok kahit walang bayad yung bereavement leave ko, kaso nag-nosebleed ako sa shift sa sobrang pagod at stress kaya pinauwi ako at na-suspend yung door access ko hanggang makapag-submit ng medical clearance. hinahabol ko pa yung hr paperwork ko ngayon para hindi ako mawalan ng kabuhayan.

sinubukan ko na talaga lahat. lumapit na ako sa mga kamag-anak, katrabaho, loan apps, at pati sa government agencies para sa burial assistance pero na-reject lang ako dahil sa mga technicalities sa documents. dumating pa sa punto na nag-message na ako ng content creators at gumawa ng account just to ask for my mother’s funeral fund.

pasensya na kung dito na ako nagmamakaawa, i know others have it worse pero wala na talaga akong ibang malalapitan. sobrang hirap mag isa, hindi ko na kinakaya.


r/PanganaySupportGroup • • 2h ago

Advice needed So paano ako makakaalis sa cycle na to?

Post image
6 Upvotes

I am 22 and I have a minimum-wage earning job. My parents have sari-sari store and merienda business naman but it looks failing coz ang puhunan ay galing sa utang. So halos lahat ng kikitain nila ipambabayad din nila. They also have previous cc loans from other banks na pilit nilang binabayaran ng paunti unti, ending? After a while nauubos rin laman ng tindahan at naglilikom lang sila ng pera pampuhunan just to get by.

I just need an advice on what to do in my situation. Simula kasi nung nagstart ako mag work nung June I also started giving my parents 3k every cut off of 5th (for electricity) and 20th (for PAGIBIG housing loan) of the month and I never failed to do so. The problem is dahil dito, kahit anong sinop at pagtitipid ko ay lagi lang sumasakto pera ko hanggang sa susunod na payday para sa gastos ko with food and travelling to work. I want to atleast stop or kahit mabawasan lang sana ng 1k yung ibibigay ko but I don't know how to explain them why and natatakot ako na baka they'd be disappointed about it since they're kinda expecting it na lagi akong magbibigay. Any thoughts on this?


r/PanganaySupportGroup • • 28m ago

Advice needed How much should I contribute to our household expenses?

Thumbnail reddit.com
1 Upvotes

r/PanganaySupportGroup • • 2h ago

Venting I feel guilty because I’m prioritizing my wants

1 Upvotes

Hi I just need to let this out. I have no one to talk to about this.

Have you ever felt guilty because your parents asked you for something and you couldn’t give anything? And not because you have nothing, but because what you have is already allocated for your planned expenses.

I am not a breadwinner, but I can say I am my parents’ emergency contact, emotionally and financially. I’m happy to provide them with support as much as I can, but still, I don’t earn a lot. After deducting all my expenses for my needs (rent, food, transpo, etc.), there’s only little that I can save. And whenever there’s a family financial emergency that I need to help with, it always takes away a big chunk (50% minimum) of my savings. I still do it willingly as it’s the least I could do. I love and appreciate my family.

But this time, my sibling (who is a minor btw) wants to buy a car. The discussion only came up last month. Now, my parents want me to chip in. They weren’t being pushy, to be fair. I can feel like they were hesitant to ask me. They said it’s okay if I can’t.

The thing is, I have already budgeted my bonuses. I just made a big purchase last month and I have another considerable planned expense coming up that I can’t cancel anymore (+ Christmas expenses), so I said sorry, I can’t help this time. Now I can’t help but to feel guilty.

As much as I don’t agree with my parents when it comes to a lot of their financial decisions, I know they just want to make my brother happy. I feel guilty because I’m putting myself first. I feel guilty because I think I’m being selfish. A part of me is trying to justify that I don’t need to feel guilty, but still, the feeling is bothering me.

