r/phhorrorstories • • 11h ago

Haunted Places Bahay ni Kuya, haunted?

725 Upvotes

Saw this video on TikTok. Eerie na same spot nangyari yung pagkauntog. What can you guys say? Ang creepy for me. This is in addition to the housemates’ frequent bad dreams.


r/phhorrorstories • • 9h ago

Ghostly Encounter Motel sa tapat ng Sm bacoor

17 Upvotes

Itong experience ko na to matagal na nangyari 2016 or 2017. may long time boyfriend ako that time at napag desisyonan namin na mag 24hrs stay sa isang motel sa bacoor. ung location nya katapat lang ng Sm bacoor. so ayon na nga nakapg check in na kami. mga bandang gabi na un nung nangyari nag half bath ako. ung door ng cr di ko na sinara kaya open lang tlg sya. habang naglilinis ako ng katawan ko napatingin ako sa gilid ng pintuan ng cr at dahil nga sa hindi ko naman sya sinara may espasyo sa likod. may nakita akong bata kasing taas lng sya abot ng door knob ang hindi ko masure kung sunog ba sya or puro putik sya ganon ung itsura nya nakatingin sakin tapos bigla syang nawala. sobrang takot ko sumigaw ako nataranta ung jowa ko (Ex na) pumasok sinabi ko saknya ung nakita ko and dali dali ko na tinapos ung half bath ko habang nkabantay sya kasi nga takot na takot na ko. so ayon tinuloy pa din namin ung stay namin nakapag jugjugan pa kami and everything. patulog na kami non hnd kami nag sara ng ilaw and tv may nakita akong usok malapit sa pintuan ng cr edi syempre natakot na naman ako ng bonga sinabi ko sa bf ko tapos sumiksik talaga ako sakanya para mapunta ako sa gilid ng pader para kung may multo sakanya muna dadaan. tapos sabi ng bf ko may nakita nga din daw syang usok pero sandali lang nawala din. pero di naman sya natakot or baka nag tatapang tapangan lang sya. takot na takot na talaga ako non kaya tumawag ung jowa ko sa recep nag papalit sya ng room kasi iyak nako ng iyak sa takot ko pumayag naman ung staff nilipat kami ng ibang room sa nilipatan namin okay naman wala ng weird feeling walang usok. after non hnd na kami nag check in don. yon lang share ko lang.


r/phhorrorstories • • 8h ago

Ghostly Encounter Puting babae sa fitting room

10 Upvotes

Nangyari sakin to nung nag work ako sa isang clothing store sa SM bacoor. Morning shift ako ng araw na to. sa work namin naka per area kami. ang hawak ko ung pants area malapit sa fitting room na nasa pinaka likod katapat ng store room. sa store na un may 3 fitting room. ang kasama ko sa duty ung clerk namin ang gawain naman nya checking ng inventory sa loob ng store room. habang nag tutupi ako ng mga pants. mejo naka talikod ako ng konti sa store room pero kita ko pa din ung pinto nya. habang nag tutupi ako may nakita ako dumaan papunta sa fitting room akala ko ung kasama ko na clerk pumasok sa dulong fitting room para manalamin make up make up.may itinanung ako saknya non pero nagulat ako nung sumagot sya nasa store room sya edi syempre nalito ako tinanung ko sya sabi ko " Kala ko nasa fitting room ka maem?" sagot nya sakin di pa daw sya nalabas ng store room kasi di pa sya tapos mag inventory. pero pinilit ko saknya na nakita ko may dumaan sa gilid ko papunta sa fitting room pumasok sa pinaka dulong room. kinuwnto na nya sakin na may ate girl daw sila don. and pag nag pakita daw sayo un swerte daw malaki benta mo. ung pinaka dulong room daw na un un daw favorite ni ate girl na pwesto. nung time na nakita ko un di ko pa alam ung about kay ate girl lagi pa naman ako natambay don. don ako nag mamake up, nag papahinga para umupo.after non di ko na sya nakita or nafeel.ang store sarado na din sya now malapit sya sa dept store at may katabing ATM.


r/phhorrorstories • • 23h ago

Ghostly Encounter E. Rod Incident

36 Upvotes

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim.

Binibilang ko sa aking isip kung ilan ang laman ng jeep na sinakyan ko sa may Welcome Rotonda. Alas-Tres ng madaling araw, pilit kong nilalabanan ang antok.

Nasa likuran ako ng drayber. May magkasintahan sa kanan ko. Isang matandang babae sa aking harapan na natutulog at dalawang lalaki malapit sa estribo. Isa, dalawa, tatlo... paulit-ulit akong nagbibilang, apat... lima... anim… anim kaming pasahero sa loob. Patuloy sa pagbyahe ang aming sinasakyang jeep sa kahabaan ng E. Rodriguez, nang may sumigaw ng "PARA!".

Huminto ang jeep. Tumingin ang drayber sa kanyang rear mirror, pero walang gumalaw sa aming mga sakay para bumaba.

