72 hours.
Three whole days without a single message from you.
Nd ko akalain na dadating ako sa point na pati oras binibilang ko na kung gaano na katagal since your last message.
Dati, I used to count the days until I'd see you again. Ngayon, binibilang ko na kung ilang oras na kitang nd nakaka chat.
How are you?
Kumusta ka na kaya? Anong ginagawa mo ngayon? How was your weekend? Umuwi ka ba? Lumabas ka ba with your friends? May mga nangyari ba na dati ikukuwento mo sana sakin?
Did you even think about me?
Or have you finally gotten used to a life without me?
Ako? Wala naman.
Another weekend spent thinking about you. Iniisip kung asan ka, anong ginagawa mo, kung ok ka lang. Paulit ulit na chine check ang phone, hoping na baka may message ka na.
And the saddest part?
Nd pa din ako sanay na wala ka.
At ayoko pang masanay.
Alam mo kung ano un pinakamasakit?
It's not just that you broke up with me.
It's that you made me believe you weren't really going to disappear from my life.
I still remember that day. October 10. The day you told me you couldn't commit anymore.
Sobrang sakit. I was sitting there trying to understand everything you were saying habang unti unting nadudurog un puso ko.
Pero alam mo, kahit sobrang nasaktan mo ko that day, nd ko pa din magawang magalit sayo.
Actually, naaawa pa nga ako.
I felt like you were carrying something heavy. Parang ang lungkot lungkot mo. Parang may pinagdadaanan ka na nd mo masabi o nd mo alam kung pano haharapin.
I remember you telling me na feeling mo nd ka na magkakaroon ng relationship forever.
And that stayed with me.
Kaya naisip ko, maybe you're dealing with some kind of internal conflict. Baka may mga bagay kang pinagdadaanan na mas mabigat kaysa sa kaya mong sabihin sakin.
Maybe that was the reason you couldn't stay.
Nd ko alam kung tama un pagkakaintindi ko. But that's how I tried to make sense of everything.
Imagine that.
You were breaking my heart, pero ako pa un nag aalala kung ok ka lang.
And then you offered friendship.
Sabi mo, we could still message each other. Tuloy pa din ang chismisan, mga random stories, good mornings, pati mga sermon mo sakin. We could still hang out someday, kahit nd muna agad.
And then you told me I was special.
Nd lang basta special.
You told me I was one of only two people who were there during the lowest point of your life.
Sabi mo, sobrang thankful ka sakin. That I had been a big help to you during that difficult time.
And because of that, nd mo kayang mawala un connection natin.
Do you have any idea how much those words meant to me?
Kasi kahit nd mo na ako kayang mahalin as your girlfriend, at least alam kong may halaga pa din ako sa buhay mo.
I was there when you were struggling. Andun ako nung kailangan mo ng makakasama at makakausap.
And hearing you say na nd mo kayang mawala un connection natin somehow made the breakup a little easier to bear.
Kaya sabi ko sa sarili ko, ok.
Maybe I can't have you as my boyfriend anymore.
Pero at least nd ka tuluyang mawawala sakin.
Makakapag message pa din tayo. Makakapagkuwentuhan. Makakapag asaran. Makakapag chismisan. At kahit nd na tulad ng dati, at least parte pa din tayo ng buhay ng isa't isa.
And I held on to that.
Pucha, I held on to that.
Naalala mo ba nung tinanong kita, what if nd ko mapigilan un sarili kong magsabi ng "I love you"?
Sabi mo, try my best na pigilan.
And I did.
I really did.
Since the day we broke up, never ko nang inopen un tungkol satin.
Nd ko sinabi sayo na mahal na mahal pa din kita. Nd ako nagtanong kung may chance pa ba tayong magkabalikan. Nd kita kinulit tungkol sa feelings mo.
I never brought up our relationship again.
Because I wanted to respect the friendship you offered.
Ayokong maging uncomfortable ka. Ayokong maramdaman mong pine pressure kita (dahil tandang tanda ko un, ayaw mo ng pressure). At higit sa lahat, ayokong bigyan ka ng dahilan para lalo kang lumayo.
So I kept everything to myself.
Lahat ng pagmamahal ko. Lahat ng tanong ko. Lahat ng pag asa ko.
I poured them into these letters instead.
I learned to message you like a friend kahit sa totoo lang, boyfriend pa din ang tingin ng puso ko sayo.
Natuto akong maging masaya sa maliliit na bagay.
A good morning. A random photo. A video. Konting chismis. Kahit simpleng exchange of messages lang.
Nd na ako nag expect ng same attention na binibigay mo nung tayo pa.
I tried to match your pace.
And eventually, akala ko nasasanay na ko.
Akala ko kaya ko na un gantong setup. Na kahit friends na lang tayo, at least anjan ka pa din.
Until the messages became less frequent.
Unti unting humaba yung pagitan.
And now, 72 hours.
Nothing.
Ang daya mo! Ang daya daya mo!
You already broke my heart once.
Bakit pakiramdam ko binabasag mo na naman ngayon?
If you never really wanted us to be friends, sana nd mo na sinabi.
Kung friendship lang un inoffer mo para mabawasan yung guilt mo, sana nd mo na ginawa.
Sana tinapos mo na lang lahat nung October 10.
Sana sinabi mo na un buong katotohanan.
If there's someone else, sana sinabi mo.
Kung wala ka nang feelings sakin, sana sinabi mo.
Kung ayaw mo na talaga akong maging parte ng buhay mo, sana naging honest ka na lang.
Even if the truth was that you couldn't stand having me around anymore.
Kahit gaano kasakit, sana sinabi mo na lang.
At least isang beses lang akong nadurog.