Sorry for venting. I just thought maybe putting this in writing could help me process it better.


r/PanganaySupportGroup • • 5h ago

Discussion No matter where life takes us, you're always my safe place. ✨ #foreverfriends #siblinglove #familyovereverything #truelove #grateful

1 Upvotes

r/PanganaySupportGroup • • 5h ago

Venting Gusto ko na maging stable

1 Upvotes

I'm a PWD in my 20s, and kahit anong pilit ko pumasok at makagraduate parang ayaw ng mundo. I recently got into a traumatic incident na nagcause ng PTSD ko, dumagdag pa sa prior diagnosis ko and my untreated pcos. Both my parents are physicaly absent, mother is working abroad habang tatay ko buhay binata with his gf and I'm alone surviving the everyday struggles. Gumagawa rin ako ng side hustles before kasi kulang talaga allowance ko tapos minsan late or hindi buo, kasi binibigyan din yung mga kapatid ko (hindi ko kasama). Ngayon hindi ko na magawa kasi lagi akong nilalagnat kapag sobrang pagod. And dahil sakin nagrarant mother ko, hindi ako makapagreklamo kasi I see her struggles. Pero minsan napapaisip ako, paano ako? I grew up before na naging parent for my younger sibling, kasi umalis yung mother ko to work abroad. Dumating sa point na magkano lang napapadala per week kasi nagaayos pa papers, tapos kulang for baon kasi hinihingi ng cousins yun para bumili ng bigas (ambag sa food sa bahay). Nagbebenta ako nun sa school para may pangbaon kapatid ko and may extra for her wants. I was 12 na wala pang basic life skills, kasi never naturuan. Ngayon ibang scenario pero still the same treatment. I chose to stop medication and therapy kasi hirap yung mother ko to sustain us, ngayon I'm looking for ways na makapagwork para bayaran ko nang sarili tuition ko. Kaso ang hirap kasi may times na hadlang physical health ko, may moments ako na napaparalyzed katawan ko and minsan sobrang sakit umatake ng migraines. I also have blackouts tapos nagkakamalay and naliligaw sa ibang lugar, I already have a lot of absences rin kapag sobrang sakit ng puson and can barely move. Feeling ko nasasayang lang tuition ko, kaya gusto ko nalang magstop at magtrabaho para kapatid ko nalang ang focus sa sustento. I tried na rin manghingi ng educational assistance for PWDs para sa medical needs nalang mapunta yung pangtuition, kaso ang hassle ng mga need gawin kapag hindi ka registered sa city. And now I'm so stuck, kasi yung mga trabaho na pwede ko lang makuha hindi kaya ng katawan ko, and I've been applying pero hanggang ngayon wala parin talaga. Hindi ko alam anong uunahin ko para maging stable sa buhay. Ang hirap talaga mangarap sa mundong sakim, ang hirap din mabuhay sa mundong mapagdamot :<.


r/PanganaySupportGroup • • 1d ago

Advice needed nag-snap papa ko sakin

2 Upvotes

“hindi ka na nahiya sa gastos mo” bakit ako mahihiya eh anak niyo ako at desisyon niyong paaralin ako??? Inutusan ako ng tatay ko na buksan ang pinto at i-check ang nahulog pero di ko na-check kaagad kasi nagbibihis ako, tapos kung ano-ano ng sinasabi, walang kwenta ako, ang tamad ko, di na ako nahiya sa mga ginagastos sakin ng magulang ko. Tangina bakit ba sakin niya tinatapon anger issues niya, di naman siya ganiyan sa mga kapatid ko.