May, bababa ba? Tanong ng drayber kasunod nag paglingon nito patalikod. Walang umimik sa amin.

Tumingin ako sa labas, pero wala kong makita sa dilim ng kalsada. Wala din ibang papalapit na tao mula sa labas, na indikasyon na ang pumara ay galing sa labas..

Pero hindi pwede, malakas ang sigaw na umalingawngaw sa loob. Malinaw, na para bang katabi mo lang. Boses babae, matinis at maliit. Maliit na bata. Pero paano? Walang bata sa loob, wala din bata na nakasabit sa estribo.

Ang magkasintahan ay tumigil sa paghaharutan, ang matandang babae sa aking harapan ay mahimbing pa rin ang tulog. Ang dalawang lalaking malapit sa estribo ay tumigil sa pagkwekwentuhan. Tahimik kaming lahat, nang may mga yabag kaming narinig papunta sa estribo ng jeep, ilang sandali pa ay yumanig ng kaunti ang jeep, na para bang may bumaba at nabawasan ito ng bigat.

Nagkatinginan kaming lahat, maliban sa matandang babaeng tulog.

"Putang Ina! Sambit ng drayber, at dali-daling pinaharurot ang sasakyan. Ang kaninang dalawang lalaki sa estribo ay ngayon halos nagsumiksik sa gitna ng jeep.

"Narinig niyo ba 'yun?"

"Sino yun?"

"Ano yun?"

Ang dalagang kanina ay maharot ay ngayon ay umiiyak. "Sino yun, beh, natatakot ako!"

Mabilis ang pagpatakbo ng drayber. Walang hinintuang ibang tao o pasahero sa daan, konting menor sa mga stop light, kasunod ang harurot, habang sumusulyap-sulyap siya sa amin.

Tumigil kami sa may kanto ng Ermin Garcia. Pinagpapawisan yung dryaber. Patuloy sa pag-iyak ang dalaga, na kinakalma ng kanyang nobyo. Nagising ang matandang babae, nagtataka pero hindi nagsalita. Nakikinig lamang at nakamasid.

Ano yun?

Naramdaman mo ba iyon?

Narinig niyo ba yun?

Lahat kami pilit na gustong bigyang linaw o kahit kaunting lohika ang nangyari.

Ilang sandali pa ay nagsalita na rin ang drayber na hinahabol ang kanyang hininga,

"Okay lang kayo? Pasensya na kailangan ko iharurot."

Ano 'yun kuya?

"Mukhang may nakisabay, bumaba sa Q.I. (Quezon Institute)"

Nanindig ang balahibo namin sa kwento ng drayber. Madalas daw may magpakita sa kahabaan ng E. Rodriguez sa may QI. Madalas daw ay mga bata na nakatayo sa loob ng bakod ng hospital, nakatanaw sa mga dumadaan. Minsan matandang babae. Minsan ay babaeng umiiyak sa bangketa, na biglang nawawala.

Tahimik kaming nakikinig sa kwento ng dryaber. Ang matandang babae ay nilabas ang kanyang rosario at nagsimulang magdasal nang tahimik.

Marahil may sumabay daw sa amin na nilalang at bumaba sa QI. Isang ligaw na kaluluwa ng pasyente o Pilipinong namatay noong World War 2 noong okupahin at gawing garison ng mga Hapon ang Santol Sanitarium na dating pangalan ng QI.

Nakarating kami sa Cubao. Bumaba ako sa tapat ng Mercury bago tumawid ng EDSA. Kasunod ang dalawang lalaki na patuloy na nagkwekwentuhan kung paano paano sila natakot, at magkasintahan na umiiyak pa rin ang dalaga.

Sa aking pag-apak sa bangketa, lilingunin ko sana ang jeep pero biglang may tumapik sa aking balikat, yung dalawang lalaki na kasabay ko.

"Grabe, nakakatakot yung nangyari"

Tumango ako

"Grabe yun, ako din nagulat kung saan nanggaling yun"

"Nakakatakot lalo boses bata", sagot ko.

"Ang lakas at linaw ng boses, eh wala naman bata doon, tapos 5 lang naman tayo pasahero", sabat ng isa pa.

"Diba anim tayo kanina?", sagot kong nagtataka".

"Oi, pre wag ka ganyan 5 lang tayo, wag ka mantrip, kaming dalawa yung mag-syota saka ikaw".

Muling nanindig ang balahibo ko, at

dali-dali akong lumingon para tignan ang jeep. Umaandar na ito nang aking masulyapan. Sa loob nakita ko ang matandang babae.