At least un pag iyak ko nung araw na un, un sakit na naramdaman ko, doon na sana nagsimula un tuluyang pagdadalamhati ko sa pagkawala mo.
Instead, you gave me something to hold on to.
You gave me friendship.
And I spent weeks learning how to accept that.
Tinatanggap ko na nga na friends na lang tayo. Tinatanggap ko na un way ng communication natin. Nd na ako nagde demand ng oras o attention.
I was trying so hard to be okay with what you could give.
Tapos biglang ganto.
Three days of silence.
And now I feel like I'm back to October 10.
Same pain. Same fear. Same questions.
Magme message ka pa ba?
Are you waiting for me to message first?
Ako ba dapat mauna?
Or are you hoping na kusa ko na lang maintindihan na ayaw mo na?
Nd ko alam.
And I hate not knowing.
May isa pa kong nd makalimutan tungkol sa araw na nakipaghiwalay ka.
The seven-page letter I gave you.
Ayoko pa sana talagang ibigay un.
Those seven pages contained things I couldn't bring myself to say out loud. Lahat ng nararamdaman ko, lahat ng gusto kong sabihin, andun.
Pero sabi mo sakin, bakit nd ko ibibigay eh ginawa ko naman un para sayo?
So I gave it to you.
Sabi mo babasahin mo.
Sabi mo sasagutin mo when you're ready.
Pero sinabi mo din na wag kitang tatanungin kung nabasa mo na ba.
Basta babasahin mo, at malalaman ko na lang kasi ikaw mismo ang magme message sakin kapag ready ka na.
And I listened.
Nd kita tinanong. Not even once.
Hanggang ngayon.
Alam mo, minsan naiisip ko, kahit wala na tayo, ikaw pa din ang nasusunod.
You didn't want me to say "I love you" anymore, so I stopped saying it.
Ayaw mong pag-usapan natin un relationship, kaya nd ko na inopen.
You didn't want me to ask about the letter, so I waited.
Gusto mong maging friends tayo, kaya sinubukan kong maging kaibigan mo.
Everything was on your terms.
And I followed.
Not because it was easy.
But because I was terrified of losing you completely.
Pero pano naman ako?
What about the things I wanted to say?
Pano un mga tanong ko na hanggang ngayon wala pa din sagot?
What about all the feelings I had to keep to myself every time we exchanged messages like nothing had happened?
Did you ever think about how hard that was for me?
Nd ko naman hinihingi na mahalin mo ulit ako every time we message.
I wasn't asking you to take back your decision.
I was just trying to hold on to the friendship you said you wanted.
Pero ngayon, pati un parang nawawala na.
And sometimes, I still wonder about those seven pages.
Nabasa mo ba talaga?
Did you finish reading everything?
Tinago mo ba?
Is it still somewhere in your room, kasama ng ibang gamit mo?
Or did you throw it away?
Nakalimutan mo na ba kung saan mo nilagay?
Or worse, nakalimutan mo na ba na may letter akong binigay sayo?
And what exactly did you need to be ready for?
I never asked you because you told me not to.
Pero nd ibig sabihin nun na nd na ko nag aantay ng sagot.
You were so gentle with me that day.
Ang bait mo pa din sakin kahit sobrang sakit na ng mga sinasabi mo.
And maybe that's why I'm so confused.
Because I can't reconcile the man who told me I was special, who said he was thankful for everything I'd done, and who couldn't bear to lose our connection, with the silence I'm experiencing now.
Nd ko alam kung sadya kang lumalayo.
Maybe you're just busy.
Maybe may pinagdadaanan ka na naman.
Or maybe, three days without messaging me doesn't mean anything to you anymore.
Pero sakin, ang bigat bigat. Napakabigat.
It feels exactly like the day you broke up with me.
Un sakit sa dibdib. Un walang tigil na pag iisip. Un takot na baka nd na kita makausap ulit.
Parang nagsisimula na naman ako sa umpisa.
I want to be angry with you.
God, I really do.
Pero bakit nd ko magawa?
Even on the day you broke my heart, I couldn't hate you.
Instead, I worried about you.
At hanggang ngayon, ganun pa din.
Iniisip ko kung ok ka lang. Kung may poblema ka ba. Kung may pinagdadaanan ka na nd ko alam.
Still trying to understand you, kahit ako mismo nd ko na maintindihan kung anong nangyayari sakin.
And I hate that I still love you this much.
Sobrang mahal na mahal pa din kita.
I hate that I still check my phone.
Na bawat notification, umaasa akong ikaw un.
I hate that I still wonder whether you'll message.
Na kahit wala kang paramdam, ikaw pa din un gusto kong kuwentuhan tungkol sa araw ko.
I don't even know what I'm waiting for anymore.
A message?
An explanation?
An apology?
O kahit simpleng reassurance lang na nd pa ako tuluyang nawawala sa buhay mo?
Maybe you'll message tomorrow.
Baka next week.
Or maybe you won't message again.
And that possibility scares me more than I can explain.
Kasi nd pa ako ready na mawala ka nung una.
And I'm still not ready now.
You told me we could be friends.
Sabi mo special ako sayo.
You told me I was there during one of the lowest points of your life.
Sabi mo sobrang thankful ka sakin. Na malaking tulong ako sayo.
And you told me you couldn't bear to lose our connection.
I believed you.
At hanggang ngayon, gusto ko pa din maniwala.
So please, don't let those words become another thing I have to grieve.
Kasi nawala na sakin yung lalaking mahal ko.
Please, wag naman sanang mawala pati yung kaibigang sinabi mong mananatili.
I already lost you as the man I loved.
I don't know how to survive losing the friend you promised you'd still be.