Kunti na lang minsan naiisip ko gusto niya na akong mawala or kung mismong ako na ang maglaho, kapag umuuwi ako sa bahay namin natatakot ako minsan kasi baka gawin niya yung mga ginawa niyang pananakit sa nanay ko noon, kaya minsan nagdadalawang isip ako if uuwi pa ako sa bahay nila. Naiiyak na lang ako kasi wala na akong mapagsabihan, minsan naiisip ko baka dahil sa mga masasakit na salita kaya tinatapon ko na lang ang grades ko kaya bumababa ito. Tangina mo pa, kung ayaw mo sanang anak sinabi mo na lang at tinuloyan ko ang paglaho noon. Putangina mo umantay ka at karma na ang bahala sayong tanda ka. Tangina may mga magulang na alagang alaga ang mga anak nila habang kayo ang nagiging rason bat nasisira ngayon ang anak niyo, tapos magtatanong kayo bat di ko kayo kinakausap. Pagod na pagod na akong ipaintindi sainyo, lalo na kapag abusado na taong kagaya mo, minsan dahil sa ginawa niya noon ki mama at sa mga sinasabi niya sakin gusto ko na siyang ipapulis.


r/PanganaySupportGroup • • 1d ago

Venting Swerte ng iba na may mga pamilyang may kwenta

14 Upvotes

Ang swerte swerte nyo. May mga kamag anak kayo na makaka bigay opportunities, makaka open doors, maka bigay network for your careers.

Yung mga minalas naman na tulad ko na puro walang kwenta kamag anak, kailangan doble kayod. Walang tutulong eh paano puro palamon sila. Malaki ata kasalanan ko sa past life bakit sa mga loser family ako napunta.

Bakit hindi don sa makaka pa migrate sakin sa ibang bansa. Bakit di sa may kaya. Bakit di sa hindi toxic na in love na in love sa poverty. Di nga nila kasalanan pinanganak silang mahirap, pero kasalanan talaga na mas mahirap pa sila ngayon kesa sa situation nila noon.

Ang malas malas ko bakit walang wala talaga. Hindi ko talaga maiwasan mag kumpara kasi bakit? Walang ni isa sa angkan ang nag effort maging better, nag palamon nalang kaya ayon. Pobre padin. I cannot fathom my frustrations kung makita ko yung iba nagkaka opportunity kasi hinatak ni kamag anak. Habang yung akin mga adik, magnanakaw, social climbers, at mga palamon.

Lord, bakit naman ang unfair? I did everything by the book and yes kahit papaano successful pero iba parin ang feeling na magaan ang pamilya. Di ganito, pabuhat at mabigat.


r/PanganaySupportGroup • • 1d ago

Venting I was just trying to defend myself.

2 Upvotes

I don't know what to do, I'm just 19, I was just doing what she told me when she suddenly kicked the laundry basket I was using. And when I got mad and raised my voice, she suddenly came at me with the kaldero and hit kept trying to hit me on the head. When I grabbed her wrist, she tried to bite my hand, so I pulled her head down to avoid her. I hugged her from behind and lifted her up to calm her down, but she kept elbowing and thrashing at me, so I tried getting her to sit her down, but she wouldn't stop hitting me and thrashing so when I finally had the chance to put her down she stumbled and claimed I had pushed her after that she kept trying to hit me with the kaldero.

She kept calling me an ungrateful son when I was just trying to defend myself. She said and I qoute; "kung bunalan gani ka ayaw ug balos kay gi disiplina man ka!" (Kung hahampasin kita wag kang gumanti kase dinidisiplina kita). And I was confused because I didn't do anything wrong. I did what she said, I was doing the laundry she was asking me to do, I was listening to her and nodding while she was giving me the instructions, and when she walked past me she kicked my clothes and laundry basket into the next room. I just told her, "Ma, ayaw sipa.e akong labhunon!" (Ma, wag mo naman sipa.en ung mga lalabhan ko!) I wasn't trying to hurt her... I didn't want to do that... later on, she threatened to call my varsity coach and have my scholarship revoked. She also threatened to call the police for assault. I'm about to go homeless... I don't have friends. She already told everyone not to help me. I have nobody. Even my own younger brothers don't believe me.


r/PanganaySupportGroup • • 1d ago

Advice needed Anxiety due to Property Issues

Thumbnail reddit.com
1 Upvotes

‎Good day

‎

‎I would like to ask if it is possible for me to stop my sibling to attempt to rennovate the house of my deceased parents as it was promised vocally that this is where should i settle since my sibling has already owned 2 or more properties.