Nakasenyas gamit ang kanyang hintuturo na nakalapat sa kanyang labi, na nagsasabing "tumahimik ka". Pero hindi siya sa akin nakatingin, hindi para sa akin ang senyas na iyon. Kundi para sa isang batang babae na kanyang kalong sa loob ng jeep.


r/phhorrorstories • • 14h ago

Haunted Places MEDYO HAUNTED ANG KWARTO KO

7 Upvotes

Gusto ko lang i-share mga experiences sa kwarto ko. There are several accounts from me, some friends, and relatives din. Ilang taon na kaming nakatira sa bahay na ito pero ito lang mga natatandaan ko and di pa naka arrange in chronological order. The stories are not super scary pero they are still worth remembering, writing down, and reading for me. Medyo skeptic din ako sa mga ito since some of them may explanation ako what may have happened. For context sa tingin kong pinaka reason kaya maraming pagpaparamdam sa kwarto ko, ang pinto ng banyo ko ay nakatapat sa salamin. As in as soon as binuksan mo ang pinto ng banyo ko ay makikita mo kaagad reflection mo. Hindi ako sure kung familiar ang lahat sa pamahiin na masama yung ganitong setup sa banyo kasi nagiging daanan sya or lagosan ng mga elemento and/or multo. Since nilipat ko na yung salamin kumunti na yung mga pagpaparamdam. Here are the experiences:

  • Itong una kong kwento ang reason kaya naisip ko mag share kasi ito ang pinaka recent when me and some friends were playing dungeons and dragons or D&D sa kusina namin. katapat lang ng pinto ng kwarto ko ang kusina. Naiwan kong nakabukas yung pinto at ilaw ng kwarto ko after getting some stuff for the game. I asked my friend closes to my room to turn off the light so he did and kitang kita kong na off nya kasi nag thank you pa ako sa kanya. A few minutes later di namin napansin naka on na ulit yung ilaw. None of us stood up from our chairs since inoff yung ilaw since focused kami sa game. My other friend, who claims to have been helper ng exorcist dati keeps staring at my dark room nung turn nya na sa combat. I called his attention and we kept on playing. A few more hours into the game we went out for a smoke kasi bawal manigarilyo sa loob ng bahay namin then nasabi nya may nakikita daw sya sa room ko. I describe nya pa sana pero I want to focus on the game once we resume so sabi ko wag nya na i-describe. Needless to say we played until morning para umaga na bago ako pumasok ulit sa kwarto ko.
  • This one naman is told to me lang by my pamangkin when he stayed the night at our house. Bagong bili ko lang ang Monster Hunter Wilds for my ps5 and this kid been playing previous installments ng game with me since the PSP days so naturally gusto nya makilaro. I had a shift that night since I work at a call center so sabi ko maglaro sya magdamag if gusto nya as long as wag sya maingay para di magising parents and sister ko. Pag uwi ko nung umaga wala sya sa room ko as I expected him to sleep there after playing. So I asked my dad about him if umuwi na. Turns out this 17 year old kid got so scared daw na dun sya natulog sa room ng parents ko, natatawa pa tatay ko habang kinikwento sakin. Pamangkin wakes up and I ask him what happened. Ang kwento nya aroun 3am (cliche I know) gumalaw-galaw daw ang pinto ng banyo ko and then a clawed hand stuck out of it that he describes as "parang kamay ni Sukuna" from Jujutsu kaisen. He still comes over to play but he learned to always keep the bathroom door closed.
  • D&D night and mag-isa ako sa bahay waiting for my friends/players to arrive. Nakatambay ako sa room ng parents ko (room lang nila ang may AirCon) with my laptop writing some prep work for the upcoming game since ako ang dungeon master or DM. The first one to arrive is Lou (not his real name) so pinagbuksan ko sya ng gate and while he parks his ride sinabi ko sya na pasok lang sya sa back door namin mauna ako pumasok to get my laptop. Pag join ko sa kanya sa kusina kung saan sya nakatambay gulat sya na lumabas ako from my parents' room. Nakita nya raw kasi akong pumasok sa room ko pagpasok nya sa backdoor that leads to the kusina. Di kami pumasok ng kwarto ko until dumating yung iba pang players.
  • Bumisita nung araw na yun sa bahay ang family ng pinsan ko. Si Ate Len(pinsan ko), Kuya Mil(asawa nya), Jr (panganay nila), at Mara (bunso nila). We had a nice lunch together pero as usual, spooky stuff happened before sila umuwi. They are preparing to go home pero nanonood ako ng movie sa living room TV nun and nakikinood pa sakin si Jr savoring the movie to the last minute before they head home. Mamaya maya pumasok ulit ng bahay si Ate Len nagagalit kasi kanina pa sya inaantay ng fam nya sa kotse nila. Sabi ni Jr kakakita lang nya sa kapatid nyang pumasok ng kwarto ko kaya akala nya may ilang minutes pa sila (my room door is visible from where he was sitting since yung divider where the living room TV was mounted ay ang only separation ng sala at kusina where it leads to my room). Nalito si ate Len kasi kanina pa nasa kotse si Mara with them. Jr checks my room and she is not there. To this day he still swears that he saw her sister enter my room pero tbh I think nag re reason lang sya di muna umuwi but I included it here still since I would not put it entirely unbelievable based on experience.
  • One mid morning I came home from a shift. I was super tired since I put in some overtime since I need the money for some game or action figure. Medyo Mainit nun so I left my room door and bathroom door open to have some air flow. I woke up while my sleep is mababaw pa. I was lying sideways on my bed and I see this woman wearing a white dress walking slowly from my room door to my bathroom door. I just laid there unmoving and watching. When I got over the scare I stood up and closed the bathroom door and went back to sleep. Some of you may wonder why I went back to sleep after that pero I still have a shift later so I need sleep and sabi ng isang tito ko before wag mo hahayaang palayasin ka ng takot sa multo sa sarili mong kwarto, also she did not pay attention to me anyway might just be walking by.
  • Another night of just me home and I asked the boys to play some D&D. This time Ian is the first to arrive. The gate was open so he parked sa driveway namin and I let him in through the backdoor to the kitchen. Nasa sala ako doing some prep work on my laptop. When he joins me sa sala he asked me if sasali sa game pinsan ko (my cousin was living with us in my room at the time since he is college para makatipid since he does not have to pay rent and his university is closeby). Sabi ko hindi sya sasali kasi umuwi sya sa hometown nya, Ian looks at me confused kasi nakita nya raw nakasilip pinto ng room ko yung pinsan ko naka simangot sa kanya and sinaraduhan sya ng pinto. We played some K-pop music vids sa TV pananggal takot lang until the others arrived.
  • last story ito ang pinaka tumakot sakin kasi di ko sya ma brush off like the other previous stories since it happened to me when I was wide awake. Just finished playing on the PS5 so humiga na ako sa kama ko on my doomscrolling nagpapa antok. Then my electric fan suddenly turns to the side away from me as if may sumagi. I immediately turn my phone flashlight on and point it sa electric fan, my doors are locked and I am alone and the electric fan is point towards my bathroom door. I grab the remote of my solar powered light and turned it on. I pointed the fan back towards my bed and continued doom scrolled.

