‘HUWAG NA PO TAYONG MAGLOKOHAN, MAINIT NA ULO KO, UMAGA NA!’
Tumalak at nagsisigaw si Senador Robinhood 'Robin' Padilla dahil sa matagal nang hindi naisasakatuparan na Water Sensitive Urban Tollway component ng North Luzon East Expressway (NLEE), na na-award sa Ausphil Tollways Corporation noong 2007.
Sa deliberasyon ng panukalang 2027 national budget, hinimok ni Padilla na ipaliwanag kung bakit nananatiling hindi naipatutupad ang proyekto, sa kabila ng Public-Private Partnership (PPP) scheme nito na hindi umano nangangailangan ng direktang pondo mula sa gobyerno.
Ipinaliwanag ni Senador JV Ejercito, na sponsor ng budget, na nakabinbin pa ang proyekto dahil sa mga legal na usapin at ilang dokumentong kailangang makumpleto.
Lalong naging mainit ang ulo ni Padilla dahil sa umano'y ₱100 milyong hinihinging halaga para maaprubahan ang proyekto.