‎

‎I am having anxieties for the past days and i am powerless on stopping my sibling to not to allow modifacations and changes in the property. I am having impulsive decisions like finding a new job or house despite i already had a stable job in the government. The sibling is so Persistent and sometimes use intimidation or Gaslight me just to allow it. Do I need some form of writting or any other legal solution that will end up to a win win solution. Also, i am concerned as Rennovating a house is a precursor to owming it.

‎

‎My wish is just leave the property as it is as this was the last wish of my parents and just live both of us in peace.

‎Dont worry, by default it will be with my sibling.

‎


r/PanganaySupportGroup • • 1d ago

Venting Hindi ko na alam gagawin ko

3 Upvotes

Hello, it’s 4 am and hindi ako makatulog kasi hindi ko na alam gagawin ko. Little context panganay breadwinner and OFW na nakauwi na sa Pinas may maliit na ipon pero naubos din kasi dami need ipagawa sa bahay pagkauwi. Wala akong mahanap na trabaho ngayon sa Pilipinas. Nagka-stain din relationship sa mga magulang ko kasi malaki naibibigay ko sa kanila noon ngayon ay halos wala na. Naging very controlling sila and it led to a lot of arguments. Dadating na Tuition ni Bunso and nasa 150k din yon. Hindi ko na alam saan ako huhugot nang ganon kalaki na pera. Puro rejection din applications ko. Nasa last 20k na lang ako malaki pa bayarin sa tubig at ilaw. Hindi ko na alam. Ako lang nagtratrabaho sa amin kasi nag retire agad sila pagdating ko nang college and ilang araw na akong ganitong walang tulog. Pagka umaga mag titingin sa job postings nakipila na rin sa kahit anong agencies pakapalan na nang mukha sa mga recruiter kaso wala talaga eh. Need pa naman ni kuya magbanat nang buto kung hindi walang kakain. Pero ang hirap nang ganito sa akin nakasalalay lahat. Hindi ko alam san ako huhugot nang lakas toxic na kasi masyado sa bahay.


r/PanganaySupportGroup • • 1d ago

Venting Pamilya pero hindi suportado

2 Upvotes

I told my living parent na balak kong mangibang bansa next year, ang unang sinabi sa akin ay—"Ha? Iiwan mo ako?"

Hindi ako umimik kasi hindi naman yun ang aking intensyon. Gusto kong mamuhay nang mas maayos. Mas better opportunity kaysa rito.

Pagkatapos nun sabi nya—"Makakaabroad ka ba? Sure ka ba dyang makakalabas ka rito? Anong gagawin mo doon? Paano mo gagawin 'yan? Hindi ka naman ata makakalabas eh."

Sobrang sakit lang na ganito ang reaction niya. Hindi ba normal na dapat unang susuporta sa mga plano mo ay ang pamilya mo? Anong nangyari sa—"Ah! Mag-aabroad ka? Sige. Ano ba kailangan nating gawin para makalabas ka? Gusto mo ng tulong?" Pero hindi, ang natanggap ko ay "ah iiwan mo na ako, sure ka bang makakaalis ka kala mo naman"

Tapos nagpaalam siya na magpapasko siya sa ibang city. Sabi ko—"Okay, sige. Enjoy!" Ni-hindi ako nagreklamo na maiiwan ako mag-isa sa pasko. Pero kapag ako yung may balak na umalis, parang kasalanan ko pa na gusto kong umalis.

Ganito rin sya nung gustong umalis ng kapatid ko para sumampa sa barko. Sabi niya—"Huwag na sana umalis kapatid mo. Okay naman na rito tayo eh. Ang importante kumakain ng 3 beses. Okay na kahit ano lang trabaho na pasukin niya basta magkasama tayong tatlo."