Those are some of the stories of my room. Just finished writing this when I realized I am still going to sleep the same room where all these hauntings happened. Weirdly enough sanay na ako and mas nakakatakot mag move out of my parents house in this economy than any ghost so Imma still stay here. Thanks for reading!!!


r/phhorrorstories • • 1d ago

Unexplainable Events Creepy Start Menu Search

Post image
228 Upvotes

Gawin ko na lang maiksi:

As someone looking for a job tirelessly umaga at gabi, nagpahinga muna ako kasi gagamitin ng husband ko ang PC.

After nya, sabi ko wag mo muna i-off kasi may tatapusin muna ako. And then after a few moments, nahiga na sya and siguro after an hour ginamit ko na yung PC.

Pag-upo ko, ito ang bumungad sakin (hindi naka auto-off ang monitor kapag idle). Hindi ko alam pero I am trying to convince myself na may bagay na nakaipit sa number keypad ng “+” sign and number 6.

This was around 1am kagabi. Napakarus talaga ako. Ang dami rin kasi negative thoughts sa isip ko and sabi ng husband ko I need to clean and clear my mind (I have depression) kasi baka nagmamanifest na sya sa paligid ko - yung dark energy ganon (wag naman sana).

To top it all off, I even remember telling myself “ay sana magkadireksyon naman itong gagawin ko” before sitting.

The caption of the vid was, “You know the way?”.

FML nakakatakot talaga ang coincidence na to.

Some of you may be wondering if my husband did this and I can tell you with ABSOLUTE CERTAINTY na it’s a no. First, my husband NEVER pranks. Not in our 12 years of marriage. Number two, mas matatakutin pa yun sa akin. And lastly, I have been crying for the past few days because of my current mental health battle, HE WILL NEVER DO THIS.

To techy people here, if at some point may naipatong nga sa numkey na nakadagan sa + and 6, diba dapat tuloy-tuloy lang yun? Or?

PS : I have two keyboards, black yung ginagamit ko mainly (yung standard keyboard lang), di lang masyado kita sa pic.

Thank you sa pagbabasa.


r/phhorrorstories • • 18h ago

Nightmares & Dreams Picture

10 Upvotes

Hi this is my first time posting on this group

This happend kanina lang 4am and I can't forget what happened in that night

Story: nasa bahay ako ng gf ko and nakita ko picture ng tito nya nung bata pero habang tumatagal yung titig ko sa picture ng tito nya unti unti nagiging itim ang mata ng tito nya at ngumingiti when the picture blinked I freaked out ng todo dun ako nagising pero hindi dun nagtatapos ang bangungot nagising ako may malaking anino sa paahan ko or kung san naka tapat ang paa ko may nakita akong anino na sobrang laki abot hanggang kisame pero gising nako nun as in tinry ko sumigaw at gumalaw pero di ko magawa nakadilat lang ako non ng ilang minuto hanggang sa naka galaw nako at naka sigaw. Nag cp nalang ako para kalimutan ang nangyari at natulog na rin kasi may pasok pako ng 7am palaisipan ko parin kung ano yung nakita ko nung time na yon


