r/OffMyChestPH • u/RickHunter-6969 • 7h ago
TRIGGER WARNING My son has ASD, my wife is bipolar
Im a 41yo M, asawa ko is 38yo F. Galing kami sa dev pedia last thurs after months of waiting, and it was confirmed na our 4yo son has autism spectrum disorder. Sabi ng dev ped minor delay siya especially sa speech and socialization, pero he's excellent in academics and cognative since he can read and memorize stuff. Sabi din ni dev ped na with therapy and proper support, mataas ang possibility na makacatch up anak namin sa delay niya and he is very smart kaya maganda potential niya for the future.
Im not worried about my son at all, mataas tiwala ko sa kanya since nakikita ko naman ang capabilties niya. Pero ibang usapan asawa kong may bipolar. Ever since ng diagnostic, nagiba tingin niya sa anak namin. Parang tingin niya dito ay habambuhay na naming pasanin. Tinatry kong iconvince siya na doc na nagsabi na despite ASD, mataas ang potential ng anak namin. Pero lagi siyang inaatake ng anxiety about sa future ng bata. Nagiging suicidal na din siya dahil feeling niya hopeless ang situation. Kinoconvince ko din siya na magpatingin sa psych at kung need increase ang meds niya, gawin nya para patuloy siya magfunction. Since kami lang 3 sa bahay, I need her lalo pa ngayon, di ko kayang magisa ang burden na ito.
Minsan naiisip ko na ialis na lang muna anak ko dito, palakihin ko siya at ipatherapy at bumalik na lang kami pag nakapagcatchup na siya. Pero wala naman akong resources para gawin yun. Di ko rin kaya kasi mahal ko naman talaga asawa ko.
I dont know what to do anymore. Di ako stressed sa anak ko, pero iba sa asawa ko. Doble pa iniisip ko,.imbis na anak ko na lang alagaan ko, dalawa pa sila. Yung mental and minsan physical health ko din naaapektuhan na.
Sana may mga kadamay ako dito, mga tatay na lumalaban parin kahit hirap na hirap.