Naalala ko tuloy nung may opportunity mag-ibang bansa mama ko. Aalis na dapat siya pero hindi niya tinuloy kasi mas pinili ang pamilya. Gets naman na mahalaga ang pamilya. Pero para sa akin, mahalaga rin mga pangarap ko. Ayokong hanggang dito lang ako.

Nakakapagod yung ganito....sariling pamilya pero parang walang suporta. Feeling niya pag aalis kami, iiwan na siya.


r/PanganaySupportGroup • • 2d ago

Positivity Support kay mama

Thumbnail
gallery
17 Upvotes

Hello mga fellow panganay! 👋🏽😊

Baka may interesado sa inyo, gumagawa ang nanay ko ng CROCHET ALCOHOL BOTTLE HOLDER at gusto sana niyang ibenta para makatulong daw sa expenses sa bahay ☺️

If hindi pa kayo nakakaisip ng pwedeng ipangregalo ngayong pasko, baka pwede niyo po itong i-try. Para sa mga kaibigan, ka-trabaho, kapamilya and loved ones.

Details:
2-toned crochet alcohol bottle holder for only ₱50 each

  1. choose from available colors (2 each bottle)
  2. Handmade po kaya pre-order siya and depende ang waiting time sa dami ng order
  3. Buyer po mag shoulder ng delivery fee (we can deliver from Gen. Trias Cavite and Quezon City)

Sa mga interesado po, pm po kayo sa akin 😊 sana po 'yung totoo po, hindi po kami mayaman at gusto lang po ng extra income. Maraming salamat po 🙏🏽


r/PanganaySupportGroup • • 2d ago

Support needed Masama ba akong anak?

4 Upvotes

Ako ang panganay saming magkakapatid, ako nagpapaaral sa knila and all and tumutulong din ako sa bills and paminsan nag-aabot din ako.

Lumaki kami sa grandparents namin kasi from the day i was born puro sila nalang din ang umaako sa responsibilidad so para mas mapadali e kinuha nalang kmi ng grandparents ko.

Long story short, both my parents are involve in drugs.

Yung tatay ko nakakulong, pusher daw. (Matagal na ako wala balita sa knya kasi diko nadin naman siya tinuring na ama)

Yung nanay ko which is anak ng grandparents ko ayun laging sinasalba to the point na lumaki na kaming magkakapatid ng wala siyang mabigat na pinasan.

From 2015 iba iba ang bisyo ng nanay ko.

Sugal kasama yung tatay ko to the point na ang dami nila ninakaw sakin at sa mga lolo/lola ko.

Fast forward namatay ang lolo ko, nagkaron ng karelasyon ang ina ko. From the start palang hindi na ako pabor.

Bakit? ADIK. Ending dun siya tumira, sinusundo namin aabutan namin binubugbug siya. Papatuluyin sa bahay namin at sinasabi namin na wag na lumabas para makaiwas sa tukso pero ending siya pa galit.

Ganun. On and on and on and on and on. Tutulungan mo - aalis galit pa - tutulungan mo - ganun nanaman at lagi niya inaaway lola ko to the point na di na natahimik ang bahay.

Ngayon lubog na siya. Lulong na kumbaga. Nagsasalita na magisa. May bulong na. Hindi ko alam anong meron sa lalaking yun at nagpakalubog siya ng husto.

Napapagod na ako. Naaawa ako sa mga kapatid ko. 😭

Ngayon ayaw na nila patuluyin sa bahay kasi pag andun e pinoprovoke lang din ang lola ko ending magkakagulo.

So since kung san san siya tumutuloy, nagwawala siya sa labas ng bahay ng lola ko na halos masira na niya ang gate.

Tinry namin ipa-pulis pero ayaw kami tulungan kasi family matter at biktima nga daw ng droga kaya daw dapat tulungan namin…. PANO NAMAN KAMING ANAK? 😩

Nag propose din ang brgy na pwede siya magtrabaho dun as taga walis and pwede rin siya dun magstay… HALA WALA PANG 2 days Nagwawala nanaman sa bahay namin.