r/phhorrorstories • • 16h ago

Advice Wanted Dreams of ghost

6 Upvotes

hi im asking for my mom, kasi the other night she fell asleep on the couch tapos today she was asking me what it meant if you dream about a ghost, i was asking her if it was a particular ghost of a friend or a family member, she told me no it was just the ghost in our house(short bacstory: we have 3 ghosts in our house but usually the one that makes pakita to my mom is the tall man-like figure, like silhouette), but now we're wondering why it was in her dream, like it was doing nothing but its still kinda creepy, also the other day my mom was leaving the house very early for a marathon as she was closing the gate she felt its prescence, then it followed her in the car on the way to pick up my cousin, even my cousin was asking if there was something in the car even though my mom didnt say a single word about it, what does all of this mean?


r/phhorrorstories • • 16h ago

Unexplainable Events Umaalulong na aso

5 Upvotes

Hi there! I’ve been pondering the whole day what happened to me on midnight kagabi. So I was peacefully cramming one of my outputs sa subject ko. I was sitting on our living room couch, everyone was sound asleep except me. Then all of a sudden, I heard the dog of our neighbor howling. I suddenly felt shivers cuz my lola told me that this was an indicator that the dog was seeing something supernatural, or may mangyayari. Though I didn’t think much of it cuz I was so locked in, and went back to typing. Maya-maya, I started to see something near our bathroom at the corner of my eye. It was white and black, but I couldn’t make out its exact shape bcoz I wasn’t looking directly at it. It seemed to change shape though, it was long, then it became short and wide. Whenever I looked up, it came closer to me. Again, I brushed it off because I really needed to finish my paper talaga 😭

The dog was non-stop howling during this, kaya I started to feel quite scared na. Pero I kept on typing. Tas I looked over sa bottom part ng laptop ko, where the time and date was. It was 11:40 na, November 25. This made me pause cause my paper was due at 26. But pagkakaalala ko, dapat 24 talaga non. I was so confused talaga, I thought maybe 25 na talaga? Pero di talaga huhu I looked at my phone and tablet next, 25 talaga nakalagay kahit hindi pa 12:00pm non. Kaya I panicked and typed faster. But grabe, 24 dapat talaga non, Idk why my devices were displaying the wrong date. Then I realized this must be connected to the dog’s howling, I stopped typing na, and went inside my room kasi natakot na talaga ako non. I js stared at my phone non, I waited for the clock to strike 12 and see kung magbabago ang date. Hindi nagbago, November 25 ang nakalagay. Ang time lang nagbago. Pinag lalaruan ba ko??


r/phhorrorstories • • 16h ago

Unexplainable Events These something off with my name.

5 Upvotes

Without doxing myself lol, 'yung initials ko is a working date formatted as year/month/date.

I figured it out because when I was in highschool, usong-uso 'yung slambook, tapos one of my classmates coded her crush's name sa numerical equivalent ng initials nung crush niya sa alphabet. Like for example, kung ang initials ng crush niya ay X.X. or x², she's writing it as 24.24 or 24².

Dahil di ko naman tinatago pangalan ko sa slambook, it never occured for me to check mine that time, I only did it recently.

It was a full blown working date, and around 84 years before I was born.

When I learned about it, it was around the time I was doing past life regression (I kept seeing snippets, images, but it doesn't make sense until I had these weird dreams).

I had a lot of dreams, yes, but only this one dream stood out to me kasi bukod sa parang isang buong life event siya, I also died in that dream. The environment, the port (where I lived in that dream), also the ships, looked like industrial revolution.

In that dream though, I'm married to a person I do not trust. Bigla na lang siyang sumusulpot and I could barely see his face. I don't even know what he's doing (all I know is that he was working for my family, and they were doing business around the port), but he saved me from death in that dream, only for me to die again in that dream.

I did compare my actual natal chart to the date on my name and it has some really interesting aspects like a cardinal t-square, and looking back, a lot of major transits these past few years completed the grand cardinal square sa chart na 'yon (I haven't checked kung may grand events ba sa life ko around that time).

Now, why I think this matters. Sa astrology kasi, cardinal signs is marking the begining of seasons. Squares are uncomfortable energies na may same modality, like dito sa cardinal t-square, it's like 3 different seasonal start interacting or competing with each other.

Hindi siya comfortable. Seasons is also being used as a life stages in life, but pag ito 3 seasons ang activated sa chart, parang they're all existing simultaneously.

Ang hirap i-track non, it would be so hard to be present in all realities at the same time. Like how can you even be present in that?

In that dream, it felt like I lived a completely different reality and a different life. Sobrang iba sa current life ko. Even the people I was talking to are treating me very differently, and even how I was responding to people are so different.

