Years na when my mother and only brother died. I grew up with just the three of us.
My father is still alive but never close. Lalo lang din nagkalayo loob namin nung nalaman ko may iba pa akong kapatid.
Yung Mama ko, strict. Sa sobrang strict, nasa bahay lang ako halos palagi. Hindi pinapayagan lumabas kaya hindi rin nakapagbike. Pero noong mga panahon na yun, okay lang. Kahit siguro ngayon, kahit pinagtatawanan ako ng iba, okay lang. She is not even the supportive type. I remember one time na lumagpas ng 5PM ung choir practice ko sa school. I was booted out because of puberty lol. Piyok ng piyok. Anyhow, I cried nun. Mama can see it. Pero wala. Hahahah. I still appreciate her though kasi tingin ko, naging appreciative ako because of her. Miss ko na siya. Sobra.
Naaalala ko pa nung sinabi kong nabuntis ko girlfriend ko, dismayado siya. Well, sino ba naman hindi? Pero siya nagturo na maging responsible noon. Pangatawanan ang mga bagay-bagay. Gawin ang kaya na walang inaabala. Less talk lang talaga siya.
Yung Kuya ko, baka nga bunso. LOL. Dumating kasi sa punto na yung mga decision nya, sa akin na nya tinatanong. Siya pa rin Kuya ko kasi, maraming beses na may mabigat akong decision na kailangan gawin, pero todo suporta siya sa akin. Nakakamiss may kakampi.
Ayun nga lang, nagkaroon ng conflict between being committed to my new family. Syempre oras at attention. Too late na nung malaman ko na kailangan ako ng kapatid ko. Nasa hospital na, malala na. Ang hirap magJuggle ng oras para masamahan siya sa mga check-up. Dagdag isipin pa noon na may asawa ako, na hindi marunong umintindi. Alam ko na may kaya pa akong gawin noon, pero wala akong lakas ng loob. Conflicting eh - si Kuya or asawa ko? Kaya siguro hanggang ngayon, hindi ko mapatawad sarili ko.
Nawala sila, halos magkasunod din. Parang nawala yung childhood ko. Wala na yung mga witness. Wala na akong makakwentuhan para alalahanin ang nakaraan. Wala akong matanungan kung tama pa ba? Magtitira ba dapat ako sa sarili ko? Kasi lumaki ako na ibigay ang kaya. Pero napapagod na rin ako.
Sabi nga nila, set your expectations low or nothing at all. Para hindi maDisappoint. Pero kasi naman, you are giving your all tapos makikita mo na parang wala lang? I hope someone makes an effort, for me, just even for a day. Make me forget my worries. Escape from reality.
Pero wala eh.Nasasabihan pa nga akong moody. Paano kung kayo nasa position ko sa daming iniisip at makikitang di nyo pinapahalagahan ang effort at oras na inilalaan ko? Those two would know. I miss them. Kailangan na nga bang umuwi para makasama sila?