r/phhorrorstories • u/Intrepid_Reindeer840 • 3h ago
Unexplainable Events Biglaang swimming
This happened noong may biglaang swimming kami ng mga barkada ko. Sanay naman na kami sa mga biglaang lakad pero this time medyo special kasi birthday ng cousin ko so we decided to celebrate in advance. Since biglaan nga ang plano, hapon na kami nakapag-decide kung tutuloy ba talaga kami. Nag-prepare na rin kami ng mga pagkain at iba pang kailangan namin.
Usually, pinapayagan naman kami ng mga parents namin kapag may mga gala kami pero dahil gabi na kami aalis medyo hesitant na yung iba kung papayagan ba sila. May ilan din sa barkada namin na hindi pinayagan ng parents nila pero dahil nga excited na kaming lahat, tumuloy pa rin kami mwehehe. Almost 12 midnight na kami nakabiyahe and sa kabilang bayan pa kasi yung pupuntahan naming dagat, baryo na talaga siya sobrang liblib. Sumakay na kami ng skates (for those na hindi familiar parang trolley siya na dumadaan sa riles na may makina) Inabot kami ng around 1 hour and 30 minutes sa biyahe which was actually faster dahil madaling araw na at wala nang gaanong dumadaan.
First time naming lahat na makapunta sa lugar na yon kaya medyo kinakabahan na kami habang bumibiyahe. Habang tumatagal napapansin naming palayo na nang palayo ang mga bahay na nadadaanan namin literal na puro palayan na lang ang paligid at sobrang layo ng pagitan ng mga bahay. Pagdating namin don nalaman kailangan pa pala naming mag-tricycle papunta sa mismong beach. Dahil madaling araw na at nasa province pa kami nahirapan kaming makahanap ng masasakyan huhu. Buti na lang at may isang tricycle so bale 8 kaming lahat, kaya hindi kami kasya nang isang biyahe lang so we decided na dalawang beses na lang siyang babalik para maisakay kaming lahat.
Nauna nang isinakay yung apat naming kasama, kaya kaming apat ang naiwan para maghintay. Medyo madilim ang lugar tas iilan lang ang streetlights. So habang naghihintay nagkukuwentuhan at nag-aasaran kami medyo napapalakas din mga boses namin. Then, out of nowhere, may isang matandang lumapit sa amin.
Ang weird lang kasi bigla na lang siyang sumulpot kahit sarado na ang mga bahay don. Hindi namin alam kung saan siya nanggaling. Lumapit siya sa amin at iniabot ang isang supot ng suman habang sinasabi:
"’Wag kayo masyadong maingay, may natutulog na. Ito suman bagong gawa ko yan.“
Nagulat kami pero tinanggap naman namin ang suman. Nag-sorry rin kami dahil baka nga nakakaistorbo na kami sa mga natutulog sa paligid. After that, hindi na namin namalayan kung saan siya nagpunta.
Pero may isang bagay na nagpa-weird sa amin.
Saktong 8 piraso ang suman na ibinigay niya, kahit apat lang naman kaming naiwan doon. Hindi namin masyadong pinansin noong una pero nagtaka rin kami kung bakit eksaktong walo ang binigay niya. Kinabukan, habang paalis na kami may mga tao na kaming nakikita sa paligid. Naalala namin yung matanda kaya tinanong namin yung mga taga-roon kung may matandang nagtitinda ba o gumagawa ng suman sa lugar na iyon. Gusto lang talaga naming malaman kung sino yung biglang lumapit sa amin noong madaling araw.
Pero ang sagot nila?
Wala raw silang kilalang matanda roon na gumagawa o nagtitinda ng suman.
Doon na talaga kami kinilabutan.
Kasi kung walang ganoong matanda sa lugar, sino yung nakausap namin? Saan siya nanggaling? At bakit eksaktong walong piraso ang ibinigay niya?
At ang mas nakakatakot pa, for some reason, hindi namin maalala ang mukha niya. Kahit anong pilit naming balikan sa isip namin kung ano ang itsura niya wala talaga. Naalala namin kung ano ang sinabi niya pero yung mukha niya? Blanko talaga parang hindi namin kayang maalala kahit na apat kaming nakakita sa kanya.
After that, umalis na rin kami. Pero akala namin tapos na ang lahat ng kakaibang nangyari sa amin, hindi pa pala. Yung biyahe namin pauwi na dapat ay one hour and 3 mns lang jusko inabot ng halos anim na oras. Sobrang lakas pa ng ulan tapos may narinig pa kaming parang may nabasag sa may gulong ng skates namin. Sunod-sunod ang aberyang nangyari habang pauwi kami.
May ilan sa mga kasama namin ang nagsabi na baka raw may pumipigil sa amin na makauwi agad. Hindi namin alam kung nagkataon lang ba ang lahat o may kung anong dahilan kung bakit sunod-sunod ang nangyari sa amin noong araw na yon.