I feel dumber, too trusting, people-pleasing, to the point that I died in my dream because I don't want to offend the person who offered me food.

If that was my past life and the date on my name is when I died in the past, I think it makes sense why I turned out this way.

In that dream, I was arranged to marry someone, in this life, I'm thinking that marriage may not really for me. I'm so scared of being killed by my spouse (though none of my relatives ever experienced that, my first boyfriend though threatened me with violence, even when I was 14, I had a classmate who had been threatening me that they will beat up my friends).

I don't think my husband killed me in that dream, but it was very convenient that he is not around when I died.

What is eerier is I met someone who resembles him (my husband in my dream), and after a year or 2 of not talking and not hearing about that person, parang ang weird pa rin ng mga naging interaction namin.


r/phhorrorstories • • 1d ago

Katanungan I always experience deja vu, what does this mean?

5 Upvotes

to those na maalam about deja vu here, what does it mean really? Kasi ngayon lang na experience ko ulit ang deja vu. I had this dream probably months ago and it was about me blindly scrolling thru facebook when I came across a story from my friend and it was about his guy friend at the airport preparing to travel. Then today at 9:42 AM I came across that exact facebook story from my friend which made me mindblown. What does it mean?


r/phhorrorstories • • 1d ago

Unexplainable Events Biglaang swimming

16 Upvotes

This happened noong may biglaang swimming kami ng mga barkada ko. Sanay naman na kami sa mga biglaang lakad pero this time medyo special kasi birthday ng cousin ko so we decided to celebrate in advance. Since biglaan nga ang plano, hapon na kami nakapag-decide kung tutuloy ba talaga kami. Nag-prepare na rin kami ng mga pagkain at iba pang kailangan namin.

Usually, pinapayagan naman kami ng mga parents namin kapag may mga gala kami pero dahil gabi na kami aalis medyo hesitant na yung iba kung papayagan ba sila. May ilan din sa barkada namin na hindi pinayagan ng parents nila pero dahil nga excited na kaming lahat, tumuloy pa rin kami mwehehe. Almost 12 midnight na kami nakabiyahe and sa kabilang bayan pa kasi yung pupuntahan naming dagat, baryo na talaga siya sobrang liblib. Sumakay na kami ng skates (for those na hindi familiar parang trolley siya na dumadaan sa riles na may makina) Inabot kami ng around 1 hour and 30 minutes sa biyahe which was actually faster dahil madaling araw na at wala nang gaanong dumadaan.

First time naming lahat na makapunta sa lugar na yon kaya medyo kinakabahan na kami habang bumibiyahe. Habang tumatagal napapansin naming palayo na nang palayo ang mga bahay na nadadaanan namin literal na puro palayan na lang ang paligid at sobrang layo ng pagitan ng mga bahay. Pagdating namin don nalaman kailangan pa pala naming mag-tricycle papunta sa mismong beach. Dahil madaling araw na at nasa province pa kami nahirapan kaming makahanap ng masasakyan huhu. Buti na lang at may isang tricycle so bale 8 kaming lahat, kaya hindi kami kasya nang isang biyahe lang so we decided na dalawang beses na lang siyang babalik para maisakay kaming lahat.

Nauna nang isinakay yung apat naming kasama, kaya kaming apat ang naiwan para maghintay. Medyo madilim ang lugar tas iilan lang ang streetlights. So habang naghihintay nagkukuwentuhan at nag-aasaran kami medyo napapalakas din mga boses namin. Then, out of nowhere, may isang matandang lumapit sa amin.

Ang weird lang kasi bigla na lang siyang sumulpot kahit sarado na ang mga bahay don. Hindi namin alam kung saan siya nanggaling. Lumapit siya sa amin at iniabot ang isang supot ng suman habang sinasabi:

"’Wag kayo masyadong maingay, may natutulog na. Ito suman bagong gawa ko yan.“

Nagulat kami pero tinanggap naman namin ang suman. Nag-sorry rin kami dahil baka nga nakakaistorbo na kami sa mga natutulog sa paligid. After that, hindi na namin namalayan kung saan siya nagpunta.

Pero may isang bagay na nagpa-weird sa amin.

Saktong 8 piraso ang suman na ibinigay niya, kahit apat lang naman kaming naiwan doon. Hindi namin masyadong pinansin noong una pero nagtaka rin kami kung bakit eksaktong walo ang binigay niya. Kinabukan, habang paalis na kami may mga tao na kaming nakikita sa paligid. Naalala namin yung matanda kaya tinanong namin yung mga taga-roon kung may matandang nagtitinda ba o gumagawa ng suman sa lugar na iyon. Gusto lang talaga naming malaman kung sino yung biglang lumapit sa amin noong madaling araw.

Pero ang sagot nila?

Wala raw silang kilalang matanda roon na gumagawa o nagtitinda ng suman.

Doon na talaga kami kinilabutan.