Hindi mo makitaan ng willingness na magbago. Jusko pagod na pagod na ako. TBH hindi ko siya kaya ipa-rehab dahil ilan ang paaral kong kapatid. College pa.

Ngayon pumapasok sa isip kong if ever may chance na makaalis kami sa bahay/lugar na yun, gusto ko umalis ng wala nakakaalam. Like magugulat nalang siya wala na nakatira ganun. Sa madaling salita gusto namin siya iwan. Maging palaboy siya ng husto.

MASAMA BA AKONG ANAK?


r/PanganaySupportGroup • • 2d ago

Venting Kung kelan nakapagpadala ako ng extra, saka naman daming unexpected gastos.

Thumbnail reddit.com
2 Upvotes

r/PanganaySupportGroup • • 2d ago

Venting Im just so tired of my parents attitude sometimes

Thumbnail reddit.com
1 Upvotes

r/PanganaySupportGroup • • 3d ago

Advice needed Am I a bad daughter for finally choosing my own peace of mind?

8 Upvotes

I was born in the Philippines, where we grew up with the belief that parents are always right, that we should honor them no matter what, and that family should always come first.

My parents were never married when I was born. They eventually decided to live separate lives, and my paternal grandmother took care of me when I was just a few months old. I didn't really know my mother until I was 11. When my grandmother passed away, my mother took me in, but she was always working in a different country. Although she was financially well-off, I practically grew up feeling like I was on my own.

As I got older, I became the breadwinner for my father's side of the family. I even cut my own allowance in half just to help my younger siblings. Until now, even after building a family of my own, I continue to help my father's side financially whenever they need it.

The problem is, my father has always been someone who makes impulsive decisions, and he often ends up in trouble because of them. Somehow, I always find myself stepping in to help fix the consequences of those decisions.

But lately, I'm exhausted.

My husband recently lost his job, we have a son who is still in school, and we have our own financial responsibilities and struggles. For the first time, I'm seriously considering stopping the financial support, especially when it comes to repeatedly solving problems that could have been avoided.

What's painful is that now that I'm trying to set boundaries, I feel like I'm being treated as the bad daughter. It's as if all the years I've helped, sacrificed, and put their needs before mine suddenly mean nothing just because I've finally said that I can't do it anymore.

I don't hate my family. I don't want to abandon them. I just want to stop feeling responsible for every problem they have.

I want to focus on my husband, my son, and the family I'm building. I want to be able to save money without worrying about who will need it next. I want to live without constantly feeling guilty for saying no.

Am I really a bad daughter for choosing my own family and my peace of mind this time?

Has anyone else experienced this, especially those who grew up in Filipino families where setting boundaries with parents is often seen as disrespect or pagiging walang utang na loob?

I would genuinely appreciate some perspective, especially from fellow Filipinos who understand this kind of family dynamic.


r/PanganaySupportGroup • • 3d ago

Venting matatanggal na sa trabaho at wala pang panlibing kay mama.

15 Upvotes

gusto ko lang maglabas ng bigat kasi sobrang drained na ako at hindi ko na alam kung kanino pa ako lalapit.

this year alone, nawala sa akin ang parehong magulang ko. i lost my dad just a few months ago, and now my mom passed away too. at 18 years old, mag-isa na lang ako sa buhay at ako lahat ang nag-aasikaso para maipalibing si mama. nasa punerarya pa rin ang labi niya hanggang ngayon at kailangan ko pang makabuo ng around 25k pesos para mailibing siya nang maayos, pero wala na akong mahiraman at walang sapat na maitutulong ang mga kamag-anak ko.

sinubukan ko pa ring pumasok sa bpo work ko right after ko malaman na hindi paid ang bereavement leave ko, kasi kailangan ko talaga ng pera. kaso first day pa lang, dumugo na ang ilong ko sa sobrang stress at puyat, nahilo ako, at pinipigilan ko nang mag-breakdown habang may kausap na customer sa call. pinauwi ako at na-hold muna ang door access ko dahil kailangan ko magpasa ng fit to work certificate bago makabalik.