Kasi kung walang ganoong matanda sa lugar, sino yung nakausap namin? Saan siya nanggaling? At bakit eksaktong walong piraso ang ibinigay niya?

At ang mas nakakatakot pa, for some reason, hindi namin maalala ang mukha niya. Kahit anong pilit naming balikan sa isip namin kung ano ang itsura niya wala talaga. Naalala namin kung ano ang sinabi niya pero yung mukha niya? Blanko talaga parang hindi namin kayang maalala kahit na apat kaming nakakita sa kanya.

After that, umalis na rin kami. Pero akala namin tapos na ang lahat ng kakaibang nangyari sa amin, hindi pa pala. Yung biyahe namin pauwi na dapat ay one hour and 3 mns lang jusko inabot ng halos anim na oras. Sobrang lakas pa ng ulan tapos may narinig pa kaming parang may nabasag sa may gulong ng skates namin. Sunod-sunod ang aberyang nangyari habang pauwi kami.

May ilan sa mga kasama namin ang nagsabi na baka raw may pumipigil sa amin na makauwi agad. Hindi namin alam kung nagkataon lang ba ang lahat o may kung anong dahilan kung bakit sunod-sunod ang nangyari sa amin noong araw na yon.


r/phhorrorstories • • 1d ago

Elementals (Engkanto, Kapre, Dwende, Diwata, Tikbalang, Sirena) Gabay

Thumbnail reddit.com
2 Upvotes

r/phhorrorstories • • 1d ago

True Crime Stories Kilometer 106

Thumbnail reddit.com
2 Upvotes

r/phhorrorstories • • 1d ago

Haunted Places Mt. Manalmon San Miguel Bulacan

Thumbnail reddit.com
1 Upvotes

r/phhorrorstories • • 2d ago

Katanungan November 24 Full Moon rituals

3 Upvotes

What rituals can I do for the Full Moon? Alam ko lang yung exposure ng water sa gabi or do salt cleanse pero paano siya gawin like may certain ways ba or basta-basta na lang magsaboy ng asin sa bahay?

Please for the witches here I need a major positive upheaval sa buhay ko..


r/phhorrorstories • • 1d ago

Advice Wanted Birth Chart Explanation

0 Upvotes

Hello, asked gpt about my sidereal placement birth chart. Ito sagot: Sidereal Ascendant (Rising Sign)-Scorpio

When looking at the precise mathematical crossover of the Sidereal Lahiri calculation on your birth date, your Sun was sitting right at 0° to 1° of Sidereal Libra. Because it sits perfectly on the border, you are a true Virgo-Libra cusp in the sidereal system, carrying Virgo’s analytical eye alongside Libra’s desire for harmony. Ano ibig sabihin nito? Any comments or need to know/avoid. New to this.


r/phhorrorstories • • 2d ago

Katanungan Has anyone tried love binding/ cord cutting spells?

13 Upvotes

I know maraming hindi naniniwala dito and I’m just asking for anyone who tried love binding spells if gumagana ba talaga yun? Ang dami ko nakikita sa social media as well as yung cord cutting?

Hindi ba parang kulam siya in a way?


r/phhorrorstories • • 2d ago

Advice Wanted Totoo ba talaga yung sumpa?

21 Upvotes

This year isa isa kaming nag kakasakit ng mga kapatid ko. Una ako then sunod sunod kami at iba ibang sakit. Generally healthy kami ha.
Maraming galit sa pamilya ko bec of business and money and alam din namin yun.

May chance ba na ma counter yung sumpa? Mga anak lang naman kami…. Wala naman din kaming malay sa mga nangyayari sa matatanda.


r/phhorrorstories • • 2d ago

Katanungan Have you ever experienced a glitch in the matrix?

53 Upvotes

share naman.


r/phhorrorstories • • 3d ago

Katanungan TW: abortion | May kaluluwa na ba ang fetus?

70 Upvotes

To all mediums out there,

Ang mga bata ba na pinapa-abort or na-abort due to miscarriage ay may mga kaluluwa na? Or depende po ito kung gaano na kalaki yung bata?

Paano kung cell formation pa lang (fetus)? Meron na po ba kaluluwa yun?

Ano po nangyayari sa kanila sa kabilang buhay? Lumalaki ba sila?


r/phhorrorstories • • 2d ago

Nightmares & Dreams I wake up everyday at 1:17 am

2 Upvotes

Hello the past few weeks nagigising ako ng 1:17 am at hindi ko alam kung bakit. May isang gabi 12am na ko natulog nagigising parin ako ng 1:17 am. Nakakatakot kasi bakit laging 1:17 am halos araw-araw na ganto. Kaninang umaga noong nagising uli ako parang may na kita akong mga brown na ghost na medyo matangkad. Parang paalis na sila pagkatapos gisingin ako or something Idk I'm really groggy when I woke up. Baka may alam sa nangyayari sakin or fucked up lang circadian rhythm ko HAHA


r/phhorrorstories • • 2d ago

Kwentong Albularyo at Mangkukulam About Kulam and Healing ng Albularyo

4 Upvotes

Last Wednesday-Nov. 18, Galing ako sa hospital dahil na confine anak ko, nung paguwi ko ng bahay naabutan ko yung pamangkin ko na nagrereklamo dahil sa pamamaga ng face niya at nakwento niya sa akin na pupunta daw sila sa Albularyo kasama ang Nanay ko, at dahil need ko bumili ng gamot sa drugstore nag decide ako na sumabay sa lakad nila malapit lang ang drusgtore sa venue ng healer (Very curious talaga ako eh kaya ako sumama, mahilig talaga ako sa paranormal beshie)

Eto yung first time ko actual na makakita ng isang taong kinukulam and at the same time makakita ng albularyo habang nasa proseso ng pagheal

Dalawa silang albularyo na both male yung isa mga in his 30s yung isa 40s, Mula pagkadating namin sa place ng healers mga more or less 15 minutes bago nag start yung healing process(nasa labas kami ng chapel/ venue,hindi ko alam what it took that long, pero haka haka ko may ginawang preparation yung isang healer-older)Bago kami pinapasok sa venue tinanung ni healer-2nd(younger) if anu nararamdaman ni niece, eto mga nararamdaman niya ( Namamaga ang face, makati buong katawan, may time na masakit ang ulo(back part ng head), at nagigising sa tulog sa hating gabi may one night pa na 5 times na sleep paralysis) Nung sinabing pumasok na kami, excited ako makakita ng isang albularyo in action, He looks like a rockstar madami kasi siyang Tattoo sa katawan yung triangle with the eye, and some paragraphs & etc) at medal siguro proud siyang naging Valedictorian ng batch niya charot lang, Sa tingin ko anting anting yun. Pinaupo niya yung niece ko sa harap niya tapos umupo din yung albularyo sa upuan na kahoy, Yung Healer(older) para siyang may hawak na something sa kamay niya na hindi namin nakikita , naka pa letter ''C'' yung gesture ng right hand niya na pa horizontal mga more or less a minute siyang naka ganun, tapos hindi ko siya nakitang nag tawas yung patak patak ng kandila sa water. tapos after nung parang letter C gesture niya may iba siyang gesture na ginawa then tinanung niya pamangkin ko if masakit, hindi daw sabi ng niece ko as I remember. then nagpalit silang nung isang albularyo-younger(2nd) at siya na nag continue ng process. Nag pray si 2nd healer ng maikli then hinawakan niya sa daliri yung niece ko then kinausap niya yung Witch na tanggalin lahat ng nilagay sa niece ko, galit na galit yung albularyo na nagsasalita, nung una hindi pa ako convince pero nung kumikilos na ng weird yung niece ko na as if may tinatanggal siya sa face niya pati sa waist niya na something na hindi ko nakikita tapos umuungol siya na as if nahihirapan siya at takot na takot na nagmamadali na tanggalin kung anu man yung sa face niya dun palang ako na convince na well this is a real deal/ legit nga, yung healer may minention siyang ''Sibat'' ''kidlat'' tapos hinipan niya daliri ng pamangkin ko. Sa totoo lang parang torture yung pinapanuod ko that time pero in a spiritual sense. nung matapos na yung process tinapik ng malakas konti yung balikat ng niece ko, dun narin siya nagising and yung facial reaction niya is nagulat siya like she's wondering kung anu ang nangyari, pinapikit siya nung mag e estart na process e. -May pinagawa sa niece ko after, sa bahay na niya ginawa

-Hindi tinanung nung healer if sino nagpakulam at kung bakit

-Walang tawas na nangyari, according to the older healer hindi na daw need kasi tignin lang daw niya malalaman na raw niya if under ng kulam ang isang tao or hindi

-Yung last gesture ng healer sa pamangkin ko is yung as if ginilitan/hiniwa niya sa leeg yung niece ko gamit ang kamay niya

-Tinanung nung albularyo sa niece ko if nakikita ba niya yung Kulay Blue sa mata ni healer

Gusto ko sana magtatanong sa albularyo about sa bagay bagay na nangyari that time kaso hindi ko nagawa kasi somehow na intimidate ako sa kanila/nagulat sa mga pangyayari, Like ano nangyari sa Witch? etc.

another new paranormal experience unlocked dated Nov 18. 2026.

p.s. wala akong galit dun sa witch, I just wonder kung sino nagpakulam at kung bakit....


r/phhorrorstories • • 2d ago

Advice Wanted Gusto ko lang malaman

3 Upvotes

Pano malalaman kung legit yung online manggagamot? Applicable din ba yung parang sa physical pain like mag-pa second opinion din? Thanks!

Edit:

Shoutout po kay u/burgersteak1898. Guminhawa pakiramdam ko. Nakakapangilabot yung nangyari pero napalitan ng comfort after the process. Maraming salamat!