hanggang ngayon hindi pa ako nakakabalik kasi naghahanap pa rin ako ng paraan para makahagilap ng pambayad sa libing ni mama. sinubukan ko na lahat, nag-apply ako sa mga lending apps pero rejected, nag-try ako sa sss/gsis loans at lumapit na rin sa mga government agencies para sa burial assistance pero hanggang ngayon wala pa ring updates at matagal ang proseso. ngayon, nakatanggap na rin ako ng return to work order at notice to explain mula sa hr namin at may 120-hour deadline ako para magpasa ng explanation at ebidensya kung bakit hindi ako nakakapasok.

nag-try na rin akong gumawa ng gogetfunding para kay mama at nag-share sa iba't ibang platforms, pero wala pa ring nagdodonate hanggang ngayon. i'm just hoping to get lucky somehow or maybe get some advice kung ano pang pwedeng gawin sa ganitong sitwasyon. sobrang bigat na ng pakiramdam ko, parang sabay-sabay bumabagsak lahat, at hindi ko na alam kung paano ko pa kakayanin mag-isa.


r/PanganaySupportGroup • • 3d ago

Discussion VINCENT

Post image
111 Upvotes

Sabi nga sa isang kanta, "this world was never meant for one as beautiful as you".


r/PanganaySupportGroup • • 3d ago

Advice needed Can anyone suggest any decent job for my parents?

6 Upvotes

Nakaka-frustrate lang kasi whenever I asked them na maghanap sila ng work na magbibigay sakanila ng maayos na income, inuunahan agad nila ng wala silang alam kundi magtanim lang at mangatulong. Hindi po ako against sa nagtulong sa mga magulang ko para mapagtapos ako kaso yung pagtatanim nila, hindi na yon sapat for their everyday expenses. My parents earns only P 7,000 every month at minsan mas mababa pa. We lived in province, nagwo-worry rin ako sakanila kasi mainit ang panahon. They are around late 40s at napansin ko na grabe yung pinayat nila this year because we are drowning in debts. Ako, andito sa Manila and hindi naman ganon kalaki yung sahod para ma-cover pa yung ibang expenses nila. Yung mother ko 2 years been doing tapal system until wala na siya mapagkunan. We’re almost 800k in debt, at since walang maayos na income ang parents ko, hindi namin magawang mapaikot yung pera na dumadating samin. At ngayon, may kapatid ako in college na balak na rin nilang patigilin.

Wala nang ibang way ang alam ko na makakatulong samin kundi maghanap ng mas maayos na trabaho o pagkakakitaan instead of utang na naman. Ang problem din kasi is yung parents ko ay hindi nakapagtapos. So, if anyone can help us or may suggest something, kindly share please.

Thank you po.


r/PanganaySupportGroup • • 2d ago

Discussion Lf: Currently bread winner and has/had parents who abused illegal drugs.

Post image
1 Upvotes

‎CALLING FOR RESPONDENTS!!

‎

‎We're looking for respondents who qualify the following:

‎

📌19-24 years old

📌‎school dropped out and currently a breadwinner

‎📌has parent/s who abused illegal drugs

‎

‎Good day everyone! We are 4th year BS Psychology from Makati Science Technological Institute of the Philippines. We're here to hear your experiences related to our research entitled:

‎"The Lived Experiences of Filipino Out-of-School Youth Breadwinners from Families Affected by Parental Drug Abuse in Metro Manila"

‎

‎Our study aims to gain a deeper understanding of the participants' lived experiences. Your response may help us guide appropriate programs and support systems that address their needs and promote their growth, resilience, and overall well-being.

‎

‎In accordance with Republic Act No. 10173, or the Data Privacy Act of 2012, all information gathered will be kept strictly confidential and used solely for academic research purposes. Participants' identities and personal information will be protected.

‎